#1

67 0 0
                                    

Ano ba pagkakaintindi niyo sa salitang MATALINONG BOBO?

Tatanga-tanga talaga at nagkukunwari lang na matalino?

Matalino na walang common sense?

Matalino sa kabobohan?

Matalino nga, bobo naman sa pagsasalita at gawa?

Matalino pero hindi naman niya ginagamit yung katalinuhan niya sa tamang paraan kaya matalinong bobo?

O matalino sa academics, bobo sa reality?

Hmm, sa totoo lang madalas akong sabihan nyan ng mga classmate ko when it comes to Love/Relationship.

Minsan nga napapatawa na lang ako, akala ko kasi yun yung mga taong matalino na talaga pagdating sa pag-aaral. Kumbaga given na, gifted na yun sa kanila. At may isa pa maaaring ito din yung mga taong may talino talaga sa pag-aaral pero yun nga lang pagdating sa eskwelahan, lagpak!

"Haha, sira ka talaga Choice!" Sabi nung katabi ko.

"Eh kasi naman! Alam niyo kung tigilan niyo na kaya ako nu!?" Nakakainis na kasi sila pero hindi ko pinapahalata.

"Eh kasi naman po, ang ibig namin sabihin matalino ka in some ways like dito sa school natin. Nag-eexcel ka sa academics pero pagdating sa isang bagay....."

"BOBO KA!!" sabay nilang sabi sakin. Aba't ang lakas ng loob nilang sabihan ako ng ganun ah!

"Katulad na sa LAHAVE o in other word sa LOVE! Pili-pili din minsan ng jojowain mo teh, wag yung grab ka ng grab! Hindi ka mauubusan, ang dami dami dyan eh." Pailing-iling pa siya.

"Kaya nga may kasabihang There's so many fishes in the sea. Wag kang magmadali." Oh isa pa tong babaeng to. Ginatungan pa si Maru.

Hay nako!! Palibhasa mga nerd tong mga to eh! Ako lang ang kikay saming tatlo kaya kung makapagsalita! Arrrrrgggghh!! Nakakainis.

"Wag kang maggagalit samin Choice. Concern lang kami sayo. Kaibigan mo kami kaya love ka namin." Inirapan ko lang silang dalawa,

"Kaya dapat sabihin niyo din kay mommy yung ginagawa ko? Akala ko ba friends tayo, pero bakit niyo ko nilalaglag?" Sabi ko sa kanila.

Nalungkot naman yung mga mukha nila pagkasabi ko nun.

"Sorry Choice. Concern lang talaga kami sayo. Alam mo na naman ang panahon ngayon di ba? You know? Teenage Pregnancy. Ayaw ka namin matulad sa kanila."

"So ibig sabihin wala kayong tiwala sakin!?"

"Choice hindi sa ganun."

"Then what!?"

"Hays, Choice sundin mo na lang kami. Nasa huli ang pagsisisi."

"No! Bakit ako magsisisi sa huli kung sa una pa lang nag-iisip na ko!? Yang phrase na yan para lang yan sa mga bobong hindi nag-iisip ng pwedeng mangyari kinabukasan o sa mga susunod. Para lang yang sa mga taong wala pakialam sa mundo, basta ang gusto lang nila maging masaya. And me!? Hinding-hindi ako gagaya sa kanila! Sisiguraduhin ko yun."

"Hays bahala ka. Bagay na bagay talaga sayo yang pangalan mong Choice. Choice mo yan so wala kaming magagawa. Pero hindi kami nagkulang. Pinagsabihan ka namin at pinaalalahanan, nasa sayo na yun kung susundin mo kami." Sabi sakin ni Vina

"Gotta go Choice. Anjan na yung sundo namin. Bye." Pagpapaalam ni Vana at nagbeso-beso na sila sakin.

Nagsimula na din akong maglakad papunta samin. Yung mga kaibigan ko sila sina Vana at Vina. Kambal sila at nerd. Matatalino kasi sila, pero mas matalino pa din ako sa kanila.

Matalinong BoboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon