Chapter 3

6 1 0
                                    

"Manang, pabili po ng isang french fries."

"Cheese or salt?"

"Cheese po."

"Ah, sige ito na iha." sabi ni manang saka abot sakin.

Naglakad na ako palabas ng canteen para tumambay sa peace garden total mayron naman akong dalang soda kaya okay na to.

Di naman ako masyadong gutom, eh breaktime lng naman.

Pagdating ko don, eh talagang peace ang garden ngayon haha, biruin niyo ako lang mag isa ang natambay rito. Good choice. Doon sa pinakadulo ako umupo baka kasi may maiingay na ka klase ang dumating, maistorbo pa ako.

I'm having a great time eating while earphones plug on and one hand rest on the table, tapping fingers sabay sa beat ng kantang naka play sa phone ko.

"Uy, dre san na ba tayo tambay ngayon? Hirap naman nito ang daming malalaking bunganga nakapaligid satin, tsk."

"Heh! satin? talaga lng dre ha? eh di ka naman kasali samin eh. hahaha!"

"Eh, ang sama nito, mukha namang gago! Haha"

"Ako? mukhang gago? aish, tol! di ako adik noh! para sabihin ko sa iyo---"

"Psh, ingay." malamig na sabi ko na may halong inis saka tayo ng nakayuko.

"W-waaaaahhhhhh! dre, s-s-sadako!" sigaw ng lalaking nagmonologue kanina, tsk.

"Ha? dre gutom lang yan! haha, masama pala epekto sa iyo pag gutom noh? Halika na dre kain na tayo." tugon naman ng lalaki na ka argumento nya kanina sabay tapik sa balikat nito at umupo na katutad ng iba.

Ang isang lalaki naman ay nakatayo parin.

Mukhang di talaga nila ako na pansin. Buti pa ang isa nakapasin pero, ang pangit ng description nya sakin :3 huhu. Bahala na nga. Alis na lng ako dito, ingay eh.

" Mga dre naman eh, totoo talaga. " natatakot na sya pramis haha, gara nito. Kahit nakayuko ako nakasulyap ako sa mga natambay. Nakatingin sya na hindi mapakali while ang mga barkada nya busy sa pagkain at kwentuhan.

Malapit na akong makalagpas sa kanila kaya lang nang ...

"Aish, dre kanina ka pa ha! gusto mo---" O.O napatigil sa pagsasalita ang isang lalaki na kaaway nya kanina, at nanginig na tinapik ang iba. Nung nangyari? Napatigil ako di kalayuan sa kanila.

O.O Silang lahat napatigil sa pagkain at nakatingin sakin na parang gulat kaya nailang ako at yumuko nalang na halos di na makita ang mukha ko dahil sa mataas kong buhok. Nagpatuloy nalang ako sa paglakad patungo sa kanila dahil naroon ang daan kahit pa nakakailang na. Hays, bala na nga.

"D-d-di yan totoo m--ga dre diba? d-diba?"

"Oo nga! h-huy! kung sino ka man! di yan nakakatuwa!" may halong ngilabot na sabi niya.

Ok, sino kausap nila? ah! baka may nangingialam sa kanila. Oh tama, ay bala na nga sila dyan.

"H-huy! t-t-umigil k-kana s-sabi eh!"

Eh? nu bang nangyari sa kanila? wala naman akong narinig na ibang boses ah, sino kaya pinatitigil nila?

Malapit na akong makalagpas sa kanila nang ...

"W-waaaaaaaaahhhhhh! t-t-takbo!"

"A-aaaaaaaaaahhhhhhhh!"

sabay takbo nilang lahat. Napataas ang ulo ko at nakita ko sila na nag uunahang tumakbo. May nangadapa pa nga. Luh, nong nangyari sa mga iyon? Napa isip naman ako.

Ah, baka natakot? pero san naman sila natakot? Luh! baka nasa likod ko? dahan-dahan naman akong lumingon sa likod pero wala naman ah! Aish, di bale makabalik na nga lang baka tapos na ang break time, ma late pa ako hayss.

Secretly Watching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon