01:01

11 1 0
                                    




"Kali Gomez,"



Huminga ako ng malalim bago tumayo at humakbang papalapit sa harapan kung nasaan ang prof. Hawak niya ang papel ko habang ang ibang papel ay nakalapag sa lamesa niya. Iyon ang mga papel namin noong last exam namin para sa last quarter. Kinakabahan kong kinuha 'yon sa prof.



"Kaano-ano mo si Mr. Gomez?" Tanong ng prof. pagkaabot sa akin ng papel ko.



"Ah, tito ko po." Sagot ko naman. Si Mr. Gomez 'yong kapatid ni Papa, nagdonate kasi ng pera sa eskwelahan kaya nakilala ang apelyido.



"Nako, tito mo pala 'yon. Napakabait naman niya, pakisabi salamat ulit sa pagdonate sa school ha." Tinaasan niya ako ng kilay at ngumiti. "Paano pala bigkasin first name mo? Or... Orl..."



"Or-ley-na po." Sagot ko saka siya tinalikuran para lumakad na pabalik sa inuupuan ko.



I took a deep breath again. Itatago ko na sana sa loob ng bag ang papel ko para tignan na lang mamaya sa bahay nang hablutin 'yon ni Aji bigla.



"Gagi ka!" Napatakip kaagad ako sa bibig habang tumingin naman si Aji sa may pintuan para makaiwas.



"Language, Gomez!" Kaagad na sigaw ng prof.



Wala na akong natawa kung hindi ang ngumiti sa prof bago ilagay ang ulo sa lamesa. Hindi ko naman tinigilan si Aji na ibalik na sa akin ang papel ko pero matigas siya at gusto talagang malaman ang score ko. Kahit anong hila ko sa kaniya ay nagagawa niya pa rin na ibuklat ang papel ko.



"Nag review ka?" Pinanlakihan niya ako ng mga mata. "Gago, ang taas,"



Lumaki ang mga mata ko nang iharap sa akin ni Aji ang papel ko. Lumandas muna ang mga ko sa puro pulang check sa papel ko, marami 'yon kaya naman naglandas kaagad ang kaba sa dibdib ko. Pagkakita ko sa score ko ay napa "yes" na lang ako nang mahina.



"65 over 70 ako," mahina akong natawa bago binalingan ng tingin si Aji.



Magsasalita sana siya nang tawagin ng prof ang apelyido niya.



"Cuenca," tumayo si Aji bago nilapag sa table ko ang papel tsaka ako nilagpasan at dumiretso sa prof para kunin ang papel niya.



Pinanood ko ang likod niyang mabilis na lumalayo, papalapit sa harap. Nang umikot siya ay malawak ang ngiting nagtama ang paningin namin. Tumatalon talon pa pabalik sa upuan niya, sa katabi ko. Nakangiting sinundan ko siya ng tingin at nang makaupo ay kinuha ko na rin ang papel niya para tignan ang score.



"Sixty seven," binasa ko. "Wow, ang galing mo! Saan ka ba mag-aaral sa college?"



"Hindi ko alam, kahit saan. Kung saan ka mag-aaral, doon na lang din ako." Tinanguan niya pa ako.



Binalik ko sa kaniya ang papel niya para maitago na sa bag saka ako nagsalita.



"Baka hindi naman ako makaalis dito sa Pangasinan. Dito pa rin naman siguro ako magka-college." May lungkot sa boses ko. "Ayaw mo ba sa Manila? Maraming magagandang universities doon."



Kumunot ang noo ni Aji. "Eh, kung saan ka nga ay doon na lang din ako. Tsaka parehas lang naman ang turo. Sa Manila man o dito sa Pangasinan. Matututo din ako kaya hindi ko na kailangang mamili ng papasukan."



"Sabagay," tumango tango ako. "Pero mas maganda kung doon ka sa maraming tao para masanay ka nang marami ang makakasalamuha mo."



"Marami din naman tao sa Pangasinan." Tinawanan ako ni Aji.



Count The NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon