"Wala na! Ang lungkot ko na!"
Tumingin ako kay Aji nang umupo siya sa tabi ko habang hawak ang cellphone niya. Nasa garden kami ngayon ng bahay nila dahil pinapunta niya ako sa kanila. Ang sabi niya may malaki daw siyang problema kaya pumunta kaagad ako dahil wala naman akong kailangang gawin sa bahay.
"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ko kaagad sa kaniya.
"Kasi naman!" She said, getting frustrated. Pumapadyak-padyak pa ang paa niya sa may damuhan nila rito sa garden. Lumapit siya sa lamesa bago tinukod ang siko niya roon habang nakapatong naman sa palad niya ang baba habang nakabusangot. "May story si Rove."
"Story?" IG story? Messenger story? Story? Anong story? "Linawin mo nga."
"IG story. Look!" Pumindot pindot siya roon sa phone niya atsaka nag-zoom bago iharap sa akin.
Lumaki ang mga mata ko sa nakita. Halos malaglag ang panga ko dahil sa story na iyon. Kaagad kong tinignan si Aji para makita ang reaksyon niya. Nakabusangot pa rin at halatang hindi nagustuhan ang nakita sa story ni Rove. Nakakainis! Kahit ako ay hindi ko nagustuhan!
Umiwas ako saglit ng tingin doon sa phone. Wala pang ilang segundo ay tinignan ko ulit ang picture doon. Cropped ang photo at blurry, nasa loob ng kotse habang may hawak na Sunflower bouquet sa kamay. Sigurado ako na ako 'yon! Hindi pa nakatakas sa akin ang maliit na caption sa baba ng picture na iyon.
'Congratulations!'
"Look! It's a girl! Though the photo was blurry and cropped, you can still notice! Babae 'yan!" Palipat lipat ang tingin ni Aji sa akin at sa cellphone niya. "'Di ba, Orl? What do you think? Hindi ba, babae?!"
"Ji," hindi ako makapagsalita ng maayos! Sa tingin ko hindi ko dapat sabihin na kilala ko ang nasa photo dahil baka mamaya kulitin niya 'ko na sabihin sa kaniya kung sino 'yon at mas lalo namang hindi ko pwedeng sabihin na ako iyon! Ano na lang ang sasabihin ni Aji sa akin? "Malay mo kaibigan lang."
"Kaibigan? Hah! Madalas na walang story si Rove. Ngayon ko lang nga ata 'yan nakita na may story kaya tinignan ko kaagad minutes after being posted! Tapos iyan ang makikita ko? Inexpect ko pa naman na mukha niya iyon dahil hindi kami masyadong nakapag-usap noong grad! But, he gave me a bouquet! Nasabi ko na ba sa iyo 'yon?"
Nanliit ang mga mata ko. "Binigyan ka niya ng bulaklak?"
"Yes!" Her eyes twinkled, recalling the moment. "Red roses! Sinearch ko meaning noon at alam mo ba nakita ko? Ibig sabihin daw love! Hala! Oh my gosh! Kinikilig na naman tuloy ako."
Nakangiti lang ako habang nagkukwento siya tungkol sa kanila ni Rove. Bigla ay gusto ko din sanang isearch ang meaning kapag binigyan ka ng Sunflower pero hindi naman lahat may meaning. Hindi porket binigyan ako ng bulaklak ay may special meaning na. Atsaka sabi nga rin pala niya na congratulatory gift lang iyon at appreciation.
Nothing more, nothing less.
"Minessage ko si Rove sa IG. He told me he went back to Manila yesterday! Sabi niya may shoot daw kasi siya roon. Alam mo ba na model 'yon?" Pagdadaldal ni Aji sa akin.
Naging interesado naman ako bigla.
"Model?" Pag-uulit ko.
"Oo! Ang galing nga, e. Kaso hindi ko pa siya napapanood but I have seen him already sa mga magazines like that." Tumayo si Aji at sinundan ko siya ng tingin. "Wait, I'll show you the magazine!"
BINABASA MO ANG
Count The Nights
RandomCount The Nights Wattpad Orlanna grew up lonely. Despite being lonely, she grew up strong and independent who craves for love and comfort. That's why when Rove came into her life, she did not realize it until he tore her walls. But after Orlanna le...