#2

18 0 0
                                    

"Hindi naman mahalaga kung ano ang relationship status mo e. Ang importante, masaya ka sa buhay mo."

"Hah!?" Takang-taka ako sa nabasa ko sa papel na nakasabit sa gate namin. Madaling araw pa lang kasi, sino naman kaya ang magsasabit nito sa harap ng gate namin? Kagabi wala naman ganito dito eh.

Nakakapagtaka pero kinuha ko na din yung papel at itinago sa bag ko. Mamaya makita pa to ni mommy, sabihin niya ang landi-landi ko kahit hindi naman.

Naglakad na lang ulit ako papuntang school. Walking distance lang naman so why should I? Sayang pa sa gas.

Pagdating ko ng school may mga mangilanngilan ng estudyante ang nandito. Karamihan mga nerd na katulad ni Vana at Vina.

Ako lang naman kasi ang kikay dito na matalino. Sabi pa nga ng iba, kahit pagsamasamahin pa lahat ng nerd sa batch namin wala pa din tatalo sa katalinuhan ko. Well flattered naman ako sa sinabi nila kung totoo man yun o kaplastikan lang.

Pagdating ko sa room, wala pang tao. Si manong janitor lang na naglilinis.
Umupo na ko sa upuan ko at tumungo na lang. Makaidlip muna saglit.

"Hi Choice."

Pag angat ko ng ulo ko, siya yung lalaking laging dumadalaw sakin sa panaginip. Hindi ko pa din maaninag yung mukha niya pero alam kong siya to dahil sa boses niya at tindig.

"Bakit ka nandito?"

"Gusto ko lang ipaalala sayo na nandito lang ako para sayo."

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Choice, hintayin mo ko ha. Wag kang magmamadali sa mga bagay-bagay. Hintayin mo ko."

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at sabihing,

"Oo hihintayin kita Chance."

"Choice!! Ano ba! Gumising ka na nga!"

"CHOIIIIIIICCCCCCCCEEEEEEEEEEE!!!!!!!!!!"

"Aaaaaahhhhh!!!"
Napatili naman ako sa gulat. Walangya tong kambal na to. Ang sakit ng tenga ko. Nabasag ata eardrums ko dun. Huhu T___T

"Buti naman at nagising ka na Choice. Kanina ka pa namin niyuyugyog dyan hindi ka magising." Sabi ni Vana habang naglalabas siya ng libro.

"Akala nga namin binabangungot ka na, buti na lang at ginising ka namin. Tara aral na tayo." Pag-aalala na sabi ni Vina.

"Napag-aralan ko na yan last week. So no need." Relax kong sabi sa kanila sabay taas ng paa ko sa upuan sa harapan ko.

Ooopppss, nasabi ko na ba sa inyo na minsan medyo boyish ako. Well, wala lang sabi kasi ng mga elementary friends ko ang cute ko daw pag nagsusuot ako ng mga pangboyish na damit.

Actually, habit ko na yun noon hindi pa nila sinasabi. So wag niyong iisipin na porket sinabi nila gagawin ko na agad. Hindi naman ako uto-uto nu.

Naalala ko yung napaginipan ko. Ilang buwan ko na siyang napapaginipan pero ngayon halos kada makakatulog ako dinadalawa niya ko at laging pinapaalalahanan. Minsan hindi ko sinusunod yun, aba malay ko ba sa kanya. Hindi ko siya kilala. Tawagin ko na lang daw siya sa pangalan Chance. Naguguluhan pa din ako sa kanya.

Tiningnan ko na lang yung kambal kong kaibigan. Kambal nga talaga sila, masipag, matalino at mabait pa. Kahit papaano cool silang maging friends. Tinuturuan ko na din kasi sila mag-ayos kahit konti. They're too loud nga lang. Pag pinagsama mo yung loudness nila, magiging kapantay na nung loudness ko at dun ko masasabi DESTINY talaga kaming tatlo maging magkakaibigan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Matalinong BoboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon