______
Habang kumakain kami ng agahan ng magsalita si mama.
"Oh, pupunta tayong mall mamaya, manunuod tayo ng movie. Right hon?" sabay tanong ni mama kay papa, agad naman silang napatango.
"Oo, kaya anong gusto niyong panuodin?"
"Ako. yung horror, showing pa naman ngayon 'yun. Maganda 'yun, promise" sabi ko sa kanila.
"O sige, ganoon rin ako kay ate papa." sabi naman ng kapatid ko na si Lander
"O sige, tutal tapos na kayong kumain, maghanda na kayo!"
Pagkatapos 'nun, nagsitakbuhan na kami ng kapatid ko sa mga kuwarto namin. Bonding time kasi namin ang manuod ng movies together sa mall. Di halatang mahilig kami sa mga movies noh? haha
After kong maligo, nagbihis na ako, and as usual naka-jeans ako. naka T-shirt, sneakers and of course naka baby-g watch at small bag pack ako. Ganito lagi get-up ko, sabi pa nga ni mama, mukha daw akong tomboy e, hindi kaya, naka-lugay naman ako ah tsaka puro pink gamit ko. Si mama talaga..
Nabigla ako ng tinawag na nila ako para umalis na, kaya bumaba agad ako. Pagkasakay ko sa kotse namin, syempre nag-sountrip kami and alam niyo ba kung anong type of song??
K-POP SONGS lang naman. LOL
Nung nag-play yung Ice Cream Cake ng Red velvet, tawa kami ng tawa dahil lahat kami napapakanta, may kasama pang dance, haha LOL Mukha tuloy kaming sira sa loob. haha
Nang makarating na kami sa mall, diretso agad kami sa Cinema, after naming mag-bayad, pumasok na kami agad nina mama, while sina papa at yung kapatid ko, bumili muna ng mga pagkain. Eksaktong pagkarating nila sa loob, kakaumpisa lang ng movie.
.
.
.
.
Pagkalabas namin, mukha kaming sira dahil kapit kapit kami, haha LOL Noong nasa loob kasi kami ng sinehan wala kaming ginawa kundi sumigaw dahil sa takot, nasisitayuan nga mga balahibo ko. lol
Nung medyo naka-recover na kami, naisipan na naming kumain sa isang Korean Restaurant, gusto daw kasi nilang ma-feel kung ano ang mga kinakain ng mga korean idols. lol Nakakatuwa nga e, dahil noong naging fan ako ng K-pop, naging k-pop fan narin sila haha. Si papa, favorite niya si Kim So-Hyun, si mama, favorite niya si Jun Ji-Hyun, yung brother ko naman is mga korean boy groups like BTS and EXO. Haha
.
.
.
.
"Liana, mag-grogrocery muna kami ah, alam ko naman na pupunta ka pang NBS e." Sabi ni papa"Haha. O sige papa, basta text niyo nalang ako pag-uuwi na tayo."
"Ano ba yung mga binibili mong libro?" Tanong naman ni mama
"About Love Love yun mama." Sabi naman ng ever-enemy kong kapatid.
"Ay, Liana ah, ano yan," sabi ni mama
"Ma, Pa, kahit about love yun, madaming moral lessons na natututunan doon. Tinuturuan kami na dapat maging mapili kami sa mga lalaki, hindi yung sige lang ng sige tsaka tinuturuan din kami kung paano I-solve ang mga problems. Hindi porket love stories e, tinuturuan kaming maging malandi, kundi sinasabi nila kung ano ang kahihinatnat mo pag sakaling ganito, ganyan ang desisyon mo. Tsaka tinuturuan kaming maging mature. "
"Eto naman, nagjo-joke lang kami. Haha May tiwala kami sayo kaya ayos lang. Tsaka kong saan ka masaya, doon kami." Sabi ni papa sakin
"Oo naman, O siya, alis na tayo dito." Sabay alis na namin sa loob ng restaurant.
"Liana, text ka nalang namin ah." Sabi ni papa
"Opo."
.
.
.
.
.
.
.
.Paglabas ko sa loob ng NBS, nabigla ako ng may mga tumatakbong lalaki, ang lalaki ng mga katawan nila tsaka naka black suit sila. Teka may hinahabol ata sila e.
Teka, papunta sila sa direksiyon ko.Aalis na sana ako ng MAY HUMAWAK SA WRIST KO! At KINALADKAD AKO!
Nanginginig ako, hindi ako makapag-salita. Ang alam ko nalang ay, dinala niya ako sa isang sulok at kinorner niya ako, sa pamamagitan ng paglagay niya ng dalawang kamay niya sa tabi ng balikat ko. Di ko makita ang mukha ng lalaki dahil naka-yuko siya at ang nakakainis halos madikit na niya ang ulo niya sa balikat ko. Ramdam ko ang pag-hinga niya.
Nang makita kong dumaan na yung mga nagtatakbuhang lalaki na naka-black suit sa pinag-tataguan namin, napansin kong natanggal na yung mga kamay niya sa tabi ko at tumingin siya sakin. Pagtingin ko sa kanya..... isa lang ang masasabi ko....... ANG GWAPO NIYA.
Pagkatapos ng titigan moment, umalis na siya sa harap ko at iniwan akong nakatulala..
Nang napansin kong para akong tanga dito, umalis na ako, pero bago pa ako maka-alis doon, may natapakan akong isang malambot na bagay, pagka-kita ko, isang panyo.
Siguro naiwan ito ng lalaki kanina, kasi noong kinaladkad niya ako dito, wala akong panyong nakita sa sahig, so siguro sa kanya ito, tsaka panglalaki ang design.
Hanapin ko kaya siya? Halata kasing mahal yung panyo, sayang nama. Hindi siya yung parang sa mga panyong ginagamit ko. Mas mahal pa dun.
Hahanapin ko na sana siya ng biglang magtext sina mama na uuwi na daw kami, kaya no choice, akin na muna 'to. Balik nalang ako dito bukas para maibalik 'to if mahanap ko pa siya tomorrow.
Pagkarating ko doon, napansin nilang may hawak akong panyo na unfamiliar. Kaya sinabi ko lahat ng nangyari. Except yung kinorner niya ako.
"Halatang mahal ang panyo niya" sabi ni mama
"Oo nga po e, sayang."
"Ibabalik mo tomorrow diba?"
"Opo, if mahanap ko siya."
After that di na nila ako tinanong..
.
.
.
.
.
Matutulog na sana ako ng may naalala ako,Omg.
Small World......
____________
AN: Honestly, wala talaga akong pakialam sa reads, basta kung anong maisip ko, isusulat ko agad. Pero ansaya lang na kahit papaano e, naka-100+ reads siya. HAHA Kahit 100 lang, masaya na ako! Promise! HAHA thanks guys!