4

13 1 0
                                    

Chapter 4(HIS LOVE)


Ms. M
Hindi ko napag-isipan po ang title.
Pasenya na hindi ho ako magaling 😃.
Salamat po!




...........



HINDI NAMAN ALAM NI VALENTINA bakit ganoon ang pamilya nya.
Siguro kailangan na lang nyang tanggapin ang buhay na mayroon sya.
Masakit man isipin pero ganoon ang buhay.
Ang kanyang ama na may babae at Ava ang pangalan nito. May anak itong lalaki at sa tingin nya sampung taong gulang na.
Baliw man isipin pero ganoon ang pamilya nya.
Bakit hindi na lang maghiwalay ang kanyang mga magulang? Bakit hindi na lang bumukod? Kaya sya bumubukod dahil gusto nya ng tahimik pero naawa naman sya sa kanyang walang hiyang ama.
Dahil gusto pa yatang makita ang pagmumukha nya kahit kung anong mga sinasabi nya rito. Hindi nya alam kung nirerespeto nya pa ito.

Pag sa labas ng bahay parang ayos lang sya. Pero pag sa loob ng bahay hindi nya alam kung ayos pa ba sya?

Ang buhay nyang walang hiya. Hindi nya alam kung saan patungo na lang. Dahil sawa na sya sa buhay. Sawa na sya sa buhay na ganito kaya minsan nanahimik na lang sya at minsan nagsasalita sya sa ganoon bagay.

Masaya naman sila dati ng kanyang pamilya pero nagkaroon lang ng kabit ang kanyang ama at tingin nya hindi pa kayang makipaghiwalay ang kanyang magaling na ama sa kabit nito.
At hindi nya pala alam kakilala pala ng lalaking iyon? Ang liit talaga ng mundo dahil nagkikita parin sila ng lalaking iyon.
At parang kapatid na lalaking iyon ang kabit ng kanyang ama at hindi sya makapaniwala roon.

"Where are you going? Brynn?." tanong ng kanyang ama ng matagpuan nya itong nasa living room at nakatingin sa kanya.

Brynn dahil parang naging maamo naman na parang dati. Tawag sa kanya dahil naglalambing sa kanya.
Baka nagpagtanto ng kanyang ama na galit ang paborito nitong anak pero sa ngayon wala na. Wala na syang pakialam.

"Malaki na ako Dad ät alam ko na ang ginagawa ko sa buhay. Wag kang mag-alala dahil kung nag-alala kayo sa kabit nyo baka kalbuhin ko sya. Don't worry, hindi ko gagawin ko dahil alam ko naman na mahal nyo ang anak nyo at lintang iyon." sabi nya rito habang matapang ang kanyang mukha.

Umalis sya na hindi na hinintay pang magsalita pa dahil wala naman syang pakialam sa sasabihin nito.
Pagagalitan lang sya kapag nadawit ang kabit nito at kapatid nya sa labas.
Bakit hindi na lang kasi makipaghiwalay ang kanyang ina? Marupok parin sa mahabang panahon. At parang normal na lang sa pamilyang ito pero sya hindi nya matanggap iyon.
Hindi dahil hindi nya gusto.

Wag mag-alala ang kanya ama dahil hindi sya nagseseryoso sa mga lalaki at sinusumpa nya hindi sya iibig dahil bato na ang kanyang puso. Wala syang balak pumasok sa isang relasyon na seryoso at parang wala lang talaga sa nya tingin nya laruan lang at alam nyang masasaktan lang sya. Ang mga lalaking magandang lang paglaruan ng tulad nya at iwanan nya.

Lumabas sya ng bahay habang napapabuga na lang ng hangin. Masakit ang kanyang kalooban habang nasa bahay na 'to pero sinasanay na lang nya. Parang walang katinuan ang buhay nya sa bahay na ito kaya gusto nyang mapag-isa na lang. Nang sa ganoon hindi nya maramdaman ang sakit. Kung gaano kalungkot ang nararamdaman nya dahil sa nangyayari sa kanyang pamilya.

Sumakay sya sa kanyang motorsiklo at sinuot ang helmet sa kanyang ulo.
Seryoso pinatakbo ang kanyang motorsiklo patungo sa kanyang kaibigan.

Nagtungo sya kay Ella kung saan ang condo unit nito. Hindi nya pinaalam na pupunta sya kaya dahil nagyaya naman ito pumunta sa nightclub kaya siguro dito muna sya bago magtungo sa lugar na iyon dahil gusto nya rin maglibang at katuwaan ng mga kaibigan nya.

Nasa tapat sya ng condo unit nito. Seryoso ang kanyang mukha habang nag doorbell sa pintuan nito para sana makapag buksan sya dahil baka sa loob naman ito. Pero wala parin.
Kaya napairap sya sa hangin dahil walang nagbubukas sa kanya kaya nagpagpasyahan na lamang nyang buksan ang pintuan dahil alam naman nya ang password sa pinto nito.
Agad naman nyang nabuksan ito ngunit walang kahit anong kaibigan ang naroon.

HIS LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon