Prolouge

24 4 1
                                    

"Tao po ! Tao po !"

Kumatok ako sa pintuan ng kapitbahay namin. Isang linggo narin ang lumilipas bago sila lumipat dito sa village namin. Ngunit dahil busy ako ngayon ko lang sila nabisita. Nagluto ako ng mga Japanese food para sa kanila para naman maramdaman nilang welcome sila sa Village namin.

Ngunit wala pang nagbubukas at kanina pa ako dito.

Naisipan kong buksan ang pinto. Ngunit locked ito.

"Baka umalis sila mamaya ko nalang 'to ibibigay"

Tumalikod na ako ng marinig kong bumukas ang pinto.

Unti unti akong lumingon at tama nga ako. Bumukas ang pinto !

Pero pano nangyari yun ? Sarado ang pintuan kanina ?

Naisipan kong pumasok.

Inilapag ko sa mesa nila ang pagkaing dala ko at umakyat sa hagdan nila.

Ang laki ng bahay nila. Mas malaki pa sa bahay namin.

Napansin kong ang daming kwarto dito sa taas pero may isang kwartong kumuha sa aking atensyon.

Ang pintuan kasi ng mga kwarto ay halatang bago ngunit ang isang to ay parang luma na.

Linapitan ko ito at pinihit ang siradura. Sumalubong agad saken ang isang napakagandang manika.

Nakaputi ito at may mahabang itim na buhok.

"Baka pag mamay-ari ito ng anak nila"

Ilalagay ko na sana ang manika sa kama ng may marinig akong mga patak.

Napatingala ako at

At

At

Dugo ang pumapatak !!!

Na pa sigaw ako ng may batang nakabitay sa taas nakabigti siya ngunit ang paa nyay isang kalabit nalang ay mahuhulog na. Ang ulo nya ay nakapilipit. Habang ang katawan nya ay nakatalikod ngunit ang mukha niyay nakaharap !!!

Tanginaaaa.

"Ahhhh tulong tuloooong!!!"

Tumakbo ako patungo sa hagdan ngunit natapilok ako at nahulog sa hagdan.

"Putang ina ang sakit" mangiyak-ngiyak kong bigkas sa sarili.

May napansin akong paa sa may ulo ko kaya napatingala ako.

Halos mahimatay ako ng makita kong ang bata kaninang nakabigti ay nasa harapan ko na !!!!

At ang mas gumimbal sa akin. Ay ang manikang hawak niya.

Hindi na ito maganda at nakaakit tulad kanina. Dahil ibang iba na ang itsura ng manika. Nakakatakot ! Nakakatakot !

Hindi ko namalayang may palakol palang dala ang bata.

"Ahhh tulllooooong"

Aakma na sana akong tatakbo ngunit huli na huli na dahil naramdaman kong hati na ang katawan ko.

---

Carrie by bluish_sky453

CARRIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon