ZYRA ( Three Months After)
Binalot ako ng kaba habang papalapit na kami sa mga taong nakaabang sa aming pagdating. Nasaan si Xyrus? Nasaan ang mahal ko? Bakit wala siya dito sa airport? Kaya naman kahit gaano kasaya ang mga taong nandito para sa amin ay hindi ko makuhang ngumiti.
Sa loob ng tatlong buwan ay ilang beses ko lang siyang natawagan. Ang mga tawag na yon ay maikli lamang dahil talagang busy ako doon sa pagbabantay kay daddy at sa pag-aasikaso sa lahat.
Kulang na kulang ako sa tulog at wala na sa oras ang pagkain ko. Nakabawi na lang ako ng nasa recovery stage na si daddy.
Hindi kaya nasanay na siya na siya na wala ako? Mahal pa kaya niya ako? Biglang sumikip ang dibdib ko. Matutuloy pa ba ang kasal namin?
Halos kompleto silang lahat. Si Yen, Anica, Nanay Cora, Caroline at iba pa naming mga kamag-anak at pati na ang pamilya ni Xyrus. Pero bakit wala siya?
Abala silang lahat sa pangungumusta kay daddy ng nilapitan ko si Anica.
"Hindi ba alam ni Xyrus na ngayon ang uwi namin?" tanong ko sa kanya.
"Ewan ko. Di naman kami nag-usap. Mamaya mo na isipin yon. Ako muna unahin mo, payakap naman diyan. Na miss kita, eh," tugon niyang pinipiga ako sa yakap.
Pinukpok ko ang kanyang likod." Adrienne Monica, hindi ako makahinga."Nakasimangot siyang binitawan ako.
Minsan ko lang siyang tinatawag sa tunay niyang pangalan kasi ayaw niya. Masyado daw kasing mahaba.
Parang bata na tinuro-turo ako."Zyra, huwag mo akong matawag niyan. Okay lang ang Adrienne, pero ang Monica? Di ko carry." Tinampal ko siya sa braso.
Hindi ko kinaya ang kaartehan niya. Napakagandang pangalan naman.
Nagsilapitan na rin sila sa akin at pagkatapos ay tumuloy na kami sa bahay kung saan nagpahanda talaga si Nanay Cora ng isang salu-salo."Lola?" Tumakbo ako agad ng makita ko si Lola Zenaida. Si Lola Zenaida, ang nanay ni daddy. Sinalubong niya ako ng mga yakap niya. I missed the old times with this old woman. Sa kanya ko yata namana ang katigasan ng ulo.
"Apo! Kumusta ka na?" Dalagang-dalaga ka na," aniyang pinisil-pisil pa ang pisngi ko.
"Malapit nang ikasal ang apo niyong yan, Ma,"si daddy na inakbayan ako. Inalalayan ko siya agad. Bawal pa sa kaniya ang mapagod ng husto.
Pinaupo namin siya ni lola ng maayos."Abay, mabuti kung ganoon at ng maaabutan pa ako ng mga apo ko sa tuhod. Bakit, namamayat ang batang ito?" Puna ni lola sa akin.
"Paano siya ang nagbantay sa akin sa ospital, Ma. Halos hindi na nga siya natulog at kumain doon."nakangiting sabi ni daddy kay lola.
"Ba't hindi ko nakikita si Kenzo dito?" tanong ni lola.
Nagpalinga- linga si lola sa paligid. Nagkatinginan kami ni daddy. Paano hindi ko pa kasi napapakilala si Xyrus sa iba naming kamag-anak dahil sa nangyari kay daddy. Tumango si daddy na parang nagsasabi na sabihin ko na kay lola ang lahat.
"La,"panimula ko at lumapit ako ng kaunti sa kanya."Wala po si Kenzo dito."Kahit paano naman kasi naging malapit si Kenzo kay lola noon.
"Di ba sabi mo magpapakasal na kayo?" si lola
"La, hindi po si Kenzo ang pakakasalan ko. Matagal na po kaming naghiwalay."
Kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni lola. "Eh, nasaan ang nobyo mo kung ganoon?" Bumaling ulit siya sa paligid.
Hindi ko rin alam kung nasaan siya ngayon. Umasa pa naman akong ang nakangiti niyang mukha ang una kong makikita pagbaba ng eroplano.
"Nasaan nga ba si Xyrus, Zi? Bakit kanina ko pa siya hindi nakikita? Nag-away ba kayo?" tanong ni Daddy ng mapansing natahimik ako.
BINABASA MO ANG
Deeply Wounded
RomanceZyra Cybelle Aragon, the broken-hearted writer and Xyrus Trevino, the No Girlfriend Since Birth future CEO of a large company met unexpectedly. Xyrus, in order for him to get rid of his ultimate admirer grabbed Zyra to pretend to be his girlfriend...