CHAPTER 13Samantala sa bahay nila Monika, naroon na ang parents nila ni Vincent at Viatrice. Masayang masaya ang mga ito dahil nagising na nga si Monika mula sa limang buwang pagkaka coma.
Nabigla silang lahat ng humahangos si Vincent na pumasok sa kanilang bahay.
"Vincent! Bakit nagmamadali ka?" Tanong ni Miko. Napatayo ito sa upuan katabi ni Monica. Kaagad niyang inalalayan ang kaibigan.
Balisang balisa si Vincent. Inisa isa niyang tiningnan ang mga tao sa loob ng bahay at nagbaka sakali na naroon si Viatrice. Pero wala siyang Viatrice nakita.
"Kuya? Anong nangyari sayo? Sinong kasama mo? " Naka kunot noo na tanong ni Monica.
Napatiim bagang si Vincent at napaismid. Huminga siya ng malalim. "Naalala ko na! Alam ko na ang lahat!! I'm sorry. Hindi ko naisip si Viatrice, i'm sorry hindi ko kayo pinakinggan!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Vincent.
Tumayo ang daddy ni Vincent at yumakap sa kanya. "Hindi mo kasalanan na nawalan ka ng alaala. Naintindihan ka naming lahat. Maging si Viatrice ay nauunawaan ka, dahil alam namin na nakalimutan mo siya, dahil sa brain injury na tinamo mo sa accident. At hindi mo ginusto ang nangyari sayo." Sabi nito.
Tumango naman ang daddy ni Viatrice. "Yes! Tama ang papa mo Vincent. Huwag kang mag alala kay Viatrice, i know my daughter. Palagi niyang iniisip muna ang sitwasyon bago siya gumawa ng hakbang. Kaya bibihira siyang ma guilty ehh. Kasi sobrang lawak niyang umunawa at napaka lalim niyang mag isip. And i'm very proud that i'm having an smart, innocent, and understanding daughter." Nakangiti na sabi ng mommy ni Viatrice.
Ngumiti lang ang daddy ni Viatrice habang nakatingin sa asawa.
"Anyway kuya, where's Dianne and Viatrice? Bakit ikaw lang ang nandito?" Kunot noo na tanong ni Monica.
Hindi kaagad nakapag salita si Vincent. Saglit niyang kinalma ang sarili. Umupo muna siya sa tabi ni Miko. At kinuwento na niya ang lahat ng mga nangyari.
*******
Samantala. Kaagad naman na hinabol ni dr. Kim si Dianne at pinigilan sa braso.
"Anong gagawin mo? Tumigil ka na Dianne. Sobrang pathetic mo na! Sisirain mo talaga ang buhay mo para lang sa taong hindi ka naman mahal? Kilala mo pa ba ang sarili mo Dianne? Pag nakuha mo ba si Vincent sa tingin mo magiging masaya ka na? Nakalimutan mo na ba na bumalik na ang memorya niya? Naaalala na niya si Viatrice!
Eh kahit nga noong wala pa siyang alaala nararamdaman pa rin niya ang pagmamahal niya kay Viatrice ehh! Hindi mo ba napapansin yun? O sobrang manhid ka na talaga para hindi mo maramdaman yun?" Nakakunot noo na sabi ni Dr. Kim.
Humahagulhol na si Dianne sa mga narinig niya mula kay dr. Kim. Tinakpan niya ang tenga niya, at umiling. "Tama na!! Tumigil ka na!! Pabayaan mo na lang ako!! Kung ayaw mo akong tulungan sa mga plano ko, wag mo nalang akong pakialaman!!" Umiiyak na sabi ni dianne.
Kumunot noo si Dr. Kim. "Hindi ako papayag na umalis ka!! Dito ka lang sa bahay, hangga't nasa loob pa ng sinapupunan mo ang anak ko! Hindi ako makakapayag na idamay mo siya sa lahat ng mga pinaplano mong masama! Kapag lumabas na ang bata, pwede mo ng gawin ang lahat ng gusto mo. Hindi kita papakialaman. But i'm sorry because for now, hintayin mo muna maipanganak mo ang bata bago ka umalis dito." Masungit na sabi ni Dr. Kim.
Kaagad na ipinakandado ni Dr. Kim ang kanyang gate pati na rin ang buong bahay sa kanyang mga bodyguard.
"Siguraduhin niyo na hindi kayo matatakasan ni Dianne. Napakatuso ng babaeng yan. Wag kayong tutulog-tulog kundi malilintikan kayo sakin." Sigaw ni Dr. Kim.
BINABASA MO ANG
Back Into My arms Again (COMPLETED)
RomanceAno nga ba ang pakiramdam ng minamahal ka pabalik ng taong mahal mo? Iyan ang tanong ni Viatrice Isavielo, na siyang nagmamahal nang totoo kay Vincent Lee. Dahil matalik na magkaibigan ang kanilang mga mga magulang, kinailangan nilang magpakasal da...