The Last Chapter

3.7K 107 53
                                    

Going to Thailand was relieving to Aira, but their return felt otherwise. Sinalubong kasi sila ng ate niya pagdating nila sa bahay. She looked fresh and strikingly beautiful as usual. Nakaka-insecure rin ang ganda nito kundi lang talaga niya kapatid.

Yumakap ito sa ina nila bago humarap sa kanya. Tiningnan naman niya ang mga kasambahay na nagbubuhat ng mga gamit nila paakyat ng hagdan para makaiwas sa akmang pagyakap nito sa kanya.

"Kayo munang magkapatid ang magkuwentuhan, sumasakit ang ulo ko, akyat muna ako sa kuwarto," paalam ng mommy nila. Kanina pa nito iniinda ang sakit ng ulo pagbaba ng eroplano. Gusto niya itong sundan agad nang magtuloy-tuloy sa hagdanan pero naitulos siya sa kinatatayuan.

They were left at the living room. Iniwasan niyang tumingin sa kapatid. Para kasing may punyal na tumatarak sa puso niya kapag naiisip na ito na ang mahal ni Ayder.

"Aira, let me explain---"

"There is nothing to explain, ate," putol niya sa sasabihin nito. Tanggap naman kasi ng utak niya na wala siyang karapatang kuwestiyunin kung ano ang mayroon sa mga ito. Masakit nga lang sa puso.

"Don't worry. I'm okay now," dagdag niya. Ngumiti siya nang tipid at tiningnan ito sa mga mata. She wanted to appease Aisha. Ayaw niyang isipin nito na maaaring mangyari ulit ang napagdaanan niya dahil sila na ngayon nang dati niyang mahal. Karapatan ng mga itong mahalin ang mga taong naisin at hindi siya dapat maging hadlang sa mga ito.

Masakit man ito dahil hindi pa tuluyang naghihilom ang mga sugat sa puso niya pero pasasaan ba't magiging okay rin siya. Basta ang importante alam niyang higit sa lahat kailangan na niyang mahalin ang sarili ngayon.

Tinitigan siya ng kapatid. Aisha's eyes spoke of love as she reached for her hand. Parang nahabag ang puso niya. Nakita niya ang pagpatak ng luha sa mga mata nito.

"Mahal ka ni Ayder," sambit nito. She was startled at her remark. She expected a different statement especially that she saw them hugging each other.

"It is about time that you talk to him. Baka may dahilan kung bakit ka niya iniwan," dagdag nito. Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman sa pahayag nito. Her mind wandered incoherently.

"Bakit? Magkaibigan na kayo ngayon?" tanong na lamang niya.

"I'm sorry," Aisha muttered instead of answering her question.

"Noong umuwi ako mula sa Bohol, binalak kong gumanti." Napatitig siya sa kapatid. Seryoso naman itong nakatunghay sa kanya.

"Pinasok ko ang buhay niya at nagpanggap na ibang tao," dagdag paliwanag nito. Mataman siyang nakinig at prinoseso ang sinasabi nito.

"But I learned that he was a good man." Aisha smiled. Another tear escaped her eye.

"Only he was broken," she added. Bumilis ang tibok ng puso niya sa mga rebelasyon nito. Wala siyang maisip sabihin. There was a long silence before her sister spoke again.

"I hope you will find it in your heart to talk to him," Aisha said before standing up. Nasa hagdanan na ito nang sa wakas ay tumimo sa isip niya ang mga sinabi nito. Her sister would never lie to her. She was sure of that.

"Ate," tawag niya rito. Lumingon naman ito sa direksyon niya.

"Puwede mo ba akong samahan sa kanya bukas?" Nginitian niya nito nang tipid. Aisha smiled back.

"Sige," tugon nito saka tuluyang pumanhik.

Huminga siya nang malalim. Gusto niyang malaman kung ano ang sinasabi ng ate niya.

Dala-dala pa rin ba ni Ayder ang inamin nito noon na masamang gawain?

Had he became worst?

Pero sinabi ng ate niya na mabuti itong tao. What did she found out that she didn't know yet?

Taming His Callous Heart (Part 2 of 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon