Chapter 15

19 1 1
                                    

Pumunta kami sa mall pagkatapos sa bahay niya.

"Nood tayo ng movie?" alok niya.

"Uh sige."

Friendly date pa ba to? O gala lang?

Siyempre mas comportable ako sa gala kesa friendly date echos na yan. Hahaha!

"Ano gusto mong panoorin?" tanong niya.

"Ah ikaw na bahala." sagot ko sabay ngiti.

Pano, naiilang talaga ako eh.

Di talaga ako sanay sa ganito.

Minsan lang ako nakakapanood ng movies sa cinema.

Madalas binibili ko nalang yung DVD. Mas kaya pa ng budget.

"Crazy Beautiful You, okay lang ba?"

Pfft! Natawa ako dun ah!

Hahahahaha!

"Huy sira ka ba? Ba't ka tumatawa? " curious niyang tanong.

"Eh kasi about love yang movie na yan tapos yan yung inalok mo. Like hello? As far as I know, guys are not into romantic movies. Unless bakla ka. Hm?" natatawa kong sagot.

Hahaha okay para na talaga akong sira kaya pinigilan ko tawa ko.

"As far as I know, girls like romantic movies kaya kita inalok na manood ng movie na yan kahit ayoko. Baliw ka pala eh. Psh."

Oo alam ko kasi babae ako -_-

"Fine. Whatever. Manood na tayo."

"Manonood ka naman pala eh dami pang arte." tapos pumila siya para makabili ng ticket.

Sumunod naman ako.

"Crazy Beautiful You, two tickets." sabi niya nung turn na niya.

"Sir, we have a promo. Couples seat, mas mura pa and just the perfect spot for you and your girlfriend." sabi ng cashier at tumingin saken, ako ata ang tinutukoy na gf ni Kevin.

"Oh I'm sorry. Di kami couple, magkaibigan lang." depensa ko.

Nag-isip saglit si Kevin tapos nagsalita ulit.

"Okay. I'll take that couple seat promo of yours."

No. Way.

"Hoy Kevin! Di tayo mag jowa! Di kita papatulan noh! Tsaka normal seat nalang kunin mo. May couple couple pang nalalaman diyan." tutol ko.

"Mas maganda daw panoorin pag nandun sa couple seat. At di kailangan maging couple para umupo don. And di rin kita papatulan noh! Assumera."

Ako pa talaga tong assumera -_-

Binayaran niya at pumasok na kami sa sinehan.

"Takte, nakalimutan kong bumili ng snacks." inis niyang sabi.

"Its okay. Busog parin naman ako."

"Baka gutumin ka diyan o kaya mauuhaw."

"No, okay lang talaga. May tubig naman ako sa bag ko kaya walang problema."

Hindi na siya umimik pa tapos nagsimula na ang movie.

Infairness, maganda talaga dito sa inuupuan namin.

Pagkatapos ng movie, lumabas na kami.

Alangan naman magstastay kami sa loob.

"Kevin umiyak ka ba?"

Pansin ko kasing namumula pisngi niya tapos yuko siya ng yuko.

Umiyak ata to.

"Ako? Iiyak over that movie? Hell no, Chloe."

"Asus. If I know tungkol yan sa family lessons na binato ng storya satin."

Hindi na siya umimik pa.

Mali ata nasabi ko __"

Hayaan na nga.

"Uh Kevin, pwede tayo kumain ng meryenda? Nagugutom na ako eh."

"Sige. San mo gusto?"

Ang bait mo ngayon ah.

And I'm liking it ^_^

"Master Siomai nalang, if thats okay with you."

"Osge."

Tapos pumunta kami sa stall ng Master Siomai.

Beef siomai inorder ko, ganun na rin sa kanya.

Nung babayad na sana ako, pinigilan ako ni Kevin.

"Friendly date nga diba? Its my treat today." sabi niya sabay flash ng killer smile.

Oo, ang gwapo niya tignan but sorry. Di uubra saken yan.

"Iuuwi na kita Chloe. But dadaan muna tayo sa bahay ulet. Magpalit ka ng uniform mo para hindi mahalata na nag cutting tayo. Baka pagalitan ako ni tita."

Teka, TITA?!

Close kayo ni mama, teh? Hahaha xD

Pero may point naman siya.

"Osge."

Ibang sasakyan dinala niya. Yaman kaya neto! Haha.

Nagpalit na ako ng uniform ko tapos aalis na sana ako but pinigilan niya ulet ako.

"Ihahatid na kita. Hintayin moko."

"Wag na Kevin. Kaya ko na mag-isa. Tsaka babahain ka lang ni mama ng tanong sa bahay."

"I insist. Sa ayaw o sa gusto mo, ihahatid kita. Baka mapano kapa."

Nakakatuwa ka Kevin ah.

Ngayon ko lang nakita ang side mong yan.

As he said, hinatid niya ako.

Buti wala si mama.

Nagpasalamat na ako sakanya at nagpaalam narin.

I gotta admit, kakaiba na talaga si Kevin eh.

Am I starting to fall for him?

But imposible.

A nerd like me can't fall for a gangster like him.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Gangster's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon