_________
Halos one month na after that incident pero wala paring special na nangyayari. Halos mamaga na nga ang mga mata ko, kakahintay sa friend request ni Jaxon sa FB ko.
Hayy. Oo nga naman Liana, tinanong niya lang full name mo at hindi FB name mo. Hayy.
Naniniwala na tuloy ako sa kasabihan na 'Huwag mag-assume, dahil masasaktan ka lang'.
[NP: See You Again- Wiz Khalifa]
Btw, if hindi ako nagbabasa sa wattpad, kumankanta ako. Haha
And as you notice, pinapatugtug ko yung See you again by Wiz Khalifa sa phone ko. Pinag-aaralan ko kasi siya, medyo nahihirapan ako sa rap part niya.
Gumagawa kasi ako ng mga cover at pino-post ko sa youtube tho. nasa private lang siya, ako lang ang nakakakita.
Hindi naman kasi ako ganoon kagaling, mamaya pag pi-nublic ko, puro hate comments lang matanggap ko. Ayaw ko naman nun. Haha
Mas mabuting ako lang nakakakita. Haha
Okay. Yun lang. Wala na kasi akong mai-share.
Sabi sa inyo e, ang boring ng life ko, walang thrill, walang excitement, hindi tulad ng mga characters sa wattpad. Hayy
Okay, magbasa na nga lang ako sa wattpad, at imagine-nin ko nalang na isa ako sa mga character.
Salamat talaga at mayroong wattpad.
__________