Prologue

12 1 1
                                    


"Miss Orlanna!"

 


I stopped walking to turn around when someone called my name. Kaagad kong nakita ang isang lalaking napakalawak ang ngiti habang may hawak na cellphone sa kamay, tumatakbo palapit sa akin. Matingkad ang mga mata niyang tinignan ako mula ulo hanggang paa, ang ginawa ko na lang ay ngumiti.



"Pa-picture po! Idol po kita! Kahit... Kahit nung nagsisimula ka pa lang sa showbiz! Ang ganda niyo po," he spoke when he is already in front of me.



I nodded. "Oh, no problem! What's your name?"



"Ah, Gabbi po! Gabbi.." He told me his name.



Tumingin ako sa camera nang i-pwesto niya 'yon sa harap naming dalawa.



"Pwede po bang isa pa? Baka po kasi ang pangit ko doon! Pumikit po ako, eh. Sorry po, Miss Orlanna! Ang ganda niyo po talaga, grabe!" Tumango ako kaya naman nagmadali siyang itutok muli ang camera sa aming dalawa.



I went back inside the van after that. Naroon ang manager ko, si Hans.



"Gusto mo ba talagang mapagkaguluhan ka riyan sa labas, ha? Hindi mo kami sinama! You can't go alone just like that! That's dangerous, Orl!" Panenermon ni Hans.



I made a face before pulling out one paper bag and immediately lend it to him. "Nako! Here's food! Para hindi ka na maingay."



"Sinasabi ko talaga sa iyo." Pinanlakihan niya ako ng mga mata sabay kuha sa paper bag.



Gabi na nang makauwi ako sa condo. Dumiretso kaagad ako sa shower para makapaglinis na ng katawan. This was a busy day for me, I did a lot of work like photoshoots, tapings, and other endorsements. Kaya naman bagsak kaagad ako sa kama pagkatapos mag shower.



It was a good thing that I eat dinner with Hans before going home. The next day was also a busy day for me.



"Your make-up is done,"



"Thanks," I told the artist before standing up and going to the area where I am having a photoshoot for a clothing brand.



Pumwesto na ako sa upuan na hinanda roon bago kami nagsimula. Nakasuot ako ng pulang fitted na dress, may slit 'yon abot hanggang sa legs. Pagkatapos ng ilang shots na suot ko ang damit na 'yon ay pinagpalit ulit ako ng suot pagkatapos ay tumuloy lang sa pagkuha ng litrato.



"Orl, ito tubig!" Inabutan kaagad ako ni Selin nang matapos ako at bumalik sa upuan.



"Salamat, Selin!" I sipped on my water before putting it down the table.



I changed my clothes into a simple pair of jeans and a spaghetti strap top. Sinuot ko ang sunglasses nang makalabas sa area, tumapat kaagad sa akin ang iilang mga camera. I just waved and smile at the camera. Mabuti na lang at sinalubong kaagad ako ng van na para sa akin kaya naman sumakay kaagad ako.


Count The NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon