Hapon na nang sumunod na araw nagising si Aira. Agad pa siyang napabalikwas nang makita ang oras.
Susunduin siya dapat ni Ayder. Mabilis niyang kinuha ang phone sa side table. Truly, there are two missed calls from him. Iyon pa rin pala ang number nito. Akala niya ay nagpalit na ito ng numero. She immediately returned the call pero dumiretso na ang tawag sa voicemail.
Bumaba na lamang siya para itanong sa mga kasambahay kung may pumunta sa bahay nila para sunduin siya pero sinabi ng mga ito na wala namang naghanap sa kanya. Her sister was at their veranda having snacks. Kaharap nito ang ina.
"Aira," tawag ng ina nang makita siya.
"Kahapon ka pa hindi kumakain, samahan mo kami rito," anyaya nito. She had no heart to decline her mom. Sumalo na lamang siya sa mga ito.
"May naghanap po ba sa akin kaninang tulog ako?" tanong niya.
"Wala naman," tugon ng ina. Napatango na lamang siya. Maybe Ayder wants to know if she's ready to go out kaya tumawag muna ito.
"Why? Are you expecting some visitor?" tanong naman ng ate niya.
"Wala naman, ate," iling na lamang niya saka itinuloy ang pagkain. Bumalik siya sa kuwarto matapos kumain.
She kept calling Ayder at night but it kept redirecting to his voice mails. Kinabahan siya na baka hindi na ito magpakita pero pinayapa niya ang sarili. He wouldn't have called if he was avoiding her (again).
It was past midnight when he called. Nasa harap daw ito ng bahay nila. Everyone in the house maybe past asleep when she went down. Wala na kasing bukas na ilaw maliban sa dimlight na nasa altar sa kanilang sala. She looked at her dad's portrait and silently ask permission before going out.
Ayder was leaning at his car when she went out. She rode in when he opened the passenger's door.
They stopped at his uncle's private house. Dumiretso sila sa malawak na lawn pagkababa mula sa sasakyan. Unlike the last time they went there for stargazing, there was no picnic mat to sat on, only a wide empty lawn. Kakaunti rin ang mga bituin sa kalangitan. Tanging tanglaw mula sa maliit na buwan ang nagsisilbi nilang ilaw.
They stood beside each other staring at the vast sky. It was too silent that they can even hear each other's breathing.
"Their allegations were true," basag ni Ayder sa katahimikan. Napalunok siya at napatingin sa binata. He also looked at her in the eyes.
"I had this feeling na lahat ng babae would turn out like my mom," rebelasyon nito. His straight face gave her chills.
"Too young to be in loved and eventually iiwan din ako," marahan ngunit madiin nitong bigkas.
"So, I ended up hurting them physically," dagdag nito. She looked at him unable to say a word.
"Pero gusto naman nila. Pumapayag rin naman silang saktan ko sila. It was like they were enjoying it. That's why, it became so addicting."
She had goosebumps at his revelation. Hinawakan niya ang mga braso para payapain ang sarili.
"Pumapayag?" tanong niya rito. Tumango naman ito.
"How about Francine?" muli niyang tanong.
"Even Francine," salo naman nito. He said it with conviction that her jaw dropped.
"Saka lang naman siya nagreklamo noong nakikipaghiwalay na ako sa kanya," dagdag nito.
Natahimik siya sa sinabi nito. There may truth to his statement. Inamin din naman kasi ni Francine na pumayag ito sa kagustuhan ng binata. It took a while before Ayder spoke again.
"Pero never kong inisip na gawin iyon sa 'yo nor even had the urge to do it," saad nito.
"That's why I asked my sister to spare you. Natatakot kasi sila na maulit ang nangyari kay Francine kaya ayaw na nila akong mapalapit sa kahit na sinong babae," lahad ni Ayder. She could sense truthfulness in his words.
Lumapit siya rito at niyakap. She was ready to accept his dark side. Kahit noon pa mang gusto niya itong kausapin ay naihanda na niya ang sarili na tanggapin kung ano at sino man ito.
"Masakit lang na hindi mo ako binigyan ng chance na patunayan ang sarili ko," sabi nito sa halip na yumakap pabalik. Napalunok siya nang hawakan siya nito sa braso at inilayo mula sa mga bisig nito.
"But it's okay now... We can both move on," saad nito. Pakiramdam niya ay tumigil ang mundo niya. Tinutuldukan na ba nito ang kung ano mang mayroon sila?
"Ayder, tanggap ko na kung ano at sino ka. Hindi na natin kailangang maghiwalay," salungat niya rito. Ayder smiled faintly.
"I'm sorry, Aira, but we cannot be together now. I can no longer promise not to hurt you," tugon nito. Her heart pounded fast in pain.
"Ayder, tanggap ko na kung ano ka, at kung gawin mo man sa akin kung ano 'yong ginawa mo sa mga nagdaang babae sa buhay mo, wala na akong pakialam. Ang importante kasama kita," paliwanag niya. Ayder looked at her in disbelief
"Ayaw kong matulad ka sa kanila, Aira. It would be better if we are apart. "
Tuluyan na siyang napaiyak sa sinabi nito. It sounded so final.
"Wag naman ngayon. Kamamatay lang ni dad," pakiusap niya sa gitna ng pag-iyak. Ayder stared at her.
"If not now, when?" tugon nito. He looks decided and it shattered her world.
"I'm sorry, Aira," he mumbled. Muli siyang napaiyak sa sinabi nito.
"Know that I sincerely loved you and I still do. But we have to stay apart...for now" he added before pulling her to his embrace. Her shoulders shuddered on his embrace. Yumakap din ito sa kanya ng mahigpit pero iba na ang dating nito sa kanya. It felt like a hug of goodbye, not just for now, but for all eternity. Mas lalo siyang naiyak. Her heart crumpled and it was unstoppable.
Hindi na niya namalayan kung paano siya nito naakaay pauwi. She just found herself crying inside their house walking upstairs.
"Aira, ano'ng nangyayari sa 'yo?" Agad siyang niyakap ng kapatid saka inakay paakyat sa kuwarto. Gusto niyang sabihin sa ate niya ang lahat pero nawalan siya ng lakas. She was too tired to say a word.
Niyakap lang naman siya ng kapatid at pinatahan hanggang sa makatulog.
BINABASA MO ANG
Taming His Callous Heart (Part 2 of 3)
RomanceTheirs was a match made in heaven. Iyon ang alam ni Aira hanggang sa unti-unti niyang nadiskubre ang impyernong dala-dala ng lalaking pinili niyang makasama. Charot lang! Hahaha!