Carrie Chapter 2
Louisa's POV
Nasa hapag kainan na kami malapit na ring matapos. Ng maisipan kong siliping muli ang manika ni Nadine ngunit wala na ito. Namamalikmata ba ako ?
"Nga pala Nadine.."
Lumingon siya saken ng nakangiti. My little sister is as cheerful as always.
"Yes, ate ?"
"Bakit di mo pinababa ang bisita mo ?' Tanong ko sakanya.
Tumaas ang kilay niya.
"Bisita ? But ate I don't have any guest. I was just in my room alone."
Seryoso ? Pero sigurado akong may nakita akong kasama niya sa kwarto niya. Baka namamalikmata uli ako. Ano bang nangyayari saken ?
"Ah ganun ba ? Baka namalikmata lang ako."
Tapos na kaming kumain at tinulongan ko nalang sila mama at papa sa pagliligpit.
"Ahm, Ate Louisa akyat ka sa kuwarto ko ah may ibibigay ako sayo" Pangitingiting sabi ni Janice.
"Huh ? Okay sige ? Manghuhugas lang ako ng plato."
Inilapag ko ang mga plato sa lababo. Akma ng huhugasan ni mama ang mga plato. Pero pinigilan ko siya.
"Ma, ako na. Magpahinga na kayo dahil alam kong pagod kayo"
Ngumiti si mama sa'kin.
"Sure ka anak ?"
Ngumiti ako as a sign of YES.
"Sige. Dun lang kami sa sala ng papa mo manonood ng TV. Sunod nalang kayong magkakapatid pagkatapos mo diyan."
Tumango nalang ako.
Tahimik akong nanghuhugas ng mga pinggan ng may narinig akong humatak sa upuan dun sa may dining table. Baka si Janice lang yun at di makapaghintay.
"Oh janice ano ba ang ibibigay mo saken?" Tanong ko sa kanya. Pero nagtaka ako bakit walang sumasagot ?
Kaya tinanong ko ulit siya.
"Hoy Janice? Ano nga ?"
"C-c-carrie"
Huh ? Parang iba ata boses. Liningun ko yung dining table. Pero paglingon ko wala namang tao ?!
Gosh. I think this house is weird.
Kinilabutan ako kaya dinalian ko na ang paghugas ng mga plato at umakyat na.
Nagpunta ako sa kwarto ni Janice para tanongin siya kung ano ang ibibigay niya saken.
Kinatok ko ang kwarto niya.
"Janice ! Diba may ibibigay ka sa akin ? Ano yun ?"
Bumukas ang pinto at bumungad saken si Janice.
"Halika ate, may ibibigay ako sayo."
Pumasok ako sa kwarto niya. Ang hilig talaga niya sa kulay na pink. Tsk2 super girly si Janice.
May inabot si Janice sa akin na papel.
"Eto ate oh. Bisitahin mo yang mga website nayan. Pwede mo yang pagkakitaan. Kung ayaw mo, ako nalang ipasok mo gamit ang pangalan mo. Hindi kasi ako pwede kasi minor pa. Please ate?"
Hays ito talagang batang to puno ng kagagahan sa katawan.
"Okay, sige. Nga pala, sabi ni mama at papa punta daw tayo ng living room manonood ata ng movie."
BINABASA MO ANG
CARRIE
HorrorI like dolls. I collect them when I was a child. I don't think dolls are creepy until CARRIE came.