SHOCKING TRUTH

108 4 1
                                    

CHAPTER 14





Isang lalaki ang hindi mapakali sa loob ng kanyang apartment.  Nag aalala na siya para kay Dr. Kim. Halos tatlong buwan na rin kasi itong hindi nakakapunta sa kanyang apartment. At tatlong buwan na rin siyang nag papadeliver lang sa online ng lahat ng mga pangangailangan niya sa bahay at mga pagkain.  Nag aalala na ito para sa kaibigang doktor.

Bagamat natatakot siya sa kanyang gagawin  ay hindi pa rin niya napigilan ang sarili na lumabas ng apartment. Sumakay siya sa kotse at tumungo sa bahay ni dr. Kim .Gusto lang niya masigurado na maayos ang kalagayan ng doktor.  Bago pa man siya magtungo don ay tumawag na muna siya ng mga back up na mga pulis. Hindi siya sigurado kung ano ang madadatnan niya sa bahay ni Dr. Kim.

Pag dating doon ay kilala na siya ng mga bantay ni dr. Kim dahil dito sa bahay na to una siyang itinago ni dr. Kim.

"I'm just want to check kung okey lang si Dr. Kim. Wag kayong matakot sa mga pulis. Hindi kami gagawa ng gulo dito." Sabi niya.

Pinayagan naman  siya ng mga bantay na pumasok sa loob ng malaking bahay ni Dr. Kim.

Naghihintay lang ang mga pulis sa signal ni ng lalaki bago sila pumasok sa loob.

"Dr. Kim!!!" Tawag ni nito.

Narinig ni Dianne ang boses na tumatawag kay dr. Kim. Limang pinto palang ang nabubuksan niya. At nanginginig na siya habang iniisa isa ang pag subok sa mga susi.

Unfortunately, nagising si dr. Kim . Humawak hawak siya sa kanyang likod dahil sa sakit ng pagpalo sa kanya ni Dianne. Nakita niya ang nagkalat na piraso ng nabasag na vase. Nakita niyang wala na si Dianne sa kwarto. Kinapa niya kaagad ang susi sa bulsa niya.

"Sh*t!!" kaagad na lumabas si Dr. Kim para sundan si Dianne.

Nakita niya ito sa pang pitong pinto na todo ang suksok ng susi sa padlock.

Ngumisi si Dr. Kim at saka lumapit kay Dianne. Namulsa siya habang nakatayo at pinapanood ang natatarantang si Dianne. "Gusto mo ba ng tulong ha?" Tanong ni Dr. Kim.

"I'm sorry Dr. Kim . I'm so tired of all this!!" Sabi niya habang patuloy na binubuksan ang padlock ng pinto. 

Hinawakan siya sa kamay ni Dr. Kim at sapilitan na inagaw sa kanya ang susi.

"Me too. I'm so tired of protecting you." Masungit na sabi ni dr. Kim. Hinila niya si Dianne palabas.

Napataas ng kilay si dianne habang palabas sila sa mga pinto ng makita niyang after ng isang pinto ay may isa na namang pinto.

"Talagang secured na secured ang daming pinto ah!" Sabi niya.

Tiningnan siya ng masama ni dr. Kim. "Shut up! You stubborn woman!"

Paglabas nila sa sala ay naroon ang lalaking naghahanap kay Dr. Kim na nakatayo, at  pare-pareho pa silang tatlo na nagkagulatan.

Napaatras si Dianne at akmang mananakbo palabalik ngunit napigilan siya ni Dr. Kim.

Gumapang ang takot sa buong katawan ni Dianne. Nang makita kung sino ang lalaking dumating. "J-Jerick?" Kumurap-kurap siya at muling tumitig sa lalaki. "No." Umiling siya at napaatras ng isang hakbang. "Multo!!" Sigaw ni Dianne. Sabay yakap sa braso ni dr. Kim.

Kaagad naman siyang niyakap ni Dr. Kim.

"Huminahon ka Dianne. Hindi  siya multo. Buhay siya!" Sabi ni dr. Kim.

"No! It's imposible!! " Sabi ni Dianne habang nakakunot ang noo at nanginginig ang mga labi sa takot.

Napaangat ang gilid ng labi ni Jerick. "Imposible? Yes!! Tama ka!! Imposible diba? Na pagkatapos mo akong ipapatay, ay buhay na buhay ako ngayon. Unlucky you!!!
"nakangisi na sabi ni Jerick. Nakangiti ito pero kita sa kanyang mga mata ang matagal ng itinagong poot at galit para kay Dianne.

Back Into My arms Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon