01.04

7 0 0
                                    




Natigilan ako sa sinabi ni Aji. Nakatitig pa rin siya sa kawalan hanggang ngayon habang nakangiti. I swallowed really hard, trying to process the information. Hinawakan ko sa braso si Aji tsaka siya pinaharap sa akin.



"Talaga?" Tanong ko. "E, nagagalit ka lang sa kaniya kanina dahil sa ginawa niya sa'yo, ah."



Gumalaw si Aji atsaka binaling ang tingin sa akin, umiling pa siya na parang hindi makapaniwala sa sinabi niya sa akin. Hindi nawawala ang ngiti niya sa labi, pinaglaruan niya pa ang mga daliri niya bago muling nagsalita.



"Gago. Alam mo 'yon, Orl? Hindi ko alam kung bakit biglang ganito na. Siguro all this time in denial lang talaga ako about diyan. Wait," she placed her palm in front of me. "Do you think he also likes me?"



Nagkibitbalikat ako. "Well... There's a chance, Ji..."



Nag-aalala ako kay Aji. Ayaw kong bigyan siya ng false hopes. Ayun na ang pinakaligtas na maisasagot ko sa kaniya. Kakagaling niya lang sa hiwalayan kay Javi. Nakita ko kung gaano siya nahirapan nang dahil doon. Pero hindi ko naman mapipigilan ang damdamin ni Aji, na magkagusto sa lalaki.



Syempre ano ba ang malay ko? Paano kung iba si Rove kay Javi? Paano kung hindi niya naman sasaktan ang kaibigan ko? Ayun lang naman ang mahalaga para sa akin.



Ang hindi niya saktan si Aji.



"Rove is a nice guy, Orl. Ano sa tingin mo?" Pinagapang ni Aji ang kamay niya papunta sa palad ko at hinawakan 'yon.



"Anong ano sa tingin ko?" I asked, starting to get confused.



"I mean... Do you think he will like it kung sabihin ko sa kaniya 'tong nararamdaman ko? Like... Hindi ko alam!" Nanlumo si Aji, hinawakan niya pa ang ulo gamit ang dalawang kamay.



"Sa tingin ko na hindi ka dapat magpadalos-dalos. Hindi ka dapat nagmamadali sa pagsabi mo ng... ng nararamdaman mo para kay Rove. Alam ko na... matagal na kayong magkakilala... Magkaibigan. Pero... Hindi ka ba natatakot na magkaroon ng damage 'yong relationship niyo as friends?" Tanong ko. Napakagat ako sa labi nang mapagtanto ang mga sinabi ko. "Isa pa, si Jav-"



"Rove's way better than that asshole, Orl. We don't do comparing here!" Tumayo siya at pumadyak-padyak pa.



Natataranta akong umiling. "Ji! Hindi ko kino-compare 'yong dalawa, okay. Sasabihin ko lang na kakagaling mo pa lang sa hiwalayan. Don't you think it's much better if you'll just focus on yourself first? Pagalingin mo muna 'yong sarili mo bago ka pumasok ulit sa isang relasyon. Pag-isipan mong mabuti! Hindi lang nabubuo ang pagmamahal sa isang araw,"



Tumigil si Aji tsaka humarap sa akin. Lumapit siya atsaka hinawakan ulit ang dalawa kong kamay tsaka tinaas.



"Wala ka bang tiwala sa akin? I am not saying that I love Rove already, I'm saying that I like him. Liking is different from loving." Aji's eyes twinkled as she looks at me.



Hindi ko napigilan ang pag-ngiti bago tumango. Sino ba ako para sabihan siya tungkol sa nararamdaman niya, hindi ba? Kailangan ko lang na suportahan ang kaibigan ko.



"We are so dramatic right now," nagkatinginan kami ni Aji sabay tumawa.



Bumalik kaming dalawa sa inuupuan namin kanina. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakabalik na rin si Rove at kuya Dove. Si Rove ang may hawak ng paper bag, pinanood ko siyang lumapit kay Aji. Si Rove na ang nagbukas ng paper bag, nilabas niya roon ang dalawang plastic bottle na may lamang tubig.



Count The NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon