"Karylle." Tanghaling tapat at tutok na tutok sa chismis ko si Anne habang kumakain kami ng lunch ngayon dito sa SM. Nandito kami ngayon sa Pepper Lunch dahil humirit ang bruha ng libre. Sabi ko nga sa kaniya, 'di pa ba sapat ang pagiging paminta ko at talagang sa Pepper Lunch pa niya ako inaya?
Invested na invested kasi ang bruha sa mga nangyari kahapon. Ako nga e pinipilit kong tanggalin sa isip ko yung nangyari. Sabi nga nila, 'pag ang isang bagay hinanap nang hinanap mo, lalo lang 'yan di magpapakita sa'yo. Pero 'pag 'di mo na hinanap, bigla na lang ulit lilitaw. Kaya pag di na talaga nagpakita, mag tanong ka na sa lost and found.
Tinitigan naman ako ni Anne nang banggitin ko ang pangalan ng babaeng kulot na kasama ko kagabi. "Parang familiar yung name niya." Sambit naman niya na may pagpikit pikit pang nalalaman na parang may inaalala. Kung pitikin ko kaya bibig nito nang manahimik?
"Teh, sa bilyong tao sa mundo, sa tingin mo ba iisa lang ang taong may pangalang Karylle? Atsaka di ko naman alam ang apelyido niya" Pagkatapos kasi naming mag kamay at mag sabi ng pangalan ay saktong may jeep na dumaan at nauna na siyang sumakay. Ni hindi ko man lang natanong ang apelyido niya o taga saan siya.
Aamin na ako ngayon pa lang, may parte sa akin na gusto ko ulit siyang makita pero may parte rin na nahihiya akong makita siya. Alam ko naman kung saan siya nag t-trabaho at alam niya rin naman niya siguro kung saan ang akin, kitang kita naman ang burda ng 'National Museum of the Philippines' sa uniform ko e so I think nakita niya na siguro yun. Ewan ko. 'Di ako sure. Ina-assume ko lang dahil tulad nga ng sinabi ko, asyumera ako.
Ngunit tulad nga ng sinabi ni Karylle kagabi, kung destined talaga at tunay na ididikta ni universe na magkita kami, kahit gaano pa kalaki ang distance na pagitan namin, magtatagpo pa rin ang aming landas. Pero 'di ko talaga iniisip na mangyari yun. Bahala na si Spider-Man. Bakit kamo Spider-Man? Kawawa naman si Batman, ang dami nang umaasa sa kaniya kaka-bahala na niyo! At kung iniisip mo, oo, suot ko ang salamin ni Karylle, just in case.
"Ay, alam ko surname niya, sis!" Entusiyastiko niyang sagot sa akin habang may laman pa ang bibig niyang pwede nang labasan ng tren sa laki at pinangtuturo pa ang hawak niya ang tinidor sa akin.
"Ano?" Tinuloy ko na ang pag subo ng pagkain kasi halos di ko pa nababawasan ang order ko dahil puro pa-kwento itong babaeng nasa harap ko ngayon. Pasensya na a, hindi ko kasi talent pagsabayin ang chismis at pagkain.
"Viceral. Karylle Vicer-" Bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay sinuksok ko na sa bibig niya ang tissue na kanina lang ay nakalapag sa table namin. "Alam mo, kung 'di mo talaga titikom yang bibig mo, 'yang buong sizzling plate na ipapasok ko sa bunganga mo." Iritang pagkontra ko naman sa kanya na may kasamang pag irap.
"Hoy, grabe ka sa akin, ah. Alam mo namang first time ko lang na marinig kang nag k-kwento about sa girl tapos ganiyan ka sa akin, hmmp! Ay! 'Di lang pala narinig, nakita rin pala. Baklang 'to." Ano raw? Nakita?
"Saan ka nakakita ng bakla na nagk-kwento about sa babae? Teh, mas posible pang maayos ulit ang Ozone layer natin kesa mangyari yang kung ano mang naiisip mo! At nakita? Paano?" Naku po, ito na naman ba? Nangyari na 'to sa akin just a little over a year ago.
"Huy, sis merong mga gay na nagkakaasawa, 'wag kang ano dyan." Aba pala-desisyon 'to a!
"Sino?" Pa-irap ko namang sagot sa kaniya kahit alam ko na kung sino ang isasagot niya. "Uy! Interesado ka ano?" Feeling ko talaga dino-dogshow ako ng babaeng 'to e. Hindi na lang ako sumagot, hoping na tantanan ako ni Anne. Kaso mali ako.
"Si Ogie Diaz!" Proud na proud niyang sagot sa akin habang ngumunguya pa rin. Gandang babae pero salaula e. Pagtapos lunukin ang kaniyang pagkain ay uminom naman ng tubig si Anne at inayos muna ang kaniyang sarili mula sa pagtawa bago magsalita ulit.
BINABASA MO ANG
The Colors of Us
RomanceLost, confused, and tired. Three words to describe Vice before that one morning at Katipunan. Never did he thought that train ride to work will change his life forever.