"Omg! Sierra! Narinig mo na ba ang usapan? Wala na si Vince at si Gia omg! May pag asa na ako sa asawa ko!" kinikilig na sambit ni Rhea saakin, napaismid naman ako sa sinabi niya at pinagpatuloy ang pagbabasa ng lecture namin kanina sa english, may quiz daw kasi bukas.
"Wtf Rhea? Ano namang pake ko? Alam mo kung ako sayo magrereview nalang ako, may quiz kaya bukas si ma'am Acoritay." pagalit kong wika sakaniya at inirapan niya naman ako at biglang hinablot ang notebook ko na naglalaman ng mga lessons kanina.
"Ano ka ba, ayan ka na naman e. Alam naman naming lahat na ikaw ang top 1 kaya 'wag mo na isubsob yang mukha mo sa lessons tignan mo yang salamin mo mahuhulog na kakabasa hayst. Ang mabuti pa kumain muna tayo sa canteen, may 15 minutes pa naman bago ang Filipino." Hinablot ko pabalik ang notebook ko at itinago sa bag ko at kinuha ang cellphone ko na parang wallet ang casing.
"Oo na tara na, kahit kailan ang daldal mo."
CANTEEN, samut saring ingay ang maririnig mo dahil na rin siguro halos lahat ng estudyante ay break time kaya naisipang dito tumambay, may mga nagdadate pa. Kaya andaming nabubuntis dahil sa kalandian ng mga hayop na 'to e.
Agad naman kaming nakahanap ng lamesa na mauupuan namin ni Rhea, sa dami ng students sa University kami lang dalawa ang naging magkaibigan simula't sapul.
"Yamb, ikaw nalang kuha ng foods natin please?" napalingon ako kay Rhea sa sinabi niya, wtf.
"Whatever ano ba gusto mo?" pagod na ako kakareview wala pa akong lakas makipagsagutan.
"Siomai tapos bread roll na dalawa and buko juice please." Pagkatapos niya sabihin iyon ay binigyan niya ako ng 100 kaya napairap naman akong iniabot iyon.
"Akin na change nito." nakangisi kong wika at tinalikuran siyang nakabusangot.
Psh, ang yaman yaman no'n kung makabusangot e piso lang ata sakaniya yung one hundred pesos.
Ano kayang bibilhin ko? Magk*kwek-kwek na naman ba ako or bibili muna ako ng sopas? I think I'll go with the sopas muna parang nagccrave ako ng creamy na sabaw, gosh perfect for my stressed brain.
Habang busy ako sa pag iisip at naglalakad at the same time ay may nakabunggo akong isang malaking tao? Or matangkad lang, hindi ako nagpatinag sa pagbungguan namin maging siya rin naman ay hindi naman din nagpatinag kaya naiinis akong tumingala sakaniya, ang tangkad e.
"Wala ka bang mata babae? Or desperada ka lang magdikit tayo kaya nagpabunggo ka?" uminit naman ang ulo ko sa sinabi siya pero umatras lang ako sa kaniya at tinalikuran siya, pero bago pa ako makatalikod ay may sinabi ako sakaniya.
"Sino ka para gustuhin kong magdikit tayo? Amoy baby ampota, childish."
Agad akong pumila sa may counter para umorder na, sino ba kasi yung lalakeng yun? Napakayabang hindi niya ba ako kilala? Bullshit, kaya ko siyang pahirapan.
VINCE:WHAT THE HELL? Sino ba yung babaeng yun para sabihan akong amoy bata tas anong sabi niya? Sino ako? Sino ba ako e ako lang naman ang sikat na si Vince Benevolence.
Sinundan ko ng tingin ang pangahas na babae at naririnig ko rin sa likod ko na tumatawa ang dalawa kong kaibigan na si Aldrian at Kenjie, mga puta.
Humarap ako sa kanila at kibit balikat naman silang tumikhim.
"Pre sino ka raw ba?" panimula ni Kenji na ikinainit naman ng ulo ko.
Sino ako? Bakit hindi ako kilala ng babaeng 'yon? Or sinadya niya lang iyon para paisipin saaking kakaiba siya na hindi niya kilala ang oh-so-yummy na si Vince. Trying hard siya masiyado, tama gano'n nga nagpapapansin siya well asa siya hindi ko siya papansinin.
"Amoy baby ka raw pala pre e, paamoy nga hahahaha." Agad naman akong napangiwi at inamoy ang sarili ko, pangbaby ba 'to?
Fuck, parang pangbababy nga pero gustong gusto naman ng mga babae amoy ko ang manly raw. Tapos sasabihin niyang pangbaby? Nahihibang ba siya, akala niya ba maniniwala ako sa sakaniya?
"Tss, mga abnoy. Sigurado akong kilala ako no'n at papansin lang 'yun, sus isang Vince Benevolence hindi niya kilala? Sinong maniniwala sakaniya? At isa pa hindi ako amoy baby, amoy lalakeng lalake ako." pagsasagot ko sa mga pinagsasabi nila at agad naunang lumakad papunta sa lamesa namin na tanging nakareserve lang para sa'min.
Isa isa naming binaba ang mga bag namin at umupo ng naalala kong nagugutom na nga pala ako.
"Vince, anong sayo?" tumayo si Aldrian pero agad akong umiling sakaniya at sinenyasan siyang maupo ulit.
"Ako na ang kukuha, at alam ko na rin naman mga gusto niyo, sige." napatingin naman sila saaking dalawa.
Tinignan ko naman sila na nagtataka.
"Himala nagvolunteer ang hari ng katamaran."
Sinapak ko naman si Aldrian sa sinabi niya.
"Tanga, gusto niya lang pumila sa likod ni Miss Montero, a.k.a miss sungit." napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Kenjie.
"Sinong miss sungit?"
"Yung nakabungguan mo kanina, 'di mo pala kilala yun pre? Sikat yun ah, kilala yun sa tawag na goddess of brains and beauty, bukod sa maganda ay sobrang talino pa." Agad na sagot saakin ni Kenjie.
"Sus 'di ko type yang mga ganiyan, sakit sa ulo ang mga matatalino." simpleng sagot ko nalang.
"Mabuti naman, akin nalang."
Napatingin kaming dalawa ni Kenjie kay Aldrian sa sinabi nito, saamin kasi siya ang pinakamatino at kapag nagkagusto siya alam naming seryoso iyon. Nagkibit balikat naman ako sakaniya at tumango.
"Geh, kukuha lang ako ng pagkain natin."
![](https://img.wattpad.com/cover/299132983-288-k879316.jpg)
BINABASA MO ANG
HIS ENDGAME
RomanceVINCE BENEVOLENCE - a playboy, a smart kid, and an ass. He is rich and famous not just because of his family background but also because of his look, he is very charming especially to girls even though he is a well know player, he NEVER falls inlove...