5 days after.....................
I told Mimi, na may simple despedida ako sa bahay tomorrow. Nalulungkot daw siya kasi aalis na ko. At ako pa man din ang gusto niyang kasama na mag prepare ng wedding niya. Haaay besh. :(
Nagulat ako ng biglang nagpunta si Ate Rachel dito sa Cafe.
" Hi Celine."
" Hi Ate Rach. Kamusta? Napadaan ka?
" Can we talk?"
" Sure Ate. Tara lets seat here."
Umupo kami ni Ate Rachel, pinakuhaan ko siya ng Caramel Macchiato.
" Ano pag uusapan natin Ate?"
napabuntong hininga si Ate Rachel.
" Ahh. Celine, I heard na aalis ka na in 2 days."
" Yes Ate. I need this." then I smiled at her
" Its because of my brother, isn't?" Nagulat ako sa sinabi ni Ate Rachel.
" Ate Rach. Kasi.." bigla siyang nagsalita
" Celine, im here to speak up for my brother. I know how much he loves you. Alam niyo naman na saksi ako sa pagmamahalan niyong dalawa. Pero do you think, ang pag alis mo talaga ang makakaayos ng problema niyo?"
Bigla akong nagsalita. " Ate"
" I know nasaktan ka kasi hindi ka niya pinaniwalaan noon. But you know what Celine, nakita ko kung gaano siya nagsisi na hindi ka niya pinaniwalaan. Alam kong naging matigas siya dati pero sabi niya pag dating sa pagmamahal niya sayo, wala siyang laban."
" Ate, ganito kasi." bigla ulit nagsalita si Ate Rachel
" Celine, pwede mo kaming lokohin lahat at sabihin samin na hindi mo na siya mahal na gusto mo na siyang kalimutan, pero ang sarili mo hindi mo maloloko. Naiintindihan kong nasaktan ka niya dati, Pero Celine, hindi mo ba nararamdaman na hanggang ngayon mahal na mahal ka pa din ng kapatid ko?
" Ate Rachel, ano bang dapat gawin?" nag smile lang siya
" Kung ano ang sinasabi ng puso mo, ikaw lang nakakaalam niyan."
Ano bang sinasabi ng puso ko? Na mahal na mahal ko pa din siya?
" Alam na din niya na aalis ka papuntang US."
" ALam niya na Ate?" then nag nod si Ate rachel
" Wag mo sanang isipin na kaya ko andito para ipilit sayo yung kapatid ko. Im here to tell you how much Eunwoo loves you." then tumayo na si Ate Rachel " Sige na I have to go. Thanks for your time Celine."
Ano ba gusto kong mangyari? Sundin ko ba yung puso ko? Dapat ba talagang umalis pa ko?
Napapaisip na naman tuloy ako. Ano ba dapat gawin? Talaga bang iiwan ko na si Eunwoo kahit na nag sorry na siya? Ganito na ba ko katigas din ngayon? Haaay. Help me :(
...........................................
Pag uwi ko ng bahay. Dumiretso agad ako sa kwarto ko. 10pm na matatapos na naman ang araw na nag iisip na naman ako.
Bigla akong kinabahan ng magtext si Eunwoo..
" Celine, can we talk? Im here."
Wait what? He's here? Ano ba irereply ko? Bakit kinakabahan ako. Oh no. Ano bang sasabihin ko?
I decided to go outside and meet him.
" Eunwoo, bakit andito ka?" then bigla siyang tumingin sakin
BINABASA MO ANG
Coffee with Love
RomanceCoffee connects us in so many ways. to each other. As long as there was coffee, in the world. We have the world together.