8

16 1 0
                                    

Chapter 8(HIS LOVE)











........

PAGMULAT PA LAMANG NG MGA MATA ni Valentina ay kadiliman na ang kanyang nakikita. Wala syang syang makita kundi madilim na paligid dahil bulag ang tulad nya at umaasa syang makakakita sya.
Kagaya parin ng dati wala syang naalala. Naalala pa lang nya ang asawa nyang nagpakilala sa kanya.

Iyon lang ang inaasahan nya sa ngayon lalo na at walang naghahanap sa kanya ngayon. Kahit pamilya na sinasabi. Gusto nyang magtanong sa asawa ngunit nanahimik lang si Vale dahil pakiramdam nya abala rin ito minsan kahit sa bahay ito.

Dahan dahan syang tumayo at kumakapa na lang. Gusto nyang sanayin ang sarili kahit pakiramdam nya wala syang silbi habang lagi na lang sa kwarto at nagpapahinga ang tulad nya..

"Hu-bby? Where are you?." tawag nya habang kinakapa ang paligid. Gusto nyang lumabas kahit parang kadiliman ang nakikita nya.

Walang sumagot kaya kaya nagpatuloy sya sa paglakad palabas. Nahawakan nya ang doorknob at binuksan iyon.

Wala syang alam sa paligid nya.
Hindi nya alam ang buhay na nangyayari sa kanya at bakit nabulag sya at wala syang maalala.

Lumabas sya ng kwarto. Napatigil na lang sya ng marinig ang boses na mukhang galit ito.
Hindi kalayuan sa kanya na naririnig ang boses nito.

"Shut the fck up! Lennart. I know what I'm doing now! If you have nothing to say? Just keep your mouth shut. This is my life. Shut it." madiin nitong sabi kaya nagtataka sya.

Napalunok na lang si Vale habang nakatayo at wala syang makita sa kawalan. Narinig nya na mukhang galit ang asawa nya. Ngayon lang nya narinig ang ganoon ang asawa. Hindi nya alam pero kakaiba ang boses nito.

"Hubby?? Are you okay?." nagawa nyang magtanong.

"Sht! What are you doing here? Akala ko sa kwarto ka?." tanong nito sa kanya at bigla na lang lumapit sa kanya.
Hinawakan sya nito sa kanyang baywang at napabunting hininga ng ilang ulit sa Hudson.

"Galit ka ba? Bakit ka nagsisigaw kanina?." nagawa nyang tanungin ito.

"It's nothing. Hindi ako galit." sabi nito sa kanya.
Nanahimik sya sa sinabi nito.

"And what are you doing here? Hindi ba sinabi ko sayo na tawagin mo ako kapag gusto mong lumabas o may kailangan ka? God! Wife? Baka mapano ka. Baka gumulong ka na lang sa hagdan at mawala sakin ng tuluyan. Baka maaksidente ka na naman ulit." sabi ni Hudson sa kanya.
Napakagat labi syang nakatingin sa kawalan.

"I'm sorry.. Hindi ko sinasadya. I'm sorry again." nasabi nya ulit dito.

Narinig nya ulit ang mabigat nitong pagbuntong hininga.
Hinawakan sya sa baywang at hinarap sya rito. Nakatingin sya sa kadiliman at nakikirmdam na lang.

"Im sorry.. Nag-alala lang ako sayo ayaw kong maaksidente ka ulit." Seryoso nitong sabi sa kanya.
Wala syang magawa kundi ngumiti na lang ng tipid at nakaramdam ng pagkailang dahil sa braso nitong nakapulupot sa kanya.

Hindi sya nagsalita ngunit alam nyang nakatitig ito sa kanya. Wala syang makita at hindi nya nakikita ang mukha nito.
Naririnig nya lang ang buntong hininga nito.

Hindi na sya nagulat ng kargahin sya nito bigla. At bumaba sila sa sala. Binaba sya roon habang nanahimik sya.

Narinig nyang binuksan nito ang TV at mahina ang tunog nito. Wala itong imik kaya nanahimik na lang sya.
Inakbayan sya ni Hudson at nakaramdam ng pagkailang dito.

Hindi nya na nakikila ang asawa bakit naiilang pa sya?

"Bakit ang tahimik mo? May problema ba?." tanong nito sa kanya. At hinalikan pa nito ang ulo nya.

HIS LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon