"Swerte mo pre, ikaw pa partner ng gf ko ah." Nilingon ko naman si Aldrian at kunot nuong tinignan siya at tumawa naman ito.
"Girlfriend mo na 'yon? Easy to get naman pala e."
"Hoy tarantado ka, edi future girlfriend. Easy to get ka riyan ayaw nga ako pansinin, sabi rin nung best friend niya strikto raw papa no'n e, 18 pa raw pwedeng magjowa p*ta."
Natawa naman ako sa sinabi nito, strikto parents at hard to get pala ah. Kung hindi ka lang type ng tropa ko baka bumigay ka na sakin.
"Nasaan na nga ba 'yon? Sabi niya sa'kin kanina may sasabihin daw siya at may ibibigay na script para sa part ko. Tangina, kami raw bida? Patayin niyo nalang ako."
"Vince Vince, alam mong bawal kang tumanggi kasi babagsak ka at sinisigurado kong hindi matutuwa ang daddy mo."
"I know pre, I know."
Pagkasabi niya ay napatingin nalang ako sa kabilang side at nakita si Sierra na naglalakad papalapit na may hawak na kung anong mga papel. Kahit kelan napakabusy niya.
Umaalon alon ang buhok niyang itim na itim at parang mahuhulog na rin ang salamin nito dahilan para makita ko ang medyo bilog na pasingkit nitong mata, ang ganda.
Aish, ano ba 'tong sinasabi ko. Hindi ako dapat nagagandahan sakaniya, may gusto kaibigan ko sakaniya at wala akong pake sakaniya.
"Hey, Rico." napabalik naman ako sa reyalidad at napakunot ang noo ko sa sinabi nito, did she just call me by my second name?
"How did-"
"Nabasa ko sa class record, anyways I like Rico. So here is your script, memorize it then by tomorrow we will rehearse it okay? No buts, I gotta go."
Iniabot ko naman ang papel at napatango nalang ng lagpasan niya ako at pumunta para kausapin si Aldrian, ngiting ngiti pa ang loko. Naiinis ako, bakit kailangan pang ngitian ng matamis ni Sierra siya? Tapos ako puro pagsusungit lang binibigay saakin.
"Pre."
Huh! Mas gwapo naman ako riyan e tsk.
"Hoy Vince."
Kung hindi ka lang crush ng kaibigan ko baka kilig na kilig ka na sa'kin ngayon kasi sisiguraduhin kong mahuhulog ka sa'kin.
"Hoy! Pre, matutunaw na si Sierra at Aldrian kakatitig mo niya. Selos ka?"
Napakurap naman ako at napatingin kay Kenjie na nakangisi, kelan pa nakarating dito ang mokong na 'to?
"Ulol hindi sila tinitignan ko. Tapos na ba klase niyo?"
"Oo, tara lunch?"
"Sige una na ako sa canteen, tawagin mo na yang mokong na yan tama na kamo kakalandi, tsk."
Agad naman akong umalis doon at dumiretsiyo nalang sa canteen, ewan ko ba kung bakit ang init ng ulo ko. Makabili nga ng shake.
----
SIERRA:
"Okay na Aldrian?" Pagtatanong ko rito at parang tanga nan itong tango ng tango at ngiti ng ngiti.
"Sige, alis na ako." Pagpapaalam ko sakaniya pero bigla lang nito hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako rito at nagtataka siyang tinignan.
"Ahm, pwede ba akong manligaw?" Sambit nito.
Nanlaki naman ang mata ko at nahihiyang umiling saka inalis ang kamay niya.
"Uh, ano kase bawal pa ako magboyfriend—"
"Hindi naman ako nagmamadali na sagutin mo eh, manliligaw lang naman ako."
"Baka kase ano—"
"Please? Behave ako promise."
"S-Sige."
"YES! Sama ka sa canteen?"
"Uh, hindi na kasama ko kase bff ko, salamat."
Pagkawika ko ay agad na rin akong umalis. Omg, I can't believe na pumayag ako magpaligaw, eh ang kulit niya kasi e. Sana lang hindi ko ito pagsisihan at sana hindi ito malaman ni papa kase naman argh!
"Oi yamb, saan ka ba galing. Tara na lunch break na natin e, mauubos na time natin sa pagkain kung saan saan ka kasi napunta."
Bungad saakin ni yamb kaya inirapan ko lang ito at inilapag ang mga gamit para ilagay sa bag ko.
"Pagkain na naman, jusko baka nagdistribute ako ng script okay?"
"Oo na madam, halika na nga kasi!"
Hinila naman ako nito at habang naglalakad kami papuntang canteen ay naisipan kong mag open up sakaniya ng nangyari kanina. Syempre bff ko siya kaya dapat niyang malaman ano.
"Uhm yamb, may pinayagan akong manligaw sakin."
Nakita ko namang nagulat ito at tumingin saakin na nanlalaki ang mata.
"Anooo?!"
"Si Aldrian."
"Rivas?! R I V A S?!"
"Oo, may problema ba? At isa pa napilitan lang ako ano tas ano manahimik ka nga."
"Eh ikaw kase teh swerte mo si Aldrian pa talaga, infairness gwapo kaya naman pala pinayagan mo e. Pero syempre mas gwapo pa rin si Vince noh."
"Ano namang pake ko sa gwapo gwapo na yan."
"Syempre para maganda lahi yie HAHAHAHAHAHA"
"Tse tigilan mo nga ako, andito na tayo sa canteen oh."
"Sabagay, sige na ako na mag oorder alam kong stress ka madam."
Ngumiti naman ako sa sinabi nito at naglakad na papuntang table naman ng may humarang saakin at nakitang si Aldrian ito.
"Hi beautiful, dito ka na sa amin umupo." Bati nito saakin at tinuro pa ang table nila, nakita ko namang masama ang tingin saakin ni Rico.
Ano na naman bang problema ng mokong na yon?
"Ay hindi 'wag na, kasama ko kasi si Rhea."
"Oh sakto, dalawa pa available na sits."
"Eh kase—"
"Huwag pilitin ang ayaw, hayaan mo na 'yan."
Napatingin naman kaming dalawa kay Vince na naka what-look siya at sabay kumagat ng pizza. Ano na naman kayang nangyari sakaniya at ang sama ng tingin samin, inaano ba siya?
"Yamb! Dito tayo uupo kila Vince?"
Agad ko naman siyang siniko sa ginawa niya, pagkatapos kong tanggihan itong si Aldrian siya naman mismo magvovolunteer, nakakahiya talaga minsan ang babaeng 'to.
"Oo oo, see Sierra gusto rito ni Rhea. Halika Rhea yayain mo yang crush ko na sumama sayo umupo sa table namin."
"Oh yamb, upo na raw tayo 'wag na maarte."
Tinuro ko pa sarili ko, ako maarte? Gosh, wala na akong nagawa kundi sumunod nalang ako sakanila at umupo sa pagitan ni Rhea at Aldrian at kaharap ko naman ay si Vince na iwas ng iwas ng tingin pero pasimple namang sumusulyap.
Tang*na, siraulo ba 'to? Crush siguro ako nito e, sasampalin ko na mamaya.
"Tangina hindi ako nagseselos, p*ta!"
Lahat kami ay napatingin sa pagsigaw ni Vince, sino kausap nito? Siraulo ata.
BINABASA MO ANG
HIS ENDGAME
RomanceVINCE BENEVOLENCE - a playboy, a smart kid, and an ass. He is rich and famous not just because of his family background but also because of his look, he is very charming especially to girls even though he is a well know player, he NEVER falls inlove...