KIARLA'S POV
"Please, come back to me.. I know, may nagawa akong mali pero sana bigyan mo ako ng isa pang-pagkakataon.. please" --> On the phone
Nabigla ako sa taong nagsasalita at bumilis ang tibok nang puso ko. I admit it, I still love Ray. Nung narinig ko ang boses na nasa phone akala ko si Ray na gustong makipagbalikan saakin, yun pala...
"Please sheryll..please~" On the phone.
Sheryll?! Sino si-? Ah! Ok! Kilala ko na yung tumatawag, -_-* Leche! Pa-emote na ako dito sinira pa nya. Na wrong call ata tong' si Mr. JoshONGA Wayeh AgusT*NG*! Naiinis talaga ako sa kanya! Pasensya na sa mga words ko, naiinis lang talaga ako sa kanya.
"Hoy! Mr. Josh, pinagtitripan mo nanaman ba ako? O nang iinis ka lang nang gabi ko?"
--> Kiarla
"I love you.. you know I always do.." --> Josh.
Napahinto ako nung sinabi niya yun dahil nararamdaman ko na seryoso talaga sya si Josh sa relasyon na ipinaglalaban niya.. Kaya pala napaka-bitter ni Mr. Josh kasi brokenhearted siya. Sino ba kasi si Sheryll? Bakit niya naiwanang ganito si Mr. Josh? Sadya ba talagang, kaming mga nagmamahal nang totoo madali lang iwanan?
Biglang may nagsalita sa phone at alam kung hindi na si Mr. Josh yun..
"Pasensya na ma'am sheryll pero kung pwede po bang sunduin nyo na dito si Sir Josh, mukha po di niya na kayang umuwi mag-isa. Nandito po sya sa Night bar." ---> Kris.
Binaba na nang nagsalita yung phone kaya di ko na nasabi na hindi ako si sheryll. Hindi ko alam pero mukhang kailangan kung sunduin si Sir Josh. T-teka nga! Ba't ko ba siya kailangan alalahanin? Pagkatapos nang ginawa nya saakin? Hindi ako pupunta dun, hinding-hindi!
-----------
@thenightbar
11:40 P.MStill! I end up here, pumunta pa din ako nang bar kahit di ko alam ang dahilan... Ok! So, pumasok na nga ako sa bar. Marami-rami pa din ang taong nagdidisco at nakita ko si Mr. Josh sa bandang may bartender na umiinom pa. Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya..
"Sir josh? Ok ka lang?" Tanong ko.
"Heh' mukha bang ok ako? ok na sana eh, pero nawala siya saakin kasi..di ko alam." Nagsmirked siya pero alam kung nalulungkot at naiiyak si Sir Josh.."Mahal na mahal ko siya eh at alam kung mahal niya din ako pero bakit ganito ang nangyari?" Napayuko si josh.
Sa totoo lang, di ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Hindi naman ako magaling sa pagbibigay nang advice noh. Atsaka ngayon ko lang nalaman na madrama din pala itong si sir josh..
Nang bigla nalang akong hinila ni josh at yinakap..
A-ano nanaman to'?! Grabe! Teka lang! Tinutulak ko siya palayo saakin pero mas yinakap nya pa ako nang mahigpit.. @///-///@
"A-ano to?! Manyak ka talaga!" --> Kiarla.
"Teka lang...pwede bang wag ka munang gumalaw sandali.." sabi ni josh habang yakap-yakap ako.
"Ano ako? Statwa para hindi gumalaw?" --> Kiarla
Medyo naririnig ko yung pag-iyak ni josh at nararamdaman na pinupunas niya ang mga mata nya. Siguro ayaw niya lang na makita ko siyang umiiyak. Nang may biglang isang bartender na nakakita saamin.
"Naku! Ganyan tayo eh'.." --> Kris. Sabi nang bartender sabay alis ulit dahil may nag-oorder.
Kaya binitawan na ako ni josh.
BINABASA MO ANG
Ms. Walang Forever and Mr. Bitter In Marriage!?!
RomanceSI MS. WALANG FOREVER AT MR. BITTER IN MARRIAGE?!? (RichSuri Couple <3) Dasuri Choi as Kiarla Del Ara, ang Ms. Walang Forever. Ang babaeng desperadang-desperadang magkaroon nang partner sa buhay since high school hanggang ngayon. Kung mayroon man...