CHAPTER 15
---------
Pag dating sa police station nila Vincent, Monica at Miko, kaagad silang nagulat ng makita si Dianne at Dr. Kim, pero mas tumindi ang kaba nila ng mabaling kay Jerick ang kanilang mga paningin.
"Jerick?! Buhay ka!" Sabi ni Monika. Sabay yakap sa matagal na nawalang kaibigan.
Lumapit din si Vincent at saka yumakap kay Jerick.
Samantalang napako sa kinatatayuan si Miko at hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.
"Jerick pano ka nabuhay? Panu nangyari yun? Nakita kita ehh. Nakita kitang ibinurol, nakita kitang nilibing. Kung buhay ka? Sino yun? " Tanong ni Miko.
Yumuko si Jerick at nag umpisang mamuo ang kanyang mga luha sa tagiliran ng kanyang mga mata.
"Hindi ako ang namatay, kundi si Jayson. Ang kakambal ko. Naalala niyo ba nung 1st year highschool tayo? yung kakambal ko na pinakilala sa inyo? Si jayson." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Jerick.
Nagulat si Vincent.
"Pero nung 1st year palang tayo ay nag transfer na sa province si Jayson ng school. At sabi niyo don na siya manirahan for good kasama ng daddy niyo. Paano siya ang namatay? " Tanong ni Vincent.
Hindi maalis ang kalungkutan sa mukha ni Jerick. Pinipilit niyang kalmahin ang sarili at pairalin ang pagpapatawad, pero nangingibabaw pa rin ang galit sa puso niya ng muling nanumbalik ang lahat ng mga masasakit na nangyari. Pumatak na ang kanyang mga luha.
"Nung naghiwalay ang mga magulang namin ay sapilitan rin nila kaming pinaghiwalay ni Jayson. Nangako si Jayson sa akin na pag dumating ang time na maging independent na siya, ay babalik siya dito para sakin. Nagkataon na nung bumalik siya ay kakatapos lang ng aksidente namin ni Miko at Monica. Wala akong malay at hindi ko alam na dinalaw pala nila ako ni mommy sa ospital." Huminto si Jerick sa pagkukwento. Hindi na niya napigilang mabasag ang boses niya at humagulhol na siya ng iyak.
Si Dianne naman ay natigilan sa kanyang kinauupuan ng marinig ang lahat ng sinabi ni Jerick. Bigla siyang na guilty sa nangyari. Naalala niya kung paano niya ipapatay si Jayson noon na inakala niyang si Jerick.
"Kamukhang kamukha siya ni Jerick. Baka inakala ng mga tauhan ko na ang taong nasa picture na ibigay ko sa kanila ay ang taong pinatay nila. Hindi ko rin alam na ibang tao pala ang napatay nila. Dahil kung ako rin ang nandon ay hindi ko rin malalaman na hindi si Jerick ang tanong yun. Kamukhang kamukha niya talaga si Jayson." Sabi ni Dianne sa kanyang isip.
Naalala niya na litrato lang ni Jerick ang ibinigay niya sa mga tauhan niya. Bago niya ito ipapatay. Posible talagang magkamali sila ng napatay.
Pinakita ng lawyer ni Jerick ang cctv footage sa kanila pati na rin sa mga pulis ang mga nangyari sa ospital ng mga oras na yun.
-------
CCTV FOOTAGE:Nakahiga sa patients bed si Jerick, walang malay, at puno ng galos ang katawan. Pumasok si dr. Kim sa room, may kasama itong dalawang lalaki na naka uniform ng pang nurse. Patago nilang itinakas sa room si Jerick, isinakay sa sasakyan ni dr. Kim. Malinis ang pagkakagawa at walang kahit isang nakakita. Maliban sa cctv.
Dumating sa patients room si Jayson, mag isa lang ito. Nadatnan niyang wala na si Jerick sa room pati ang patients bed nito. Lalabas na sana ito ng kwarto pero dalawang lalaki ang pumasok sa kwarto at biglang pinalo ng baril sa ulo si Jayson na naging dahilan para mawalan ito ng malay. Inupo nila sa wheelchair si Jayson at minadaling nilabas sa ospital at isinakay sa kotse na kulay pula.

BINABASA MO ANG
Back Into My arms Again (COMPLETED)
RomanceAno nga ba ang pakiramdam ng minamahal ka pabalik ng taong mahal mo? Iyan ang tanong ni Viatrice Isavielo, na siyang nagmamahal nang totoo kay Vincent Lee. Dahil matalik na magkaibigan ang kanilang mga mga magulang, kinailangan nilang magpakasal da...