Prologue

281 3 1
                                    

"Aalis ka nanaman?"

Agad naman siyang napahinto

"Iiwan mo nanaman ako ng walang pasabi?"tanong ko muli

"Ganito nalang ba lagi Yno ?Iiwan mo ko ng bigla bigla?"unti unti kong nararamdaman ang mga luha ko

"Ace"

"Di naman ata ako mahalaga sayo Yno ea kaya ka ganyan"my voice began to crack

"Ace di ganun yun"akmang lalapit siya sakin ng lumayo ako

"Ganun yun Yno pero sige umalis kana at wag ka nang babalik pa"sabi ko saka tumalikod

Naglakad ako pero sobrang labo ng paningin ko dahil sa mga luhang dumadaloy sa mga mata ko

"I'm sorry Ace"napahinto naman ako ng may yumakap mula sa likod ko

Tinanggal ko agad ang kamay niya saka patakbong umalis

Napangiti ako ng mapait ng maalala ko nanaman ang nangyari 7 years ago

"Oh Van bakit nandto ka pa?"napalingon naman ako kay Kuya Carl

"Lipas oras lang po Kuya Carl habang wala pa sundo ko"Sabi ko saka ngumiti

"Tagal ko na napapansin yang taga sundo mo ah boyfriend mo ba yan?"tanong niya pa

"HAHAHAHA hindi Kuya pinsan ko lang yun"sabi ko

Agad ko namang natanaw ang kotse ni Ken kaya agad kong inayos ang gamit ko

"Una na ko Kuya bukas po ulit"Sabi ko saka naglakad palabas ng café

"Sorry Van nalate ako,dami ko tinapos ng school works"Sabi niya ng makasakay ako ng kotse niya

"Ayos lang yun ano kaba"Sabi ko saka inayos ang seatbelt ko

"Ayy nga pala may dumating kang package"sabi niya habang nasa byahe kami

"Kanino daw galing?"takang tanong ko

Wala naman kasi akong inaasahang package

"Walang nakalagay ea kundi pangalan mo lang"Sabi niya pa

Habang nasa byahe iniisip ko naman kung kanino galing yung package na sinasabi ni Ken

"Good evening Tita"bati ko sa mama ni Ken ng makauwi kami

"Good evening iho,magbihis kana para makakain na tayo"Sabi nito saka inayos ang hapag

"Opo"Sabi ko saka patakbong umakyat ng kwarto ko

Naabutan ko naman ang package na sinasabi ni Ken na nasa ibabaw ng kama ko.

Hindi ko muna ito pinansin kaya't nagbihis ako saka bumaba para kumain

"May package ka nga pala Van nakita mo na?"tanong ni tita ng makaupo ako

"Opo Pero mamaya ko na buksan"Sabi ko saka nagsimula nang kumain

"Hoy Felip mamaya na nga yang cellphone na yan at kumain kana"hinablot naman ni tita ang phone niya

"Ma naman"natawa naman ako sa itsura niya

"Kumain na"

Nang patapos na kaming kumain kinapa ko naman ang bulsa ko at hinugot don ang pera

"Tita oh"abot ko sa kanya

"Para saan ito Van?"gulat na tanong ni Tita

"Konting tulong lang Ta,inipon ko po yan simula nung pumasok ako sa café"Sabi ko

"Nako Van,idagdag mo nalang yan sa allowance mo.Kasya naman yung pinapadala ng tito mo"sabi niya sakin

"Okey lang yan Tita tanggapin niyo na po"ngumiti ako

"Ma penge pera"natawa naman kami ng magsalita si Ken

Masaya naming tinapos ang hapunan,pagkatapos ko tulungan si Tita magligpit.Patakbo naman akong pumunta sa kwarto ko

Agad kong kinuha ang package at sinimulan itong buksan.Bumungad sakin ang Isang box kaya't dahan Dahan ko itong binuksan at tumambad sakin ang isang libro na may title na

"Every Midst of Summer"

Kinuha ko ito pero ganun nalang ang gulat ko ng mabasa ko ang pangalan ng sumulat ng libro

Kalix Yno Torres De Dios

Sinilip kong muli ang laman ng box at nakita ko ang isang damakmak na sulat.

Kumuha ako ng Isa at binuksan ito

To my Ace,.       (July 17,2015)

Hi Ace,How are you?Okey ka lang ba dyan sa probinsya natin?Alam mo Ace andaming nangyayari dito sa Canada.Gusto ko na nga umuwi at makita ka ulit ea pero wala naman akong choice kundi magstay dito para sa pagaaral ko.Kumain ka ng marami ha,wag ka magpapalipas.Sabihin mo kay Ken isusumbong mo siya sakin paginaway ka niya ha takot sakin yan ea.Wag mo pababayaan pagaaral mo ha.Until I see you again in the middle of summer Ace

Yours truly,
Yno

Bigla namang tumulo ang luha ko.Ito yung mga sulat na hindi ko tinatanggap simula nung umalis siya.

Lagi ko lang naman siyang nakikita tuwing kalagitnaan ng summer dahil yun lang ang panahon na makakauwi siya.

Binuklat ko ang libro at binasa ang unang pahina nito

"As soon as I can reach you again my love, I'll fight for you always and forever.Until I can see you again in the MIDST OF SUMMER MY LOVE"

Midst of SummerWhere stories live. Discover now