Chapter 12: Turning Competition into a Battlefield

2.7K 170 37
                                    


Napalingon naman ako sa tumawag and it was... the prince! Yung galing sa Vastrolav Empire! Of course nakasuot padin siya nung mask niya.

Pero this time iba naman ang kulay ng mask, it was white pero same parin naman ang design. If I were to guess, siguro marami ang colletion niya ng mask. Wild guess lang.

Nung narealize ko kung sino ang tumawag ay agad akong nagbow.

Ayaw kong galitin ang isang to, I just don't want to anger anyone at guluhin ang gabing ito. Dapat perpekto tulad ng paalala ni Rael sakin kanina.

"G-greetings Prince Darkhiel." Bati ko sakanya habang nakabow. Narinig ko naman ang mahinang tawa niya, it was music to my ears.

Agad naman akong napatingin sakanya, it was a gentle laugh at genuine to hear. Kitang kita ko tuloy ang mapuputing ngipin niya.

"Why so formal?" halos mabitawan ko ang hawak hawak kong inumin nung biglang lumapit ang mukha niya sa mukha ko.

Though malayo konti ang gap, halos atakehin ako dahil sa mga pinagagawa niya. "I-it's proper etiquette." Maikling sagot ko sabay layo sakanya.

It would be bad kung may makakita saamin, buti nalang at busy ang mga tao at wala silang pake.

"Diba sabi ko pwede mo akong tawagin sa pangalan ko? Dark or you can call me whatever you like." Naka-shrug na sagot niya habang nakangiti parin.

Tatanggi sana ako sa offer niyang tawagin siyang 'Dark' dahil it feels disrectful. Pero yung ngiti niya kasi... na-aano ako... nasisilaw... tapos di ko namalayan ang sagot ko. "T-then Dark it is."

"That's good." Patuloy parin siya sa pag ngiti, what is with him and smiles? Nung unang pagkikita din namin eh nakangiti din siya despite the awkward atmosphere.

Pero except nung nagdrama ako, he was just emotionless the whole time. Though hindi ko nakita yung expression niya nun.

Ebidensya na yung hindi niya pagsagot sa mga tanong ko. Speaking of kadramahan ko nung gabing iyon, I hope he wont mind?

"Ah- maraming Salamat nga pala sa gabing iyon." Agad na sabi ko, nakalimutan ko kayang magpasalamat at nakakahiya din naman sa part ko. "I hope you will forget the things I said hehe."

"Are you ok now?" doon naman ako napatigil sa tanong niya, hindi ko alam kung bakit ako naiiyak sa tanong niyang iyan.

No one asked if I'm ok... wala na din si Judea sa tabi ko so hearing this kind words really want to make me cry. Pero kailangan kong maging malakas.

Papagalitan ako ni Rael pag magkamali ako. "Oh yes of course. Super ok na ako." I answered calmly hoping my voice wont crack or hoping na sana hindi ako maiyak.

"I-" hindi natapos ang sasabihin niya dahil biglang may tumawag sakanya. Napatitig naman ako doon sa tumawag sakanya, a guard?

"We need to go, your majesty." Kalmadong sabi nito kay Dark. (Wow I can say his name normally now.) hindi ko alam kung bakit ako nakatitig sa guard pero parang familiar kasi...

"Cane" wala sa sariling sabi ko, sabay naman silang napatingin sakin, nanlaki naman ang mata ko at tinakpan ang bibig ko sabay iling. "No- I'm sorry. I was wrong."

Tsk- bakit ko ba yun nasabi, the guard was wearing a heavy armor at ko naman makita ang mukha. Pero bakit ko ba nasabi na si Cane yun?

Hays siguro namiss ko lang si Cane? Well... he was a good guard. "Pasensya kana mahal na prinsesa. But I must go, an emergency happened within my kingdom."

"Ah no worries." Sagot ko at tuluyan na silang umalis. Well that's weird, pwede niya lang naman sabihin na aalis siya without stating the reason.

Hindi ko din naman tinanong ang rason kung anong nangyari whatsoever. Siguro he's just being polite? Well whatever, hindi ganon si Rael.

Aalis lang siya agad, walang paalam or dahilan. Lalo na sa unang buhay ko, understandable naman akong asawa non kaya hinayaan ko na.

Hindi ko alam kung saan din siya pumupunta noon pero probably king works? Hindi ko nalaman in the end... pero nakapagtataka...

Saan nga ba siya galing non? Hayss... tapos na ang unang buhay mo Lumine, you will never know where he went.

Atsaka yung Rain sa unang buhay ko eh mabait, syempre di na ako nago-overthing kung saan siya pumunta duh...

Akmang babalik na sana ako sa lamesa namin doon sa gitna kaso biglang may bumangga sakin. yung hawak hawak ko na tray na may inumin ay natapon.

Kinabahan naman ako, my god... Rael will be mad- pero hindi naman ako ang bumangga as long as umamin ang bumangga na siya nauna... I will be fine.

"Ah I'm sorry-" hindi ko natuloy ang sinabi ko nung narealize ko kung sino ang nabangga ko. It was Leila... the 3rd concubine.

Nagulat naman ako nung bigla siyang umiyak na parang bata, I think we're the same age? Pero may baby face siya... "Kyaaah-!" sigaw nito.

Pero why is she crying!? Hindi naman ako ang bumangga- "What is happening?! Lumine?! ikaw na naman?" Agad lumapit si Rael samin.

Umiiyak si Leila habang hawak hawak ang dress niya. "Yo-your highness- it wasn't my fault! I swear!" she cried. "Tutulungan ko sana ang prinsesa na magdala... pero she spilled the drinks to me instead."

Naiiyak na paliwanag niya, nanlaki naman ang mata ko. "What!? Hindi ako bumangga saiyo, in fact ikaw ang unang bumangga sakin!" I also explained.

"Then why are the drinks spilled on her dress!?" paggalit na sabi niya sakin. "That alone is an evidence!" Napatingin tuloy ang mga tao sakin.

"Y-your highness- wag mong pagalitan ang prinsesa... she may just be jealous." Pagpipigil ni Leila kay Rael.

"I-" hindi ko nagawang pumagitna dahil sumulpot si Odelia.

"Your highness, totoo po ito. Nakita ko ang lahat ng pangyayari." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinambat ni Odelia.

"She even said na hindi daw deserve ni Lady Leila ang mahal na hari dahil isa lamang siyang malandi na higad." Dagdag nito.

No... don't listen to them... they set me up.

The First and Forgotten ConcubineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon