"Ma, sure ka bang hindi madumi ang lilipatan natin ? Baka madumi. Hindi ko masikmurang tumira dun."
Sabi ng anak kong nakasimangot. Lilipat na kasi kami at halatang ayaw niya. Nandun kasi sa dati naming tinitirhan ang mga kaibigan niya. At halatang malayo sa sibilisasyon ang bayang lilipatan namin. Pero wala siyang choice kasi dun malapit na assign ang asawa ko sa bayan na yun.
"Wag ka mag alala baby, lilinisan namin ng papa mo yun"
Pagkatapos nun hindi na siya nakapag salita at dumungaw nalang sa bintana.
Pagkatapos ng ilang minutong pagbabyahe. Nakarating narin kami.
Tinitigan ko ang bahay. Bagong bago ito. Walang bahid ng kalumaan. Pero walang kapitbahay. May bahay sa tabi ngunit parang wala ng nakatira kaya binili narin namin for some purposes. Wala ng ibang bahay bukod dun nandun pa sa kabilang kanto.
"Nadine, kunin mo ang mga gamit mo at ipasok mo sa kwarto mo. Nakaayos nayun"
Hindi ako sinagot ni Nadine at pumasok siya sa loob nang siya lang mag isa. Hindi ko nga alam kung alam nya ba kung san banda ang kwarto niya.
"Honey, tawagan mo na si Janice at Louisa. Gumagabi na at magluluto ako ng dinner. Gusto ko dito sila kumain."
Kinuha ko na yung mga damit ko. Actually, yung mga kagamitan namin ay nalipat na dito nung isang araw at naayos na kaya damit nalang ang dinala namin.
Pumasok ako at nakita ko si Nadine na nakatutok sa harapan ng pintuan ng kanyang kwarto.
"Nadine? Bakit ?"
Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa pintuan.
"NADINE!" sigaw ko sa kanya.
Nagulat siya sa pagsigaw ko kaya nilingon niya ako agad.
"Ma, nandyan ka pala ?"
"Oo ngayun lang. Bakit nasa labas ka pa at titig na titig a diyan sa pintuan ? May something ba?'
Tumaas ang kilay niya.
"Parang iba kasi siya ma e."
"Anong iba ?" Pagtataka kong sagot sakanya.
"Parang ang luma ng pintuan nato kumpara sa ibang pintuan."
Nagtaka ako sa sinabi ng anak ko. Luma ? Pero ito ang pinakabagong pintuan ? Pinalitan lang ito kamakailan.
"Ha? e kapapalit pa lang nyan e. Kasi sira na daw yung dating pintuan dyan."
"Pero--"
Pinutol ko siya. Parang nag da-drama na naman tong si Nadine e.
"Hay naku Nadine, itigil mo na yan. Ayosin mo na yang mga damit mo sa closet mo at tatawagin nalang kita pag mag di-dinner." Sabi ko.
Binuksan ko ang pinto para sakanya. Aalis na sana ako ng may napansin akong dala dala nya. Isang napakagandang manika. Naka kulay puti ito at may mahabang itim na buhok.
"Anak, may ganyan a palang manika ?" Tanong ko sakanya.
"Ngayon ko lang to nakita ma, Nakalapag sa harap ng kwarto nato kaya kinuha ko. Ang ganda niya kasi"
Mahilig sa manika si Nadine. Parang namana niya sa akin. May collection kasi ako ng mga manika. In fact, may doll store na ako. Maraming bumibili dahil halatang mamahalin ang mga manika ko.
"Oh hala sige. Ayosin mo na yan at maghanda para sa hapunan. Okay?"
"Yes ma"
Bumaba na ako at nagluto na ng hapunan. Pero isa ang bumabagabag sa damdamin ko.
Para kasing may something sa manika ?
-----
Louisa's POV
"Pero babe, I can't sleep with you tonight. May dinner sa amin kasi kakalipat lang namin"
Reklamo ko sa phone. Kausap ko ngayon boyfriend ko. Gusto daw kasi niyang mag painit mamayang gabi. Pero not now. Kailangan kong pumunta sa bago naming bahay.
"I can assure you that tomorrow night i'll sleep with you"
"Promise?"
"Promise. Gotta go now babe, love you"
I ended the call and focus myself on the street. Mga 10 minutes din ang byahe patungo sa bago naming bahay. Ang layo talaga dun e.
After 20 minutes. Nakarating din. Masyadong traffic e. But luckily, I'm just on time.
Bumaba na ako sa sasakyan. Pinagmasdan ko ang bahay. It was so new. Parang bagong tayo plang. Pero sabi ng mga tao matagal na daw tong bahay. Wierd right ?
Habang pinagmamasdan ko ang bahay may isang kwarto na may ilaw. May anino akong nakikita. Dalawa sila e. Alam kong sa pustura at sa hugis ng buhok ay si Nadine yung isa pero hindi ko kilala yung isa. Parang bata ata ?
"Baka kaibigan lang ni Nadine" sabi ko sa sarili ko.
Hindi ko nalang ito pinansin at pumasok na ng bahay.
"Ma, Pa, I'm here" sigaw ko kay mama at papa na nasa dining table habang inaayos ang mga pagkain.
"Oh, nasa tamang oras lang ang dating mo." Sabi ni Papa na nakangiti.
"Where's Janice ? " Tanong ko sakanila.
"Parating na daw sabi niya."
May pumasok sa pinto paglingun ko ay si Janice na. Tamang tama ay bumaba narin si Nadine.
Tumitig ako ay Nadine. What's wrong with her ? I mean the doll she's holding ? Ang pangit pangit.
Pagkakaalam ko kasi magagandang doll ang taste niya. But that doll was creepy.
------
Carrie by bluish_sky453
BINABASA MO ANG
CARRIE
HorrorI like dolls. I collect them when I was a child. I don't think dolls are creepy until CARRIE came.