Story by: @KIMKIAH02
---------
Kiarla's POV
Since High school, I've always dream about my forever. Kung dati na uuto at naloloko ako...for sure ngayon, sya na talaga ang forever ko.
----------------
@Balooga Cafe
7:50 P.MHabang hinihintay ko si My forever ko dahil may surprise daw siya, syempre kada minuto ay nagre-retouch ako ng make up ko at di mapakali. Sinusubukan kung mag-relax lang at pinapayuhan ang sarili kung kumalma. 8 o' clock ang oras na magkikita kami, kaya sampung minuto nalang at magkikita na kami kaya mas kabado ako na na-eexcite. Feeling ko magpo-propose na sya saakin.
After 10 minutes, sumapit na ang oras na pinakahihintay ko ay wala pa din sya. Inisip ko, na baka nalate lang sya. Naghintay ulit ako at lumipas na ang 15 minuto wala pa din sya. For sure na trapik lang yun, sabi ko sa sarili ko.
Lumipas na ang 30 minuto, wala pa din sya. Nagtext na ako sa kanya pero wala pang-replay. May biglang waiter na lumapit saakin at inaalok akong i-try ang kanilang
"Special Coffee Beer" syempre tinanggihan ko muna kasi ayoko namang bumaho ang hininga ko sa harap ni my forever ko,diba?
Naghintay pa ako, baka naman may importanteng ginawa lang, napaka-OA ko naman kung magre-react kaagad ako nang di ko alam ang nangyayari sakanya. Hinintay ko pa din sya kahit nakaka-stress na.
8:45 pm, medyo nakakainip na at tinadtad ko na sya nang text ko, wala pa ding replay pero hinintay ko pa din sya hanggang 9 o' clock. Nabobored na talaga ako, at nauuhaw na sa ka hihintay kaya nang muli akong inalok ng waiter nang Coffe beer nila ay di ko na tinanggihan, tinanong ako nang waiter kung may hinihintay ako dahil napansin nya na isang oras na akong naghihintay, tumango naman ako. Sabi nang waiter baka nalate lang yun dahil may ibang pinag-aabalahan, pagkatapos yun sabihin ng waiter ay umalis na siya. Medyo nanghinala tuloy ako sa sinabi nya. Naghintay ulit ako nang isang oras habang umiinom ng isang litrong coffee beer nila at nakikita ko na din na paunti na nang paunti ang mga tao sa Cafe Balooga.
10:01 P.M, grabe! lasing na talaga ako nang di ko namamalayan at magulo ang buhok. Ang lakas pala nang tama ng beer kaysa sa coffee nila. Wala na ding katao-tao sa cafe kundi mga staff nalang. Nang biglang may nagtext saakin na galing kay My forever ko at ang sabi ay:
-------------
From: My Forever (Ray)
To: Me ;)"I'm Sorry kiarla, pero break na tayo. Di ko na kaya eh.."
----------------10:35 P.M
@RAY'SHOUSEGATEPumunta ako kaagad sa bahay ni Ray at binolabog ko ang gate nila at kinatok-katok nang malakas...
"Hoy! Ray! Lumabas ka dyan! Walang hiya ka! Pinahintay mo pa ako sa Cafe Balooga tapos sa text mo lang pala sasabihin ang surprise mo! Ha! Na surprise talaga ako noh! Lumabas ka dyan Ray!" ---> kiarla. Kahit na lasing na lasing na ako.
Nang biglang lumabas na nga si ray sa gate nang bahay nila.
RAY & KIARLA'S CONVERSATION:
"Kiarla' anu bang ginagawa mo dito?! Wag ka ngang gumawa ng skandalo dito!" Sabi ni ray na pagalit.
"Hoy! Mr. Tarantadong Ray Espisonia, ako ba niloloko mo, ha?! Anung ibig mong sabihing di mo na kaya?! Paki-explain nga," Tanong ko kay ray habang hawak hawak ang bote ng beer at itinututok sakanya. (na panglasing ang boses)
"Lasing ka ba? Alam mo kung bakit panay break sau ng mga nagiging syota mo?pati na din ako? Dahil desperada ka! Gusto mo magpakasal na, gusto mo nakatali at lagi kang nakabuntot sa kanila. At ayaw naming mga lalake yun!" Sabi ni Ray.
BINABASA MO ANG
Ms. Walang Forever and Mr. Bitter In Marriage!?!
RomanceSI MS. WALANG FOREVER AT MR. BITTER IN MARRIAGE?!? (RichSuri Couple <3) Dasuri Choi as Kiarla Del Ara, ang Ms. Walang Forever. Ang babaeng desperadang-desperadang magkaroon nang partner sa buhay since high school hanggang ngayon. Kung mayroon man...