3

3 0 0
                                    

Maling desisyon talaga yung pumunta dito hays. . . .
   
   
Oo nga ba't di ko naisip na dito din sina jaer nagbabasketball
   
   
Tapos na'kong maghilamos at inabutan na'ko ni donna ng towel para punasan yun mukha ko
    
   
Pumasok na din sila mikmik at ashley dahil umalis na daw yung tropa ng kuya ni donna dahil maglalaro na daw sila kaya ayun nagsipasok na
  
  
"Anong ganap sa school this week" tanong ko sabay upo sa tabi ni mikmik
   
  
"Wala naman- ay oo ayun nga yung kabet kabet tas awayan ng napakagaling nating classmate, alam mo ba yun?" sagot ni ashley
   
  
"Ah ayun ba oo HAHA na ikwento sakin ni donna at mikmik" sagot ko
   
   
"So far wala naman halos ganap, wala din kami'ng klase masyado kasi busy yung mga teachers" ngiti- ngitin sabi ni donna
   
   
Napatango ako sa sinabi ni donna.
   
  
"Kailan nga laban nyo?" Tanong ni mikmik
    
   
"Ah ano next next week, ata? Di ko sure basta" sagot ko dito
  
   
"Ano ba naman to, anong di mo sure gaga buti pa ako alam ko" sagot ni ashley
   
   
"Ba't mo alam? Sinong kalandian mo sa basketball team ha" panunukso ko dito, buti pa itong si ashley daming alam dinaig pa yung athlete
   
  
"Secret hehe" sabi nya
   
   
"Daming alam! Itatanong ko kay kuya" sabi ni donna
   
   
"Tange di taga school natin, sa kabilang school yung kachat ko hehe" sabi niya sabay lagay ng buhok sa likod ng tenga nya. Tsk pabebe
     
   
"Omg! You traitor"  sabi ko sabay singhap
    
  
"OA naman jusq" sagot ni mikmik
   
  
"Never mind, diba may ano housing-housing kayo ganyan?" Tanong ni ashley
    
  
"Oh tapos? Sasama ka?"
    
   
"Pwede rin ehe" pabebeng sabi nito, hays ba't ako binigyan ng gantong kaibigan
    
  
"Asa ka, edi mag athlete ka" sabi ko, matagal ko na silang ine-encourage mag athlete dahil wala akong kasama tas gusto ko din marasanasan nila yung kung anong feeling, pero palaging sagot nila eh 'wala nga akong alam di naman ako tulad mo na sporty daming alam na sports tulad ng ito,ganyan'.
    
   
"Grabe naman. Anong feeling? eh diba ano kasama nyo ibang mga athlete?" Curious na tanong nya
  
  
"Ah... ano, actually parang ano nag s-sleep over lang kayo ayun lang pero less yung puyat tsaka ingay dahil hindi lang naman kami yung athlete doon. Tas ano feel ko super responsible at independent na'ko kasi nakakaya ko ng ilang days na wala si mama tas masaya dahil maraming pera na baon pero kapagod din minsan pero okay lang nasasawapan naman ng happiness yung pagod mo lalo na't alam na magbubunga din sa huli ba." mahabang paliwanag ko
   
   
"Ah..." speechless sila. Eh?
  
  
"Sino-sino yung kasama nyo sa room?" Curious na tanong ni donna
   
  
"Mostly ano oh, gymnastic onti lang kasi sila eh tas puro babae" sagot ko
   
  
"Ah" tango-tangong sabi ni mikmik "pano kayo kumakain teh?"
   
  
"Malamang gamit yung kamay" pabalang na sagot ko
   
  
"Gaga ayusin mo!" Sigaw nito
    
  
"Gamit nga yung kamay tanga naman!" Hirap naman kausap nito
    
  
"I mean paano kayo kumakain as athlete" paglilinaw ni mikmik
   
  
"Ayusin mo kasi, ah ano sabay sabay kami'ng mga athlete naka pila ganon, basta ayon" bangag na sagot ko, eh kasi naman di ko din ma explain eh
    
   
"Sha ba arbor nga nung jersey mo?" Sabi ni mikmik, wow ang kapal ng budhi
   
  
"Mama mo ano ka chicks? mag athlete ka din para mag ka jersey ka ano! Nasaiyo na nga yung isang jersey ko eh abuso to!" sabi ko
   
  

"Eh ayun nga yung problema sha, wala akong alam na sport, kung sana merong jackstone na sport eh edi dun na'ko" nakangusong sabi nya. Tawa naman kami ng tawa nila donna at ashley
    
    
Nagtuloy-tuloy pa yung paguusap namin at napag-pasyahan nilang manood ng movie since boring daw.
    
   
Kaya heto ako nagluluto ng pansit cantoon since wala naman daw akong halos ambag sa chickahan nila. Aba ba't parang kasalanan ko pa.
   
   
Tahimik kong hinahalo ang mga seasoning nang biglang may nag-takip ng kamay sa mata ko.
   
  
"Awat na don!" Si donna to alam ko pinagtritripan nanaman nila ako
   
  
Hindi pa rin binitawan ni donna yung mata ko, mas lalo pa nga niya iyong idiniin.
    
   
"Gaga to! anong pakulo to ha!" sabi ko sabay tulak sa kanya kaya binitawan na niya ako nito
    
  
"Aray, sakit ah" sabi nito
   
  
Medjo malabo pa yung paningin ko kaya kinusot-kusot ko muna ito, di ko pa sure kung si donna ba ito o si mikmik.
   
   
"Sha mapanakit" sabi ni jaer. Ano nanamang ginagawa ng tanginang to dito
   
   
"Deserved!" Panggagaya ko sasinabi nya sa'akin kanina "ano bang ginagawa mo dito ha!"
    
   
"Iinom ng tubig ba't ba!" Aba sya pa tong may ganang magalit
   
   
"Don si jaer inuubos tubig nyo!" Pagtawag ko kay donna
    
  
"Hala sige jaer ubusin mo,  palitan mo yan ha!" Sabi ni donna sabay irap
   
  
"Oo na, kahit dalawang container pa" sarcastikong sabi ni jaer
   
   
"Edi mas mabuti kung ganon,  tse" sabi ni donna sabay lakad paalis
    
   
Napalinon naman ako sa gawi ni jaer na umiinom ng tubig sabay subo ng pancit canton.
   
  
"Papansin eww..." sabi ko na ginagaya yung sinabi nya sa'akin kagabi.
     
   
Bumalik na'ko sa kela mikmik dala-dala ang pancit canton na binawasan na ni jaer bahala sila doon di naman ako nakain nun eh. Ang weird pero di talaga ako kumakain ng pancit canton, yung may sabaw okay pa eh.
    
   
Nakatapos na kami ng isang movie at wala din naman akong masyadong naintindihan dahil ang iingay nila kesyo ba't ganon daw?  pangit ng ending, tas basta daming side comments, eh nanonood lang naman sila, eh kung sila kaya yung nag direktor doon tsk, tsk.
   
   
"Arat sa basketball court" aya ni ashley
    
   
"May nagba-basketball doon. Ayoko" walang ganang wika ko
    
   
"Ayun nga, yun yung point kaya tayo pupunta doon eh dahil may nagba-basketball" sagot ni ashley na sinangayunan ni mikmik
   
  
"Eh? Kayo nalang" sabi ko sabay higa sa sofa nila donna
    
   
"Ang  kj mo sha" sabi ni mikmik
   
  
"Kayo na, na antok ako eh" sabi ko nang nakapikit
   
   
"Dali na shane naiinis na'ko" sabi ni mikmik
   
  
Hindi ko sya sinagot kaya hinila ni ashley yung paa ko sabay sabing,
   
   
"Tara na ada! Ada! Ada!" Naririndi ako sa pinag sasabi ni ashley tangina anong ada, napaka pangit ng second name nayan ha!
    
  
  
"Aray gaga to saglit, aray tang- oo na!" Hayop ashley napakabrutal
    
  
Naalala ko si ashley pala yung perfect example ng 'I get what I want'  animal napakasakit manghila, kaya hinimas himas ko yung pwet ko na tumama sa sahig, sakit naman.
  
  
"Tara na" malapad na ngiting sabi ni ashley sabay flip ng buhok tas umalis, sumunod naman sa kanya si mikmik kaya naiwan kami ni donna sa loob ng bahay.
    
  
Wow... iba talaga nagagawa ng malandi ah, ay este bitch para sosyal daw.
    
    
"Don! dadalhin ko si charlie ha!" pagpapaalam ko sa aso ni donna na napaka cute
   
  
"Wag, maglilikot lang yan doon at aawayin yan ng malalaking aso sa labas," sabi nya. Well oo nga naman
    
  
"Bubuhatin ko nalang pag may mga aso, dali na, ako nang bahala," ako naman magbubuhat kay charlie eh
   
  
"Geh." Pagsasangayon ni donna, kaya lumabas na kami.
   
  
Hindi naman ako mahilig sa aso, okay lang  naman ako kay jaer na nagiisang aso ko,  pero wala na cute-an ako sa aso nila donna eh
   
  
While walking hawak ko ang tali ni charlie habang sumusunod naman ito, di ko pa ito binunuhat dahil hindi pa naman lumalapit yung ibang mga aso.
   
  
Nakarating na kami sa basketball court dahil malapit lang naman ito sa bahay nila donna.
  
  
"Tignan mo yung dalawa oh kung maka sigaw, parang cheering squad eh kulang nalang sumasayaw sila doon, nakakahiya tong mga to," sabi ni donna
    
  
"Mismo.... hays, di natin yan kilala ha," natatawang sabi ko kay donna
   
  
Hindi kami lumapit sa kinalalagyan nila mikmik at pumunta nalang kami sa opposite direction nila kung saan wala sila.
    
   
Naglalaro sila jaer ngayon kaya maraming nanonood, weird pero maraming nanonood na taga dito ket practice lang.
    
  
Hindi ako mahilig manood ng basketball dahil di ko naman ito ma intindihan, for jaer's sake lang siguro kaya nanonood ako kasi wala raw nagsusuport sa kanya kaya ako nalang daw, like huh! Anong walang nagsusuport sayo eh marami nga kaya.
   
  
Hindi ako nanood ng laro nila dahil nilalaro ko si charlie dahil ayaw pumirme sa kandungan ko. Galaw ng galaw, now I'm regretting why I brought this cute little dog with me.
   
   
"Bebe wag kang malikot ha" pabulong kong sabi sa aso ni donna
   
   
Tumahol naman ito, wow... nakakaintindi sya omg! Nag behaved sya mga 1 minute tas nag gagalaw-galaw ulit.
   
  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Swim Our Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon