Kuya, bayad po

64 5 2
                                    

Let's be clear: art is subjective. Hindi naman tayo pare-pareho ng pag intindi sa isang obra. Maaring tama tayo, maaari rin namang mali. Bakit nga ba ganoon? Hindi ko rin alam, e. Ang alam ko lang naman ay mag appreciate ng art. Napaka komplikadong bagay kasi ng salitang art. Itong isang salita pa nga lang marami nang pwedeng maging kahulugan. Kailangan lang talaga natin maging diretso kung ano ba talaga yung gusto nating maging kahulugan nito. Ganito siguro talaga ang magiging epekto sa'yo kapag walong oras kang nakatayo sa museo at naghihintay ng taong magtatanong sa'yo kung ano ba ang ibig sabihin ng pintang nakasabit sa pader. Bilang naman sa dalawang kamay ang mga nagtatanong sa akin na genuine sa pagtatanong, yung ibang mga bisita, nandoon lang para mag picture para sa instagram. SMH sa kanila, charot.

Natigil ang malalim kong pag iisip nang matanaw ko na ang karatula ng LRT station habang nakasakay dito sa FX. Katipunan, ang nakasulat sa karatula na kulay purpowl. "Kuya, sa may katipunan lang po."

Dali dali naman akong bumaba ng FX dahil may mga sasakay namang ibang pasahero na papunta ng Cubao. Habang pababa ng hagdanan ay hinarap ko muna ang bag kong nakasukbit sa likod para kunin ang aking beep card. Lagi ko talagang nilo-load-an ito tuwing Biyernes at dahil ngayon ay Wednesday pa lamang, may tira pa 'tong laman. Sayang din kasi ang piso na discount, pang dagdag na ring pang bili ng fishball.

Pagkatapos kong i-tap ang aking card sa turnstile ay pumila naman ako sa platform para maghintay sa pagdating ng tren. "Let's go, let's go, let's make it easy! GSM blue mojito" rinding rindi na talaga ako sa jingle na yan. Sa araw araw ba namang pumapasok ako sa trabaho 'yan lagi ang ad na naririnig ko rito sa LRT.

Mula sa platform hanggang sa loob mismo ng bagon, hindi na ako tinantanan ni Sue Ramirez. Pag sinuntok kita sa puson, girl, tignan natin kung makapag inom ka pa ulit.

Halos pareho araw-araw ang eksena palagi rito sa LRT. Sa umaga, lahat ng Recto station bound train, mga estudyanteng fresh, mga taong mag di-divisoria na nakaharap agad ang bag, at syempre, mga manggagawa na lumuluwas pa sa ka-Maynilaan para maghanap buhay, tulad ko, ang laman ng mga bagon. Pag pabalik naman mula Recto, ay syempre asahan niyo na ang mga uwing uwi, hagardong pagmumukha, at nakabusangot na fez ang maaabutan niyo.

"Uy, dire-diretso ka!" Gulat kong sambit dahil sa isang babaeng bumangga sa akin na nakayukong nagaayos ng bag habang naglalakad papunta sa platform. Mabuti na lang at sa akin siya bumangga kasi diretso hulog talaga siya sa riles ng tren kung nagkataon.

"Ay, sorry po, kuya, nagmamadali lang" hinihingal na sambit ng babae na halatang nagulat din. Sinagip ko buhay mo, teh. Wala bang thank you dyan? Atsaka kuya? Nangilabot ako doon ah.

"Sige, dito ka na lang sa likod ko para makapasok ko agad." Tumango na lamang siya ngumiti na may halong hiya.

Narinig ko naman ang bulong na protesta ng mga tao sa likod namin. "Ay ano ba yan, singit si ate." Rinig kong reklamo ng isang pasahero sa likod. Ikaw nga, mukha kang singit, narinig mo ba akong reklamo? Hindi, diba? Ok, sit down. Nahabag naman kasi ako kay ate girl, basa pa nga yung kulot niyang buhok at di pa nakasintas nang maayos ang sapatos niya. Napansin ko ring may bakas ng pintura ang sleeves ng sweater niya. 'Tong si ate ang init init sa Pinas naka-sweater pa. Kainaman.

Nang dumating na ang bagon ng tren, naramdaman kong kumapit si ate sa laylayan ng damit ko habang papasok ng tren. As usual kasi ay nagdagsaan na naman kasi ang mga tao na papasok sa tren para makahabol, alas otso na rin kasi, rush hour na.

Dumiretso naman ako sa gitnang bahagi ng tren tutal sa pinaka dulong station pa naman ang baba ko. Pero parang wala na ata si miss dungis na nakakapit sa damit ko kani-kanina lang. Nilingon ko naman ang paligid para hanapin siya at nakita ko ang mala-lion king niyang buhok sa kabilang dulo ng bagon. Tila awtomatikong napalingon naman siya sa aking gawi at nagulat nang makita akong nakatingin sa kaniya. Baka isipin nito na stalker niya ko pero binigyan niya lamang ako ng sinserong ngiti na siya rin namang sinuklian ko ng kindat. "Audio Technica? Rich girl pala 'to. Pero bakit ang dungis niya?" Bulong ko sa aking sarili matapos na makita siyang magsuot ng headphones. Oo na, ang salbahe ko. Madungis man siya, pretty pa rin naman.

The Colors of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon