Days has past, and pare-parehas lang naman yung routine ko araw-araw, gising ng maaga, jogging, training, and so on. Paulit-ulit lang naman.
Today is saturday and it's our rest day, saturday and sunday to be exact.
Kakagising ko lang at alas syiete na ng umaga, hays salamat at nakagising din ng tanghali, medjo.
At dahil rest day namin ngayon tutulong muna ako kay mama sa negosyo nya na milktea shop sa bayan.
Bumaba muna ako para mag almusal dahil may naamoy ako'ng sinangag sa baba, nakakagutom naman. Sakto naabutan ko si mama na nagluluto.
Umupo muna ako sa upuan sa harap ng lamesa at tumulala, isa ito sa mga hobbies ko every morning yung mag muni-muni o di kaya'y bigla bigla nalang matutulala, wala lang ang angas lang hehe.
"Sha!" Sigaw na mama, jusq nakaka gulat ka ma ha
"Ha... ah, eh ano po?" napapitlag ako
"Kanina pa kita tinatawag, bumili ka kako ng asukal sa tindahan" utos ni mama
"Ah sige ilan, ba?"
"Isa lang, dun yung pera sa itaas ng ref"
"Sure ka bang asukal lang ma? Hindi sibuyas o bawang" paninigurado ko dito dahil syempre minsan kulang yun tas babalik ka ulit tas may kulang ulit tas babalik ulit tas minsan marami pang tambay na lalaki doon kaya sinsabi kong wala silang tinda o si kaya'y sarado hehe...
"Sakto na yan may sibuyas pa naman tayo, bilisan mo at mag aalmusal na tayo. Pag nadaanan mo si jaer sabihin mo sumabay sya sa atin mag umagahan!" Pahabol ni mama
Medjo malapit lang naman sa bahay namin yung tindahan mga limang bahay bago yubg amin kaya keri lang at hindi naman masungit yung nagtitinda don kaya ocakes lang, pero sa iba kasi minsan apaka sungit kala mo naman uutangan sya.
Nakabili na'ko ng asukal ng madaanan ko si jaer na nagbibilad ng damit sa bakuran nila, hindi pa naman nya ako napansin kaya kumaripas ako ng takbo pa uwi, ayokong manggugulo nanaman iyon dito.
Inabot ko na kay mama yung asukal at syempre tinago yung sukli, nang magtanong sya kung nakita ko ba si jaer, hello ma ako yung anak mo baka naman, char.
"Hindi ko sya nakita ma tulog pa ata, bakit?" tanong ko dito ang aga-aga si jaer agad hinahanap.
"Sabi kasi nya sasama sya sa bayan, diba sasama ka?" Tanong nya
Hindi yan sana sasabihin ko kaso tsk nagsabi na ako kay mama kagabi na pupunta doon eh, bida bida talagang jaer to.
"Ah oo ma HAHA sabay nalang ako sayo" sabi ko sabay kamot ng ulo, tsk.
"Eh papanhik na'ko pagtapos kong magluto" sabi ni mama
"Ay talaga ba? Char, edi sasabay nga nalang po ako sayo? Pamimilit ko
"Ayokong maghintay sayo, napaka bagal mong kumain, ano oras na at mag bubukas na ako kaya mauuna na ako, sumabay ka nalang kay jaer" sabi ni mama sabay tayo at hugas ng kamay dahil tapos na sya kumain