ZYRA
Tambak ang mga dokumento dito sa aking table. Sumasakit na rin ang ulo ko kaya hinilot ko ito ng biglang bumukas ang pinto ng aking opisina. I am officially working now as the CEO of our own company. Everything is in the right place now lalo at alam kong na fulfill ko na ang wish ni daddy.
"Daddy!" Bati ko sa bagong dating.
Tumayo ako para magmano sa kanya. Inalalayan ko siyang maupo sa upuan sa harap ng aking table. Pagkatapos ay bumalik ako sa aking upuan. Nakangiti siyang pinagmasdan ako.
"What's with that smile, dad?" tanong ko.
"Masaya lang ako anak na nandiyan ka na sa lugar na dapat mong kalagyan. Wala na akong mahihiling pa. Hindi ko man madalas na sabihin pero proud ako sa lahat ng achievements mo. Sa pagsusulat mo, sa business mo. Paano mo napagsabay lahat?" dad asked, smiling.
Sumandal ako sa upuan at bahagya itong pinaikot-ikot. Tsaka ako ngumiti." Simple, because I am Zyra and I am your daughter. I'm my own version of a superhero." Nagtawanan kami ni daddy.
"I love the spirit. Hindi mo naman napapabayaan ang anak at asawa mo niyan?" tanong ni daddy.
Umiling ako." Never. Hindi magyayari yan, dad. They will always be my priority. Gusto niyo ba ng maiinom at magpapahatid ako."
"Huwag na. Aalis din naman ako. Dinalaw lang talaga kita dito. Bagay na bagay ka dito, anak. Paano mauna na ako. Dadaanan ko pa ang iba," aniyang tumayo na. Hinatid ko siya sa pinto. Pero bago ko ito isinara ay niyakap ko si daddy.
"Mag-iingat ka, dad. Dadalaw kami sa bahay sa weekend."
"Sige, anak. Matutuwa ang mommy mo niyan." Bumalik ako sa mga papeles na iniwan ko kanina.
Napakarami ko pang dapat na pirmahan at pag-aralan.
Hindi ko talaga naisip na darating sa point na ako ang uupo dito. Even if I am destined to rule AGC before I was born. Pagkatapos ma-operahan ni daddy ay bumibisita na lang siya dito twice a week.Paano ko nga ba napagsabay ang lahat? Nakapagpatayo na ako ng sariling puwesto ng ZC's Cuisine. Si Caroline ang namamahala doon at tinutulungan siya nina Anica at Yen. Pumupunta pa rin naman ako doon twice a week din.
About my writing carreer? I just work as a free-lancer. Nagsusulat pa rin ako kapag may time lang. No pressure. No deadline. I just can't put my pen down. Writing was my first love and my gateway to the other side of the world.
Napatingin ako sa frame na nakalagay sa gilid ng table. It is my own version of a family picture. Ako, si Xyrus, at ang aming anak. Hindi ko naman tinanggal ang frame ni daddy kung saan picture naman naming apat ang nandoon.
Naging abala ulit ako ng tumunog ang cellphone ko. Sino ba tong tumatawag? Nagmamadali na akong tapusin ang mga trabaho ko para makauwi ng maaga.
"Hello," sagot ko habang patuloy pa rin sa mga ginagawa ko. I need to multi-task kasi sabik na sabik na akong makauwi. Tiyak naghihintay na sa akin ang mag-ama ko.
"Madam, kumusta na?" sagot niya. Narinig kong tumawa siya sa kabila.
Napangiwi ako sa madam."Lorenz? Stop calling me that. Kainis ka! O, anong atin?"
"Ikaw sana kaso may asawa ka na," aniyang napatawa. Makulit pa rin siya. Hindi pa rin siya nagbabago.
"Oi, busy ako. Tsaka uuwi na ako. Don't tell me, tumawag ka lang para sa ganyan dahil bubugbugin kita."
Tumawa ulit siya. Sarap ng buhay ng lalaking ito."Oo na. May kailangan ako sa'yo. Well actually, hindi ako. May pumunta dito na sikat na direktor at hinanap ka."
Natigilan ako." Bakit daw?"
BINABASA MO ANG
Deeply Wounded
RomanceZyra Cybelle Aragon, the broken-hearted writer and Xyrus Trevino, the No Girlfriend Since Birth future CEO of a large company met unexpectedly. Xyrus, in order for him to get rid of his ultimate admirer grabbed Zyra to pretend to be his girlfriend...