Chapter 10: 3rd and 4th concubine

3.1K 193 56
                                    

"Kaya wala kang ibang magagawa, princess." Dagdag nung guard. So kinut-off ni Rael pati pamilya ko? Yung tumulong sakanya?

Nanlamig naman ang buong katawan ko, ano na bang nangyayari kay Rai- I mean Rael? Hindi na siya yung dating mahal ko.

He's obsessed having more than one lady! Bakit naging babaero siya? siguro nga nasa iba akong timline diba?

My Rain wouldn't do this or would he? I mean sa unang buhay ko eh wala naman siyang ibang babae bukod sakin.

He's loyal, caring and kind! Kaya ang Rain na ito ay hindi yung Rain na mahal ko. Hindi siya gagawa ng kung ano ano na ikalulungkot ko.

I remember the days when he took care of me- masaya kami! Masay- masaya nga ba? Did Rain really loved me sa unang buhay ko?

Pero ok lang naman ang unang buhay ko. Why am I here now? To suffer sa isang Rael Inseo Malcolm na di ko kilala?

"Princess, kailangan mo ng bumalik. Malapit nang gumabi, the King wants all concubines present." Seryosong sabi nung guard- I think his name is Arcane?

"Pero..." mahinang sagot ko sabay tingin kay Judea. Inilingan niya nalang ako sabay hawak sa kamay ko.

"Princess, ok lang ako." Madiin na sambit nito sakin, kaya no choice nalang ako at tumayo na sa pagkakaluhod ko.

Alam ko kung ano ang sinasabi ng mga mata niya. Delikado ang posisyon ko ngayon since isa lamang akong concubine.

It means kung ano ang iuutos ni Rael ay wala akong magagawa. Hindi ako mapoprotektahan ng pamilya ko dahil naputol ang alyansa.

"Bibisitahin kita... kung may oras ako." Mahinang sabi ko bago ako sumunod don sa guard. Paglabas ko ay may nakita naman akong carriage.

Binuksan naman nung guard yung carriage kaya pumasok na ako, mas mabuti na din kesa maglakad pabalik diba?

Napayuko naman ako at napaisip sa mga mangyayari in the future. Am I gonna fight for the Queen's position?

Ano ka ba Lumine, of course ipaglaban mo. Ikaw lang dapat ang karapat dapat sa posisyon na iyan, so what kung maraming concubine na makakalaban?

I can prove kay Rael na kaya ko, na kaya kong maging fierce tulad ng gusto niya. I can prove na I'm worth it sa position na iyon.

I love h-him... yes, that's right. My love w-wont fade... probably? Sinampal ko naman ang sarili ko at nagulat naman yung guard na nasa harap ko.

Pero di ko nalang siya pinansin at in-encourage ang sarili ko na kaya ko to. Lumine- wag mong kalimutan ang pangako mo sakanya.

Mahal mo siya despite his personality and flaws, sabi mo kahit anong lifetime ay mamahalin mo siya. so tanggapin mo ang nangyari ngayon.

Once na makuha ko ang favor ni Rael ulit, I can ask him a favor na palayain si Judea. I sighed sabay hawak sa dibdib ko.

So kahit anong sasabihin ni Rael ay hindi ko dibdibin, I'm sure hindi niya sinasadya yun. He said na mahal niya ako... maybe I can take that as an advantage.

"Princess, andito na tayo." Tumango naman ako

"Thank you..." pagpapasalamat ko sakanya. "Uhm... sir."

"Nah, you can call me Cane...princess." Napatingin naman ako sakanya at hindi nalang nagsalita. Naglakad na kami papasok sa palasyo.

Nagtinginan naman lahat ng katulong at guards, siguro dahil sa suot ko. I look like a mess right now dahil sa dami ng iniisip ko.

Bumuntong hininga nalang ako sabay yuko, maybe because nahihiya ako. May narinig naman akong bulungan kaya mas lalo akong nawalan ng confidence.

I used to walk with my head up na may confidence. "Hello Sir guard. Ako na ang maghahatid sa prinsesa patungo sa mahal na hari."

I looked up and saw the maid... siya yung head maid kanina sa kwarto ni Rael. Nakayuko kasi ako kaya di ko alam kung san siya sumulpot.

"Ako na-"

"Pasensya kana pero ako ang inutusan ng mahal na hari, ayaw mo naman sigurong galitin siya diba?" sabat nung maid.

Hindi na kumibo yung- este si Cane, yun daw kasi itatawag ko sakanya. He sighed at nagbow na pero hindi pa naman umalis.

"Follow me, princess." Mabilis na sabi niya sabay lakad paalis, wala naman akong choice kundi sumunod sakanya.

"Hindi ba ako magbibihis muna?" nagtatakang tanong ko. I really need to get dress dahil makati yung suot suot ko.

Not to mention na maraming putik sa mukha ko, I probably smelled too. "Kanina ka pa inaantay ng mahal na hari. He wants you this instant."

Super bilis ng lakad niya and I can't almost follow her. pero nakarating din kami sa distinasyon, it was Rael's office.

Siguro andito si Rael, maybe I can talk to him tungkol kay Judea? no, kailangan kong kunin ang favor niya.

At dahil don ay bumalik ang confidence ko ng konti, not until binuksan niya ang pinto at nakita namin si Rael na may kasamang ibang opisyal.

Nanlaki naman ang mata ko, shoot! Hindi ako nakapagbihis! Nagtinginan naman ang lahat saamin and I almost shivered nung tiningnan ako ni Rael ng malamig.

"What... are you doing here? Dressed like a peasant?" paggalit na tanong niya sakin, doon ako tuluyang nanginig at nanlamig.

Hindi ako makapagsalita at napatingin sa paligid na may maraming opisyal na nagbulong bulungan nung nakita nila ako.

'She's from the Cypress family diba?'

'Bakit ganyan ang suot niya? So unladylike and dirty.'

'She must smell.'

I almost cried when I hear the gossips circulating inside the room. "H-hindi ako-

"Pardon this maid your highness. Pinilit kasi ako ng prinsesa na dalhin siya dito, she even threatened me nung sinabi kong busy ka."

What?

The First and Forgotten ConcubineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon