Paano mo ba masasabing matalino ang isang tao kung may isang bagay pa din na nagpapabobo sa kanya?
Paano ko ba sisimulan ang kwentong ito kung kahit ako hindi ko madefine ang salitang Matalinong Bobo?
Tumingin-tingin ako sa mga tao sa palagid ko. Kung titingnan, may mga tao talagang hindi makuntento sa kung anong meron sila. Sila yung mga taong lahat gagawin makuha lang nila ang gusto nila. Kumbaga, hahamakin ko ang Diyos makuha ka lang. Napakagasgas ng kasabihan pero may malalim na pinanghuhugutan.
Walang taong perfect pero kung magiging mababaw ka masasabi mong lahat na lang sila perfect. Lahat na lang sila walang kapintasan. Lahat na lang sila magaling. Masasabi mo yun kapag sobrang nanliliit ka na sa mundong ginagalawan mo.
At masasabi mo na lang, Eh ako!? Wala!
May mga taong wala ginawa kundi mangkuntya ng kapwa nila. Wala silang ginawa kundi pahiyain ang isang taong walang kalaban-kalaban emotionally. Wala silang ginawa kundi manghusga.
Bakit may mga ganung tao? Bakit may mga taong sagad kung manghusga!? Bakit ba hindi nila kami maintindihan!?
Ano pa bang kulang!? Lahat naman ginawa na namin para mapatunayan sa inyo na iba kami sa inaakala niyo. Pero bakit ba mga ganun sila!? Bakit ang babaw ng isipan nila? Nakakasawa na. Sawang-sawa na kong umiyak. Walang nakakaintindi sakin kundi ako lang.
AKO!
AKO!!
AKO!!!
Lahat sila ang baba ng tingin sakin. Lahat sila ang sasakit magsalita. Palagi nilang sinasabi "nasa loob ang kulo."
At masasabi mo na lang sa kanila na alam niyo ba kung bakit kami ganito!? Alam niyo kung bakit kami ganito katanga!? Alam niyo ba kung bakit kami MATALINONG BOBO!?
BINABASA MO ANG
Matalinong Bobo
Teen FictionSino sa inyo ang matalino? Sino sa inyo ang bobo? Eh, ang MATALINONG BOBO?