2. Just Wait....

29 0 0
                                        

________

Goose bumps everywhere! Grabi di.niyo alam gaano ako kinikilig ngayon dahil sa binabasa kong story sa wattpad! OMO! Nakakakilig talaga. Sana ako nalang yung girl, sana kasing haba ng buhok niya yung buhok ko, LOL.

Anyways nag-ffb ako ngayon, baka dito ko mahanap love story ko jk.

Nabigla ako ng mga nagpop-out na message, pagkakita ko, name ng lalaki sabi nya "Eow po."
Ang jeje naman niya, ayaw ko sa mga taong ganito kung mag-text, ewan ko ba pero parang ang unrespectful nilang tignan. Tsaka pang jeje ang dating sakin. Kaya di ko nalang ni replyan, hindi sa snob ako ah, talagang hindi lang ako nag-rereply sa mga ganito dahil alam ko na kung ano itatanong nila like kung anong age ko, saan ako nakatira, saang school ako pumapasok and etc. Nakakatakot lang dahil baka sundan ka nila o di kaya mga sindikato sila, nakakatakot. Marami pa naman nababalitang ganoon sa tv. Delikado.

Simula ng magkaroon ako ng account sa FB, maliban sa mga kakilala ko, puro mukhang adik lang ang nag-chachat sakin, hindi ba pwedeng yung medyo matino naman or yung gwapo? LOL

Naiingit tuloy ako sa mga bidang babae sa wattpad yung tipo ng may mag-chachat sa kanilang gwapo, o mga artista tsaka madedevelop sila and then alam na.
Haysst sana ganoon rin yung love story ko.
Okay, stop dreaming Liana. Wala kang pag-asa diyan. Balik na tayo sa pagfa-fangirl buti pa.

Oo nga pala, ginagamit ko lang yung mga account ko sa SNS for fangirling purposes lang. Syempre para updated ako sa mga korean idols ko then sa wattpad din para i- share ko yung mga binabasa kong mga story.

Masaya na ako sa ganito, yung feeling ng pag nag-update na yung binabasa mong story, para kang nanalo sa lotto kung makatalon, tsaka pag nakita mong nag-post ng bago yung mga korean idols mo, halos di mo na matanggal sa screen yung mga mata mo.

Pero syempre iba parin yung may nagpapakilig sayo. Yung Totoong Tao, hindi fictional. Yung kilala mo at Kilala ka niya hindi ng mga idols mo.
Ano ba 'tong pinagsasabi ko? Para akong tanga. Arrghhh.

Bahala na si Destiny.

Darating naman siguro iyon sa tamang oras at panahon.

Just wait......

_______

AN: For those silent readers, paramdam kayo ha, haha. ^^

It's Just My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon