Chapter 5

2 0 0
                                    

Minsan di ko alam kung ano ba talaga ang kulang sa akin. Parang di na matino ang takbo ng isip ko haha pero uy! Alam ko namanYg di ako baliw noh :3

Aish! gulo ko rin noh? Sigh. Asan na nga ba ako? ah, narito pala ako sa rooftop nagsasampay ng mga bagong labang damit. Sabado naman ngayon kaya walang pasok.

Hindi ko nalang inaalala ang nangyari kahapon nakakalito lang yun kaya pagkagising ko, isinantabi ko kaagad ang mga kaganapang yaon.

"Hayy, ano kayang magandang gawin ngayon?" nag-isip muna ako nang may sumagi sa isip ko.

"Ahuh! lam ko na, pasyal muna ako sa park. Hihihi masaya yun!" parang baliw na ako kinakausap ko na naman sarili ko hayys kasi naman eh!

Dali-dali na akong nagtungo sa baba at naligo, nagbihis at ready na akong lumabas. Naka semi short lang ako na hangang tuhod at long sleeves na violet, kasi naman ang init haha wala akong payong kaya naka cap lng ako tas lugay ang mahaba kong buhok. Ayos na to.

Eksaktong alas 2 ng hapon ako nagtungo sa park upang maglibang lang. Sumakay ako ng jeep kasi malayo-layo rin yun. Wala naman akong sasakyan kaya ayun magco-commute na lang ako. Bata pa naman rin ako para magkaroon nun, diba?

Pagdating ko, may iilan ng tao na natambay doon. May mga puno rin na nakapalibot kaya di masyadong mainit.

Pinili kong umupo nalang sa lilim ng puno para tignan ang kabuuang paligid nitong park. Mamaya na muna ako maglilibot. Ang presko ng hangin kaya nililipad tuloy ang buhok ko. Nakamasid lang ako habang nakakapit ang isang kamay ko sa tenga upang iipit ang buhok kong hinangin kanina pa. Pero ang tingin ko nakalibot parin sa lugar. Ang ganda talaga. di ko mapigilang mamangha ngayon lang ako nakapasyal muli kaya parang ang daming nabago rito.

"Ah! para may remembrance ako dito, mabuti pa't ..." Kinuha ko ang bag ko at nilabas ang sketch pad at lapis para iguhit ang magandang tanawin sa harap ko.

"Iguhit ko nalang, sayang naman kasi ang ganda." wala naman kasi akong phone na de camera eh >_< .

Inayos ko ang upo ko at nag indian sit para mas makapagfocus ako sa pagguhit.

Nang natapos ko na, nilagyan ko ito ng date sa ibabang kanan at ang signature name ko na "~JMC" abbreviation ng pangalan ko Jane Marie Concepcion.

Tuwang-tuwa ako ng tingnan ko ang resulta ng naiguhit ko kasi parang kahawig talaga ito at mataimtim kong ipinagkukumpara ang tanawin sa harap ko at ang guhit na hawak ko. Talagang maayos ito haha ang saya-saya ko.

Play the Song (Back to me by Cueshe)

There are times I felt like i'm all alone
Wondering of, what have i done wrong
Maybe i, just listen you all along
When will you be coming home, Back to me.

"Luh, san galing iyon?" natigilan ako at nagpalinga-linga sa park nang may parang may kumakanta ang nadinig ko.

Sa di kalayuan may nagkukumpulang mga tao, kadalasan mga babae. Di ko namalayan na dumami na pala ang mga tao rito. Iniligpit ko na ang sketch pad ko at tumayo upang alamin ang nangyayari doon.

Habang papalapit ng papalapit ako doon ay naliwanagan ako sa boses ng kumakanta. Ang gandang pakinggan parang magkahawig na ito sa tunay na kumanta nito. Patuloy parin ang kanta at parang hinahagit ako ng boses na lumapit pa sa kinarorounan nito.

Di ko namalayan na nakalapit na talaga ako sa kumpulan at nakisiksikan dahil nasa harap na ako di kalayuan sa kumakanta. May nakatayong magandang babae sa gitna nito at parang gulat sa ginagawa ng lalaking nasa mini-stage. At mga kabanda nito pero di ko maaninag ang mukha nung lalaki kasi nakatagilid ito mula sa kinatatayuan ko.

Napangiti akong nakatingin sa babaeng gulat. Mukhang di talaga nito inaasahan na gagawin yun ng lalaki. Ang sweet nila. Nang nasa kuros na ang kanta, di ko mapigilang mapadako ang tingin sa lalaking kumakanta.

Napawi ang ngiti ko at natigilan nang humarap ang lalaki sa dako namin ng mga nanunuod. At nagtama ang mga mata namin. Pero agad siyang bumaling sa babaeng nasa harap.

Napa-atras ako bigla at dali-daling lumakad paalis. Patay. Sinapo ko ang noo ko at bumalik na lamang sa punong inupuan ko kanina.

"Ano ba to? Parang kinabahan ako." napahawak ako sa bandang dibdib ko.

*Inhale, exhale, inhale,exhale*

"Wala naman akong kasalanan sa kanya di ba?"  hayss bahala na nga. Kinalma ko nalang ang sarili ko at isinandig ang ulo sa punong kahoy habang nakapikit. Wala naman akong alam sa kanila diba?

Ibinaling ko ang ulo ko sa kaliwang banda habang nakapikit parin pero parang may bagay nasandigan ang ulo ko. Iminulat ko ang mata ko at nakita ang isang paang nakabitay. Napatayo ako bigla at mukhang naalimpungatan ang taong prenting nakahiga sa sanga ng puno na di naman pala kataasan at nakapatong ang kamay sa noo kaya nakita ko ang pamilyar na mukha.

O.O "Matthew!?" nanlaki ang mata ko at di makapaniwalang siya pala may ari ng paang yun.


******
Feel free to comment or even vote guys!^^)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secretly Watching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon