"Jaze wait, sandali lang hintayin mo 'ko!" Hingal akong tumigil sa likod niya habang bitbit ang dalang fast food na binili ko kanina lang. "For you."
Hinihingal kong inabot sa kanya ang plastik na may lamang pagkain dahil hinabol ko sila ng kaibigan niya na naglalakad sa hallway ng school. Sumilay ang magandang ngiti sa labi ko nang tanggapin niya ang binili ko para sa kanya. Pakiramdam ko worth it 'yong pagod ko dahil sa ginawa niya. "For me?" Tanong niya saka tiningnan ang pagkain na nasa plastik. Para akong mabait na aso na nangingiti habang tumatango.
Parang nakalimutan ko ang sakit na naramdaman kahapon nang makita ko siyang kahalikan ang babae na 'yon.
"Wow sana all may food service. Magkano ang shipping?" Biro ng kasama niya. Classmate niya siguro. Inirapan ko lang ito.
"Shut up, dude." it's Asher. Jaze's best friend."Thank you but I'm full. Sayo nalang 'to Nic," ibinigay niya sa nakangiting si Nic kuno ang mga binili ko. Nang abutin ni Nic 'yon ay walang lingon-lingon na tumalikod siya at naglakad palayo. Bagsak balikat ko siyang tiningnan. Akala ko worth it 'yong effort ko, hindi pala. 'Yong pakiramdam na ngiting aso ka kanina pero ngayon asong gala nalang.
"I think you need to stop him." biglang sabi ni Asher na ngayon ay nakatingin na sa akin. Hindi katulad kanina, seryuso na ang mukha niya.
"Why would I do that?" Mahina at nakunot noo kong tanong sa kanya. Why would I stop him? Para madagdagan ang kahihiyan ko? No, I can't.
"Because you made an effort for him." —Asher.
Parang impossible namang ma-appreciate niya pa 'yon. Tinalikuran na nga niya ako e. Pero okay lang, baka wala lang siya sa mood kaya niya nagawa ang mga 'yon. Baka nag-away sila ng babae niya."I don't care, as long as I still believe that sooner or later, he will like me back the way I like him." I said without hesitation. Umaasa parin talaga ako kahit alam kong wala nang pag-asa na magustuhan niya ako.
"Stop believing to your words, then. You look pathetic." He said. Naglakad na siya palayo, kaya tumalikod na rin ako para bumalik sa room.
"Krixhelle! Thank You sa food service." rinig kong sigaw ni Noc habang may laman pang pagkain ang bunganga. Mabuti pa siya naapreciate ang effort ko. Hindi ba niya alam na nalate ako sa klase para lang bilhan siya ng pagkain bilang pasalamat ko sa kanya kahapon kahit... basta!Okay aaminin ko, tanga na ako, disperada pa. Alam kong hindi ko obligasyon at hindi niya ako inutusan na bilhan siya ng pagkain pero mahirap bang magpasalamat? Kahit 'thank you', 'thanks' o 'di kaya ay kahit 'Ty' lang? Kahit papaano ay mafeel kong na appreciate niya ang effort ko? Mahirap ba 'yon? Mahirap ba 'yon Jaze? Tss.
Time passed at nasa labas ako ng room ni Steeven. Uwian na at inaabangan ko siya.
"Ehem.. Ehem." Tikhim ko para makuha ang attensyon ni Jaze.
"Kailangan mo?" bored niyang tanong sa akin.
"Ah—eh ano kasi Jaze, pwede ba—" hindi pa nga ako nakakalahati sa sasabihin ko ay pinutol niya agad ako.
"Mamaya nalang." sinabit niya ang bag sa kanyang likod at nagsimula ng maglakad. Na naman?
"Jaze teka lang.. " hinabol ko siya saka harangan ang dinadaanan niya. "Ito na talaga ang last, please." Sinabi ko at um-action pang nagp-pray ang kamay.
He sighed. "Ano ba talaga ang problema mo?" Seryusong sambit niya sa akin. Pinagtitinginan na kami ngayon ng iba naming kaklase na dumadaan malapit sa gawi namin.
"Ano kasi, magpapaturo sana ako sa s-stats... mahina ako sa subject na 'yan, e." pagsisinungaling ko. Ang totoo ay gusto ko siyang makasama mamaya. Hehe.
""Ang sabi mo last na kahapon, tapos ngayon mangungulit ka na naman. Kung mahina ka sa stats magpatutor ka hindi 'yong ako ang kinukulit mo. May problema rin ako Xhell at fuck dinagdagan mo pa!" napayuko nalang ako dahil sa sinabi niya. Oo nga naman may problema rin siya hindi lang ako."S-sorry." Nahihiya kong tugon sa kanya. Yumuko ako dahil nakakahiya na talaga 'tong pinanggagawa ko.
"Wala namang magagawa 'yang sorry mo." Saad niya. Hindi parin siya tinitingnan."Last na nga lang e." Baka madala pa.
Narinig ko siyang napabuga sa hangin bago magsalita ulit na nagpakislap sa mata ko. "Fine, pagbibigyan kita ngayon, but make sure na huli na 'to. I have my own problem to fix Xhell, I need time, I need peace of mind. Sana maintindihan mo." Sunodsunod akong tumango sa kanya. Para akong nanalo sa loto dahil sa pagpayag niya.
Sabay kami ngayong naglalakad papunta sa parking lot. Sa likod niya ako na parang tangang nakangiti. Pero agad ring nawala nang marealized na huli nalang 'to. Wala nang susunod.
Second failure. Should I gave up?
••••••••••••••••••
>///<
YOU ARE READING
Hating Him was a Lie
Historia CortaChasing your crush is one of the most tiring works for those people who had someone admiring from afar. Pero paano kung isang araw ay bigla ka nalang niyang kinausap para umamin sa'yo na tigilan mo na siya dahil hindi niya nagustuhan ang mga ginagaw...