Ginugulo talaga ni Kevin ang tahimik kong buhay!
1 week na simula nung "model" incident na yon.
And believe me when I say this, it was such a pain!
Grabe!
Hinarap ko mommy niya.
Oo, naglakas loob talaga ako.
Pero hindi naman binigay yung gusto ko.
Hindi ako pinakawalan.
Talagang gusto niya eh!
Lintek na mommy mo Kevin!
Ganito kasi yung nangyari:
********************************FLASHBACK************************************
Pagkatapos ng klase, hinintay ko si Kevin sa may gate.
Bakit?
Kasi haharapin ko mommy niya.
Kahit natatakot ako, gagawin ko.
Baka kasing-dragon ang ugali kagaya ni Kevin.
Haha!
"Hoy Kevin!" sigaw ko habang naglalakad patungo sa kanya.
"San ka nakatira ha? Kakausapin ko yang mommy mo."
"Sa bahay ko. Dali sakay ka na lang."
Ako?
Makakasabay ni Kevin?
"Ha?! Ayaw ko noh! Baka ano pang isipin ng mga taong makakita."
"Ambisyosya mo naman nerd! Ano tingin mo sa sarili mo, maganda? Yucks!" sabi niya sabay tawa ng malakas.
"Makapanlait wagas ah! Hiyang hiya naman ako! Che!"
"Haha! Idro-drop nalang kita sa may kanto tas maglakad ka na lang. Sundin mo yung sasakyan ko. Wag kang pa-obvious."
Hmmm.
Mukhang okay naman plano niya, in fairness.
Tapos, sumakay na ako.
Ganda ng kotse nitong lalakeng to ah.
Top down black car.
Pagdating namin sa kanto na sinabi niya, bumaba ako.
Sinundan ko lang sasakyan niya.
Pagdating ko sa bahay niya, NGANGA.
WOW.
*O*
Ang laki!
Tapos may guard na nakabantay sa gate at may mga maid na binuksan si Kevin ng pinto.
Sosyal ah!
Nahiya naman ako!
Maya-maya, pinapasok ako ni Kevin.
"Nerd, wag mong dumihin an mga furniture namin." bulong niya.
Anong tingin mo sa akin, taong grasa?!
Leche ka Keevin ah!
Malilintikan talaga kita mamaya.
Pagdating namin sa office ng mommy niya, natakot ako bigla.
Haharap ba talaga ako?
Nandito na ako eh.
Wala ng urungan.
"Diyan ka lang nerd. Kakausapin ko si mama saglit."
Pumasok siya sa office ng mama niya.
Saglit lang naman.
"Nerd, kausapin mo si mama ng maayos ah. Badtrip siya. Good luck!" sabi niya sabay smile ng mapagloko.
Patay!
Patay na talaga ako nito!
Kumatok ako sa pinto.
"Come in!" sigaw ng nasa loob.
"Oh hi. Ano maitulong ko sa iyo, hija?"
Mabait naman pala ah.
Baka niloko lang ako ni Kevin -_-
"Uh, good afternoon po. Ako po si Chloe Fernandez. Yung model na sinasabi ni Kevin."
"Oh so ikaw pala yon? Iba ine-expect ko eh. Anyway dapat magpapaganda ka hija ah. A week from now, magsisimula ka na. Magpapaganda ka tapos magprapractice tayo sa catwalk mo and hopefully be ready in about 2 months. I will be expecting great performance from you."
Uh okay?
What did I miss?
"Uh hindi po ma'am. Nandito po ako para tanggihan yung inalok ni Kevin."
"What?! Great exposure yan hija! Tapos malaki naman sweldo mo dito. Bakit ayaw mo hija?"
Nako!
Siguro malapit na akong sabugan ng apoy nito!
"Hindi ko po talaga gusto ang pagmomodel eh."
"Don't worry. I'll hire the best professionals to take care of you okay?"
"Uhmm okay?"
Pagkatapos nun, umuwi na ako.
*************EndOfFlashback**************
Huhuhu!
Welcome to your worst nightmare, Chloe.
BINABASA MO ANG
A Gangster's First Love
Teen FictionLove is unexpected. It comes when you least expect it. Kagaya sa buhay ng isang NERD at isang Gangster. Will destiny be on their side? Or will it rebel against them?