EPISODE 2

91 3 0
                                    

KIARLA'S POV:

Hay~ Gandang buhay~ ang sarap nang tulog ko, para akong nasa heaven pero medyo mabigat din ang pakiramdam ko at ang sakit pa ng ulo ko like hell! Di bale nang sumakit ang ulo ko basta maganda ang view ko ngayon, dahil may pogi sa harapan ko as in magkaharapan ang mukha namin. Grabeh~ lord, sana sya nalang ang forever ko at sana di lang to' panaginip, kundi totoo na~ ♥♥♥ Wait nga lang, speaking of panaginip..nananaginip lang ba talaga ako? Hinawakan ko yung mukha ng boy na nasa harapan ko at sinampal ko din yung mukha ko and it hurts ah' My God! Totoo nga!

Nang biglang nagising na yung lalake at napasigaw kami sa isa't-isa dahil sa gulat. Nahulog sa kama yung boy na nakaboxer lang at ako naman nasa kama habang tinatakpan ko yung katawan ko ng kumot. Pagkasilip ko sa katawan ko, nakasando at shorts nalang ako.. Aaaah~! Di to' pwede! Kinuha nung boy yung isang unan at tinakpan ang "YUN" nya habang ako sumisigaw ng "Rapist~! Rape! Tulungan nyu ako!"

"Hoy! Tumigil ka nga dyan! Ako pa ngayon ang rapist, eh ikaw nga tong' pumasok sa kwarto ko!" Sabi nang boy.

Nagulat ako sa sinabi nya at napatigil.. i-ibig sabihin, may nangyari nga!? Aaah~ hindi! Pinipilit kong sabihin nya na wala talagang nangyari saaming dalawa, pero meron daw talaga. Tinanong ko kung paano ako napunta dito at paanong ako pa ang naging rapist. Sabi ng boy saakin subukan ko daw munang alalahanin kung ano talagang nangyari saakin.

Naalala ko lahat -lahat, si boy pala yung nagligtas saakin mula sa mga tambay, dinala ako sa bahay nila dahil nakatulog ako, naalala ko din na ako yung naghubad sa t-shirt ko at pantalon kaya ngayon nakasando nalang ako at short pero ang pinakamalala sa mga naalala ko, eh yung umakyat ako sa second floor ng bahay na'to kumatok sa isang kwarto at pagkabukas ng pinto ng boy..hinalikan ko sya at ....at... yun na nga! Hindi!!!

"Bakit hindi mo pinigilan yung sarili mo?! Walang hiya ka! Ginusto mo noh?!" Tanong ko sa kanya habang binabato ko sya nang mga unan at mangiyak-iyak na ako sa nangyari.

"Baliw ka ba?! Lasing ako nun! Di ko alam yung mga ginagawa ko! At hindi ko ginusto yun! Napaka-feeler mo!" sabi nang boy.

Napahinto nalang kami at di alam ang gagawin. Di naman kasi namin alam yung ginagawa namin eh pero infernes pogi sya ha..

"Kunin mo na gamit mo at umalis ka na. Kalimutan mo nalang ang mga nangyari, may gagawin pa ako..Dapat pagbalik ko dito wala ka na ha' " sabi ng boy palabas ng kwarto

May pagkagaspang din pala yung ugali nitong poging to' ang hard! Atsaka paano ko makakalimutan ang nangyaring ganon?! Tsk!

P-pero mas maganda na nga sigurong kalimutan na namin yung nangyari... Nagbihis na ako at inayos ang buhok ko at kinuha na yung bag ko para makaalis na ako dito.

-----------
@PAGCOR Company..

Pumasok na ako sa office ko, ako ang assistant ng pinakaboss namin dito kaya nga mataas ang sweldo ko, close kami ng boss ko noh' turing nya nga saakin apo eh. Anyway, grabe di pa din mawala sa isip ko yung nangyari, di ko ma-take. Di ko akalaing di na ako virgin~ T.T huhu! Hindi! No! I'm still virgin! It was just a mistake and di naman namin ginusto yun eh kaya I'm still virgin, ok! calm down kiarla.. calm down.. Breath in~ breath out~ Ugh! Di ko na alam! Yumuko ako sa desk ko, nang biglang dumating ang mga kaibigan ko; Si Belma ang bestfriend ko, Dianara super working hard at si Rowisky ang bakla naming katabraho. Nabalitaan nila kaagad na break na kami ni Ray dahil iba na daw yung babae na katabi nya sa profile picture nya sa facebook. I don't care at all! Kung sino yung girl na yun!

"Ay bhe~ may iba na nga sya, o!"

Sabi ni bakla habang hawak-hawak ang tablet nya kung saan sya nagfe-facebook.

Ms. Walang Forever and Mr. Bitter In Marriage!?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon