Van's POV
Umuwi ako ng bahay pagtapos ko pakainin si Saoirse at Granny.
"Good evening po tita"bati ko ng maabutan ko si Tita sa sala
"Kumain kana ba Van?may tinabi ako para sayo"sabi niya
"Akyat na muna po ako tita magpapalit lang po"sabi ko saka dumiretso sa kwarto ko
Pagbukas ko ng pinto at naabutan ko naman si Ken na nakahiga sa kama ko
"Ano nanamang ginagawa mo dito Manixxe?"bungad ko
"Van patulong ako gumawa ng plates"sabi niya saka sumalampak ng upo
"Sige kakain lang ako hintayin mo ko dito"sabi ko saka nagpalit ng damit at pumunta sa baba para kumain.
"Van kamusta si Saoirse sa pet house?"napalingon ako ng magsalita si Tita
"Okey naman Tita kaso hindi talaga siya nakikihalubilo kahit kanino"natatawang sagot ko
"Yang pusa mo talaga na yan ano"
"Nga pala tita kelan daw po ba kukunin ni Ken si Kuro sa vet?para po mapagawan na namin ng kulungan sa pet house"tanong ko
"Ewan ko ba dyan sa pinsan mo na yan"sabi niya
"Sige po ako nalang kakausap sa kanya"ngumiti ako saka hinugasan ang pinagkainan ko
Umakyat ako sa taas
"Ken"pagkuha ko sa atensyon niya
"Bakit"
"Kelan mo kukunin si Kuro sa vet? Tinatanong na ni Migs"sabi ko saka umupo sa tabi niya
Nilabas ko naman lahat ng gamit ko dahil may gagawin din akong activity.
"Baka bukas di pa kasi okey si Kuro ea"sagot niya naman
"San nga pala yung sinasabi mo?"tanong ko saka nilabas ang drawing paper ko
Nilagay niya sa harap ko ang plates na di niya tapos saka ngumiti ng malapad
"Andali dali nito Manixxe"kinunutan ko siya ng noo
"Ang hirap kaya Van"
"Manixxe tinatamad ka noh"pinasingkitan ko siya ng mata
"Van"
"Ngayon lang toh Manixxe ha"kinuha ko sa harap niya ang drawing paper saka sinimulang gawin ang plates niya
Habang ginagawa ko ang plates niya bigla namang tumunog ang cellphone ko
"Hello"
"Ace"
Bigla kong nabitawan ang lapis na hawak ko
"Ace?"
"Hello Ace?"
"Pano mo nalaman ang number ko"hirap kong tanong sa kanya
"I have my connections Ace"
"Pwes fuck that connections,tigilan mo ko"unti unti kong naramdaman ang luha sa mga mata
"Van"napalingon ako kay Ken
"Ace please"
Nagulat nalang ako ng hablutin ni Ken ang cellphone ko
"Tangina mo Yno stop pestering Van"Sabi niya saka pinatay ang tawag
Huminga ako ng malalim saka tinignan si Ken
"Magpahinga kana Van,ako na tatapos dyan"kinuha niya ang lapis sa kamay ko saka inayos ang mga Kalat sa lamesa
Tahimik akong pumunta sa kama ko saka humiga ng patagilid.Unti unti ko nanamang naramdaman ang luha ko
"Fuck you De Dios"mahinang bulong ko saka pumikit
Kinabukasan maaga ako pumasok sa University dahil may kailangan ako ipasa sa isang subject ko.
"Van"napalingon ako ng may tumawag sakin
"Oh Dion ano gingawa mo dito?"takang tanong ko
"Pinapaabot ni Clyde sayo di daw kasi siya makakapunta ng café mamaya"Sabi niya saka abot ng susi sakin
"Ah sige Dion Salamat"Sabi ko saka tumalikod at naglakad papunta sa faculty room
"Vandler"napapikit naman ako
Eto nanaman po siya
"Uy Jude bakit?"
"May gawa kana?"nakangiting tanong niya
Binigyan ko naman siya ng Isang malakas na sapok
"Alam mo Jude sasakalin kita"inis ko siyang hinarap
"Parang tanga naman Van nagtatanong lang ea"hawak niya ngayon ang ulo niya
"Sorry na"tawang tawa kong nagpeace sign sa kanya
"Nagpasa kana?Sabay mo na Toh"sabi niya sabay abot ng papel sakin
Kinuha ko naman ito saka pumasok sa faculty room.
"Mr.Santos"agad naman akong humarap sa professor ko na tumawag sakin
"Yes po"
"Graduating Student ka ng Marketing Management hindi ba?"tanong nito sakin
Tumango naman ako
"May iaalok ako sayo na part time kung gusto mo lang naman tutal it's work from home naman kaya kung may iba ka pang trabaho pwede mo naman siya makuha"panimula nito
Nakangiti akong nakikinig sa kanya
"I'll give you the details pagpunta ko ng classroom niyo,isusure ko lang na wala pa silang nakukuha na empleyado"ngumiti siya sakin
"Thankyou po ma'am"nabow ako sa kanya saka lumabas
"Aba ngiting ngiti ah"bungad sakin ni Jude ng makalabas ako ng faculty
"Work"Sabi ko saka siya nilagpasan
Masaya akong pumasok ng classroom at nakita ko naman si Ashley yung seatmate ko na laging naglalagay ng pagkain sa lamesa ko.
"Kanino nanaman yan galing Ash?"takang tanong ko
Nagkibitbalikat siya saka umupo
"Sabi ko naman sayo wag mo na tanggapin pagmay nagbigay ea"Sabi ko saka umupo
"Sama ng ugali mo Van nagmabuting loob lang naman yung tao sayo"sabi niya habang natawa
Tignan mo tong babae na toh
"Ash"
"Alam mo Van tagalagay lang naman ako dyan saka ayaw talaga nila mahpakilala sayo nahihiya daw"sagot niya sakin
"Wag mo kasi kunsintihin"kinuha ko ang mga pagkain saka nilagay sa iisang lalagyan
Sila Migs lang naman kakain nito mamaya
"Ibibigay mo nanaman kila Miguel yan noh?"natatawa niyang tanong
Inirapan ko siya saka nilabas ang notes ko at nagreview
"Van"
"Ano nanaman?"
"Si Y daw uuwi na ng Pilipinas"kinikilig na balita niya
Alam ko Ash sa café pa nga namin magmemeet and great ea
"Oh talaga?"kunyaring tanong ko
"Oo gagi nakakaexcite"
"Nakabili kana ng libro niya?"tanong ko
"Gago wala pa pre order"
"Bat minumura mo ko"natatawa kong tanong
"Wala lang trip ko lang"
"Gaga"Sabi ko saka tinuloy ang pagbabasa
Bigla ko nanaman naalala yung nangyari kagabi
Bakit bigla ka nanamang nagparamdam Yno?
(GUYS MANIXXE AND KEN AY IISA LANG HA HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA)
CHARACTER UNLOCKED
DION JAMES MENDOZA AND MARK JUDE CORONEL