Yno's POV
3 months na din since nag start ako manligaw kay Celine. Happy kaya siya? Pag magkasama kami parang lagi siyang tulala eh. Ano kayang problema nito. Si Eunwoo kaya? Gusto niya kaya si Eunwoo? Ayaw lang niya sabihin kasi ayaw niya kong masaktan.
Andito ako sa Bar, pinuntahan ako nung pinsan ko na si Kuya Kean..
Kean: Kamusta? Kayo na ni Celine?
Yno: Hindi pa Kuya.
Kean: Tagal mo ng nanliligaw ah. Nagdi-date na din kayo matagal na.
........... bakit nga ba?
Yno: Sabi ko naman sa kanya, handa akong maghintay hanggang sa maging ready siya eh.
Kean: Wow. In love na talaga pinsan ko. Pero masaya ako para sayo. Alam ko dun din kayo mapupunta ni Celine.
Yno: Sana nga eh. Sana talaga..
at tinanong niya ko nagtaka siya bakit ganun daw sagot ko.
Kean: Oh bakit? May problema ba?
Yno: Alam mo Kuya, may iba sa kanya eh. Everytime magkasama kami alam ko naman na nag eenjoy siya kaso bigla siyang natatahimik tapos pag tinatanong ko siya kung bakit lagi niya lang sinasabi wala lang.
Kean: What do you mean?
Yno: Parang kulang pa yung ginagawa ko, Kuya. Lagi naman special yung date namin kahit nung nag laguna kami. Pero ewan may iba talaga eh.
Kean: Bakit hindi mo siya tanungin? Ikaw lang naman nanliligaw sa kanya eh. Bakit nagkaka ganun siya? O di kaya may iba din siyang iniisip? Kaya ganun?
... ibang iniisip? Sino si Eunwoo? hindi naman nagsasabi si Celine eh.
Yno: Wala naman siguro Kuya, kasi bakit siya magpapaligaw kung meron.
Kean: Ayun ang alamin mo.
... tama ba si Kuya? Pano ko ba itatanong kay Celine yung nahahalata ko? O hayaan ko na lang ba? Since nagdi-date naman kami.
Tinext ko si Celine na may out of town ako sa Cebu kasama sila Kuya Kean. 3 days din yun. 3 days kong hindi makikita si Celine. Haist! Ano ba tong mga iniisip ko.
......
Nasa Cebu na kami. Sabi ko kay Celine andito na kami sabi niya mag ingat daw ako at mag behave. Wow? Ano bang akala niya sakin hindi behave? Hay nako Celine..
.............
Tinext niya ko sasama daw siya kila Mimi sa Tagaytay for 3 days din.
Diba boyfriend ni Mimi si Rocky, ibig sabihin kasama si Eunwoo? Haist! Umuwi na kaya ko ng Manila. Ayoko naman sabihin na " Celine, wag ka na sumama. Andun si Eunwoo eh."
Ayoko din naman siyang pagbawalan. Sino ba ko diba? So hahayaan ko na lang na magsama sila ulit ni Eunwoo?
Ngayon pang natatakot ako baka ma fall ng tuluyan si Celine kay Eunwoo.
.......................
Celine's POV
Niyaya ako ni Mimi and nila Bin na sumama sa Tagaytay since miss na daw nila ko kasama. So I said yes. Miss ko na din sila. Ang dami ko lang ginagawa talaga sa Cafe. And halos everyday din kasi kaming magkasama ni Yno kaya di na ko nakakasama sa kanila. I miss them. :(
Wala din kasi si Yno. Kaya nag decide ako na sumama sa kanila bukas sa Tagaytay. Sabi ko kay Mimi susunod ako sa kanila. May tatapusin lang ako. Sabi naman nilang lahat wag daw ako mang injan. OMG!! Kelan ko ba sila ininjan. hahaha.
BINABASA MO ANG
Coffee with Love
RomanceCoffee connects us in so many ways. to each other. As long as there was coffee, in the world. We have the world together.