Chapter 51

20 0 0
                                    

Andito kami sa labas ni Eunwoo.. 

Tahimik lang kami. Hindi siya nagsasalita. Hindi ko din alam kung anong sasabihin ko. 

Ako na ba mauna magsalita? 

Okay. Fine. Ako na. 

" Ahh, Eunwoo. Why are you here? I mean, bago ako umalis kanina andun ka pa diba?"

" Sinundan kita, kasi sabi nila Bin nakainom ka na daw eh. Nag alala ako baka mapano ka. Kaya sumunod ako." 

Tinignan ko lang siya.. Sinundan niya ko? Ano to? He still care?

" Sabi ko naman sa kanila, okay lang ako kaya ko pa naman. Nakarating naman ako dito eh. Hindi ka na sana sumunod. Besides, birthday ni Rocky dapat andun ka." 

" I just want to check if you're safe."

Ano ba Eunwoo? Ano ba gusto mong mangyari? 

" Now that Im home safe. You can go now. Sige pasok na ko." Pagkatayo ko bigla niya kong pinigilan

" Celine please. Dito ka lang." Napatingin ako sa kanya " Please. Kahit ngayon lang. Gusto lang kitang makasama. Kahit 1 hour lang. Please." then he suddenly cry

Oh no Eunwoo. Wag mo ko paiyakin.  

" Eunwoo." 

" Celine, alam kong nasaktan kita. Hindi ako naniwala sayo noon. Mas pinaniwalaan ko yung picture na yun. Naging selfish ako, hindi kita binigyan ng chance kahit na paulit ulit mo ng pinaliwanag sakin. Nadala siguro ako ng galit ko nun. Nagulat kasi talaga ko sa picture na yun eh. Kahit na alam ko sa sarili ko na hindi mo kayang gawin yun sakin pero naging matigas ako." Nakatingin lang ako sa kanya habang pumapatak yung luha ko. " Celine, mas mahirap pala na mawala ka sakin."

And then I can't stop crying

" Eunwoo.." hindi ako nakapagsalita kasi bigla siyang nagsalita ulit

" Celine, mahal kita mahal na mahal pa din kita. Never nawala yun. Dati pa kita gustong makausap pero sabi nila hintayin ko muna na mag heal ka. Im sorry kung nasaktan kita. Im sorry kung hindi ako nakinig sayo. Celine ang hirap."

" Eunwoo, ano ba. Wag ka ngang umiyak. Wala na sakin yun, okay na ko ngayon. Hindi naman ako nag tatanim ng sama ng loob. Wala akong kahit na anong galit sayo. Let's forget what happened in the past." 

" Kung pwede ko lang ibalik yung oras, ibabalik ko. Ibabalik ko yung mga nasayang na oras at araw na dapat magkasama tayo. Celine, mahal na mahal kita. Alam kong mahirap at hindi ganun kadali. pero Please give me another chance."

Oh no. Eunwoo :( Hindi ko alam anong isasagot ko.. Bakit bigla bigla siyang naging ganyan? 

" Please Eunwoo. Lasing ka lang kaya mo nasasabi yan. Wag mo na ko pahirapan." then my tears drip

" No Celine. Hindi ako lasing. Sorry kung pinapahirapan kita. Ikaw ang gusto kong makasama. Mahal na mahal kita Celine, mahal na mahal na mahal." 

I don't know what to say. Gusto ko nga pumasok pero nakayakap siya sakin. Pano ba ko aalis? 

" Eunwoo, please."

" Celine, aalis lang ako pag sinabi mong hindi mo na ko mahal." nagulat ako sa sinabi niya " At pag sinabi mo yun you will never see me again." 

Please Eunwoo, don't be too hard for yourself :( Nahihirapan ako. Gusto kong sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya. 

" Eunwoo, I can't. Hindi ko kayang sabihin sayo na hindi na kita mahal." nagulat siya sa sinabi ko. " Kasi hanggang ngayon, mahal na mahal pa din kita." then he suddenly kiss me

Coffee with LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon