#1

10 0 0
                                        

"Jaze pwede mo ba ako turuan dito?" Tinuro ko ang notes na hawak sa hindi ko maintindihan na bahagi. Statistics 'yon tapos solving na need ng solution. "Ito nalang talaga promise."
   
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. "You know, you're so annoying. Kahit saan ako magpunta, lagi kang nakasunod. Para kang aso." saad niya habang ginugulo ang buhok.
 
"Ayos lang maging aso, basta payag kang katabi mo ako matulog." Mahinang bulong ko sa sarili na hindi niya naman narinig.

"May sinasabi ka?"

"I'm annoying pala so para hindi na kita e annoyed next time turuan mo na ako diba? Hmm?" Tanong ko saka tinaas baba ko ang kilay ko.

"May magagawa pa ba ako sa kakulitan mo?" Taas kilay niyang sabi sa akin.

Umiling naman ako habang nakangiti. "Wala."

"Tss." Naglakad na siya palayo kaya ako nalang ang naiwan mag-isa ditong nakatayo sa labas ng room nila.

"Yiee, makakasama ko na naman siya. Makakasama ko na naman ang crush ko, Hmp." Kinikilig kong bulong sa sarili habang kinikilig. Impit akong napatili dahil sa kiliti na naramdaman. Ang totoo alam ko naman ang lesson na 'yon sadyang gusto ko lang siyang matitigan at makasama.

Pagkatapos kong maging delulu ay sumunod na rin ako kay Jaze para sabay kaming bumyahe papunta sa condo... at para makasakay sa sasakyan niya.
  
"Saan banda dito?"

Dito kami ngayon living room ng condo niya. Nakaupo siya sa sofa habang ako naman ay nakaupo sa carpet at naka indian seat.

"Dito oh, paano ba 'to?" sabay turo sa lesson na kinopya ko kanina.

"Ito?" pagkumpirma niya.
  
"Oo, hindi ko kasi maintindihan kung paano makuha yung sample mean at population mean." mahina kong sagot sa kanya.

"Are you sure? Ang dali lang nito, ah." Alam ko. Pero ang makapiling ka ang mahirap.   
  
"Hindi ko talaga magets eh." Kung bakit patay na patay ako sayo. Nag pout pa ako at nagpuppy eyes para maniwala siya.

Yumuko siya para pantayan ang mukha ko at para maipakita sa akin ang solving niya. In-explained niya sa akin lahat, mula umpisa hanggang dulo kung paano e solve ang mean kinimerot na 'yon. Nagbigay pa siya ng example para daw maintindihan ko ng mabuti.

Busy si Jaze sa pagpapaliwanag tungkol sa lesson habang busy naman ako kakatitig sa mukha niya. Ang gwapo ng side profile niya. Ang tangos ng ilong, ang pula ng labi tapos ang kinis ng mukha. Nakakadagdag pa sa kagwapohan ang makapal niyang kilay. Sarap mong halikan babe.

Tumagal ng ilang minuto na gan'on ang position naming dalawa. Kung siya siguro ang Prof ko sa lahat ng subject, jusko... ako pa mismo ang magpa-extend ng time schedule hanggang gabi.

Pagkatapos namin ay tinanong niya ako kung may naintindihan daw ba ako sa in-explained niya. 'Syempre naman... meron' ang sagot ko.
  
"Sana naman 'yan na ang panghuli." Sumandal ito sa sofa at tumingala sa kisame. Agad na nakuha ng adams apple niya ang attention ko. Tumataas baba 'yon, ibigsabihin lumulunok siya. Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya dahil napako na sa adams apple niya ang isip ko.

His body is so fucking perfect. Masasabi mo talagang hinubog ang katawan niya para talaga sa kanya.

"Xhell," nabalik lang ako sa realidad nang pitikin niya ang noo ko. Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil pakiramdam ko ay sobrang pula na ng  mukha ko dahil sa hiyang naramdaman.

"Ha? Ah... oo naman. Ito na talaga ang huli." Utal kong sagot. Pagkasabi ko n'on ay agad naman siyang tumayo at naglakad papunta sa kwarto niya.

"Thanks." Binuksan niya ang pinto ng kwarto niya. Akala ko papasok na siya pero binalingan niya ako at nagsalita ulit. "Shower lang ako. Sarado mo nalang ang pinto kapag aalis kana." Saad niya at ngumiti saka sinarado niya ang pinto.

Para akong baliw na nangingiti dahil first time in the world na nginitian niya ako. Kahit ang ngiti niya ang sarap titigan! Huhuhu

Kahit ang sungit mo sa'kin palagi, crush parin kita. 

Nagligpit muna ako bago lumabas ng condo niya. Nag-iwan ako ng note sa coffee table niya na may 'Thank You Jaze for tonight :)' na nakalagay.

Papasok na sana ako ng elevator nang bumukas 'yon at niluwa ang isang babae na mala anghel ang ganda. Sinundan ko siya ng tingin at nang makitang papunta siya sa direksyon ng unit ni Jaze ay agad ko siyang sinundan. Naghanap ako ng matataguan para naman hindi niya ako makita. Sumilip ako roon.

Nakita kong binuksan ni Jaze ang pinto at lumabas at.... sinalubong ng ngiti ang babae.

Ngiting-ngiti ang babae habang nagsasalita habang tumatango tango naman si Jaze na nakikinig. Nagtagal pa ako r'on ng ilang minuto hanggang sa hindi ko inaasahang pangyayari.
 
Tumingkayad ang babae at ipinulupot ang mga braso sa leeg ni Jaze at walang ano-anong hinalikan niya ang lalaki sa... labi.
 
Nanghihina ako dahil sa nakita ko. Hinawakan niya sa bewang ang babae. Pero mas lalong nanghina ako nang sagotin ni Jaze ang halik ng babae. Naghahalikan na sila ngayon sa paningin ko. I let out a deep sigh as I shook my head and walked away from them.

Akala ko may pag-asa pa e. Wala na pala. But no, hindi ako susuko. I'm not Krixhell Daine Zaldivia for nothing.

••••••••••••••••••
>///<

Hating Him was a LieWhere stories live. Discover now