She woke up at the sound of her own scream. She was crying and screaming at the same time. Pinilit siyang pakalmahin ng ina pero hindi niya ito inalintana. Pakiramdam niya ay mababawasan ang sakit na nararamdaman niya sa pagsigaw. Ilang buwan kasing tahimik ang pagtangis niya, ngayon ay inilabas na niya nang tuluyan ang pag-iyak.
She continued crying and screaming when some people entered the room. Saka lang niya napagtanto na nasa ospital siya nang makita ang isang lalaking naka-white coat kasama ang dalawang naka-nurse suit. Lumapit ang mga ito. Then, she remembered what happened.
Hindi na niya alam ang sumunod na nangyari basta napapikit siya at sa muling pagmulat ng mga mata niya ay nakita niya ang ate Aisha niya sa tabi ng kama. Agad itong yumakap sa kanya. Yumakap din siya rito.
"What did you do? Lalaki lang 'yan. He is not the be-all and end-all of your life."
Nabasa na marahil ng mga ito ang sinulat niya bago pumasok ng banyo at uminom ng gamot.
"Nandito pa kami ni Mommy. We love you so much. Hinding-hindi ka namin pababayaan."
Napaiyak siya sa sinabi nito. "Ate," tanging nasambit niya sa pagitan ng paghikbi. Yumakap siya rito nang mahigpit.
"Hindi ko na kaya ate. Sobrang sakit na," parang bata niyang sumbong.
"You can make it," tugon naman nito habang minamasahe ang likod niya. "Until you know and recognize your pain, you can make it through," dagdag nito.
"Mas gusto ko na lang mamatay para mawala na lahat ng sakit," humihikbi niyang saad. Naalala na naman kasi niya ang sakit bago siya uminom ng pain killers.
"Lahat ng sakit, naghihilom. Nandito kami ni Mommy. We will help you out," she told her as she continued caressing her back. Nagpatuloy ang paghikbi niya hanggang sa unti-unti na lang natigil. AT sa unang pagkakataon sa loob ng ilang buwan, napayapa ang kanyang pakiramdam.
Marahil kailangan lang talaga niya ang ina at kapatid na masasandalan. Masyado kasi siyang nagkulong sa sarili niyang pagdadalamhati. She eventually felt asleep on her sister's arms.
Napagpasyahan ng ina at kapatid niya na mamalagi muna sila sa Bohol. May resthouse kasi sila doon. Hindi na lamang siya tumanggi. Maybe she needed to be away, too.
Ang maaliwalas at preskong kapaligiran na malapit sa dalampasigan ay nakadagdag sa paggaan ng pakiramdam ni Aira. Isama pa ang palagiang pagyaya sa kanya ng kapatid at ina na mamasyal.
Unti-unting bumalik ang gana niya sa pagkain. It was almost a week when her sister had a serious talked to her. Nakaupo sila sa veranda ng rest house habang ang ina ay pumasok sa loob para kumuha ng kape. It was a calm and peaceful night.
"Aira, iiwan ko muna kayo ni Mommy dito ha? Kailangan kong tingnan ang businesses natin," Aisha said smiling a bit. Napatango siya. Naiintindihan naman niya ito. Masaya siya na pinili na nitong i-manage ang business nila sa halip na lumayo.
"Gusto mo bang magkuwento kay ate?" tanong nito pagkatapos. Huminga siya nang malalim. Saan ba siya mag-uumpisa ng kuwento? She shook her head. Maybe she still needs to collect her thoughts and feelings. Iyon bang kapag nagkuwento siya ay hindi na maninikip ang dibdib niya at mapapaiyak bigla.
"Alright. Hindi kita pipilitin, but I just want to let you know na nandito lang si ate. You may call me anytime you wish," she told her. Tumango na lamang siya at ngumiti ng tipid. Siguro pagbalik nila ng Manila ng ina ay magagawa na niyang magkuwento sa kapatid. Lumapit ito niyakap siya. Yumakap naman siya sa ate. Malaki ang naging impact ng pagbabalik nito sa paggaan ng loob niya.
"Puwede ko bang malaman kung sino 'yong lalaking nanakit sa 'yo?" tanong ulit nito. Binitawan siya nito ay tiningnan sa mukha.
"Just his name," she told her.
Ilang beses siyang huminga nang malalim para ipunin ang lakas na bigkasin ang pangalan ng lalaking nangwasak sa puso niya. Aisha embraced her before she finally uttered his name.
"Ayder Filan," she mumbled in her ear.
Pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik sa pagbanggit ng pangalan nito. Hindi na kasi nanikip masyado ang dibdib niya na katulad noon, iisipin pa lang niya ay nag-uumpisa nang kumirot ang puso niya. This time it's different. Iba pala talaga kapag naramdaman mong may nagmamalasakit sa iyo sa gitna ng sakit. It lessens the pain especially when you can let go of your emotion.
Sana pala nagkuwento na siya sa ate niya noon pa man para hindi naipon ang sakit at galit niya sa mga pangyayari.
Magaan ang loob niya nang inihatid nila ang kapatid sa airport. Pagkalabas doon ay namasyal sila ng ina bago umuwi.
Her days in the island didn't feel boring. Inenjoy niya ang dagat at ang dalampasigan. Sa bawat paglipas ng araw ay unti-unti niyang natatanggap ang lahat lalo na at lagi na niyang kasama at kausap ang ina. Nagkaroon na siya ng pagkakataong mapalapit ng husto sa ina. Dati kasi ay mas malapit siya sa ama.
She now sees things in a different light.
As for Ayder, she still loves him, but she now understands the fact that they are apart. Hindi niya maaaring ipilit ang isang bagay na tinuldukan nito.
"What if we'll go on a trip abroad?" tanong ng mommy niya. It was one of their lunch dates at Loboc River. Madalas silang namamasyal roon. They love their floating restaurants. Nakatutuwa rin pati ang mga nagsasayaw ng folk dances. Kaya marami ang dumadayo rito at kabilang na sila roon.
"I like that, too, mommy," tugon niya.
"Gusto kong pumunta ng Thailand. Parang ang gaganda ng mga temples nila roon. Gusto mo ba?" muli nitong tanong.
"Sige po," natutuwa niyang sabi. "Sabihan ko po si ate baka gusto niya ring sumama."
"Sasabihin ko rin sana," nakangiting sambit ng ina.
BINABASA MO ANG
Taming His Callous Heart (Part 2 of 3)
RomanceTheirs was a match made in heaven. Iyon ang alam ni Aira hanggang sa unti-unti niyang nadiskubre ang impyernong dala-dala ng lalaking pinili niyang makasama. Charot lang! Hahaha!