"Tara, Kape"
Naglapag ako ng isang cup ng kape sa harap ng babaeng abalang nagbabasa ng kaniyang libro. Hindi niya pa din napapansin ang presensya ko kaya't hinila ko ang upuan na nasa harapan niya at umupo roon.
Tinitingnan ko lamang siya habang seryosong nagbabasa at pa minsa'y nililinyahan niya ng highlighter ang ibang parte ng kanyang binabasa. Nakakunot pa ang kanyang noo habang siya ay nagbabasa na ibig sabihin lamang ay nahihirapan siyang intindihin ang kanyang binabasa.
Maya-maya lang ang nilapag niya ang highlighter na hawak niya at sinarado ang librong kanyang binabasa. Inangat niya ang kanyang ulo at pumikit siya habang minamasahe ang kanyang sintido, pagmulat niya ay laking gulat niya ng makitang nasa harapan niya ako.
"Kanina ka pa ba?" tanong niya.
"Mga ilang minuto lang. Inorder ulit kita ng kape, ubos na kape mo eh," sabi ko. Agad naman niyang kinuha ito at uminom doon matapos ay tumingin sa akin.
"Salamat," sabi niya ng may ngiti sa labi.
"Hindi ka pa din ba tapos? Ano ba 'yang binabasa mo?" tanong ko.
"May quiz kami bukas, major namin. Walang pumapasok sa utak ko," nakasimangot niyang saad sa akin at kinuha ulit ang cup ng kape at inubos na ang laman nito.
Nagpatuloy na siya sa kanyang ginagawa.
Tumayo naman ako sa kinauupuan ko at nagsimulang maglaho ang imahe ng babaeng nakaupo sa lamesa, wala na din ang mga librong nakalatag sa lamesa at natira lamang ang isang cup ng kape.
Lahat ng mga imaheng iyon at alaala ng isang babaeng ilang taon nang wala sa buhay ko. Araw-araw akong pumupunta dito at nagbabaka-sakaling muli siyang makikita rito, ngunit lumipas na ang dalawang taon ay ni isang beses ay hindi ko pa rin siya nakikita.
Inayos ko naman ang sumbrerong suot ko at kinuha ang cup ng kape na nakalapag sa lamesa. Napagpasyahan ko namang bumalik na lamang bukas.
Maaga akong nagising dahil napagpasyahan kong umaga ako pumunta sa coffee shop. Palagi akong hapon pumupunta roon, ngunit ngayon ay susubukan ko ng umaga.
Pagbaba ko sa aking kotse ay sinarado ko lang ito at naglakad na papasok ng coffee shop. Inayos ko ang pagkakasuot ng sumbrero ko bago pumasok, pero bago pa man akong makapasok ay may nabangga akong babae na kasabayan ko lamang na papasok sa coffee shop.
Nalaglag naman ang wallet na hawak niya kaya't pinulot ko ito. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya at iaabot ko ang wallet niya ay laking gulat ko kung sino ang babaeng nasa harapan ko.
"Lia."
"Liam."
Sabay na saad naming dalawa sa mga pangalan namin. Pinakatitigan ko pa siyang mabuti, hindi na mahaba ang buhok niya gaya ng dati. Hanggang balikat na lamang ito, nanatili naman siyang morena na siyang bagay na bagay sa kanya. Hindi pa rin siya nagbabago, ganon pa rin siya kaganda simula nong una ko siyang masilayan.
"Wallet mo," sabi ko at inabot sa kanya ito nang kukuhanin niya ito ay napatigil naman ako dahil sa ang singsing na nasa daliri niya.
Tumingin naman ako sa kanya. Nagtama ang mga mata namin at ginawaran niya ako ng napakagandang ngiti. Itinaas niya ang kamay niya at pinakita sa akin ang singising na suot niya.
"Tanda mo pa 'to?" sabi niya ng may ngiti sa labi. "Noon sinabi ko sa 'yo bago ako umalis sa oras na muling makita mo ako dapat suot ko na ito at ibig sabihin lamang nito ay babalik na ako sa iyo... Iyon lamang ay kung nakaya mo akong hintayin, pero hindi ko naman sigurado kung ako pa din ba dahil ilang taon na ba---" hindi ko na siya pinatapos pang magsalita at agad akong hinala siya papalapit sa akin at niyakap siya ng mahigpit.
"Lia, nangako ako sa 'yo na maghihintay ako," saad ko.
Kumawala naman siya sa yakap ko at hinarap ako ng may ngiti sa labi.
"Tara, kape?" tanong niya. Inabot ko naman ang kamay niya.
"Tara," saad ko sa kanya ng may ngiti sa aking mga labi.