Van's POV
Maaga akong nakapasok sa café dahil wala kaming professor sa last subject namin kanina.
"Van aga mo ah"bungad sakin ni Clyde na katatapos lang magpalit ng uniform
"Wala kami prof sa last subject ea"Sabi ko saka pumasok at nagpalit narin ng damit
"Nasayo na susi?Kala ko kasi di kita maabutan dito kaya pinaabot ko kay Dion"sabi niya
"Oo dadaan ako don sa pet house mamaya check ko kung may gamit na para magawan na natin ng kulungan yung pusa ni Manixxe"sagot ko
"Nagdala na ata ng kahoy si Migs don kahapon"naglakad siya papuntang cashier
"Nasan nga pala Yun?"takang tanong ko dahil di ko makita ni anino ni Migs dito sa café
"Nagpaalam kay Kuya Carl na di papasok may gagawin ata"sabi niya saka inayos ang mga orders
"Ah sige,pasok muna ko sa office balikan ko kayo dito"tumango siya saka nagsimulang asikasuhin ang mga pending orders
Naglakad ako papunta sa office at naabutan ko si Kuya Carl na may kausap.
"Nandyan ka na pala Van upo ka may sasabihin ako"ngumiti muna ko bago umupo sa sofa
"Ano Yun Kuya?"
"Mawawala ako ng isang buwan Van at gusto ko sana na ikaw muna ang humandle ng café"biglang nanlaki ang mata ko dahil don
"Kuya"
"Malaki tiwala ko sayo Van Tsaka nandyan naman si Migs at Clyde para tulungan ka.Goodluck Van"ngumiti siya sakin
"Makakaasa po kayo Kuya iingatan ko po ang café"ngumiti ako
Masaya akong nagtrabaho buong oras ng shift ko.
"Guys una na ko pakisara ang café ha"paalam ko sa kanila saka tuluyang umalis ng café
Sumakay ako papunta sa pet house nila Clyde at naabutan ko si Brix na may inaayos.
"Good evening Brix"ngumiti ako
"Uyy Van aga mo ah"bati niya
"Nagpaalam ako ea kamusta na pala si Saoirse?"tanong ko saka pumasok sa loob ng pet house
"Ayun medyo matamlay siya ngayon Van"sagot niya
Agad naman akong pumunta sa kulungan ni Saoirse
"Baby"pagkuha ko ng atensyon niya
Agad siyang lumapit sakin at humiga sa hita ko
"Kamusta ang baby ko?"
Binaba ko siya sa kulungan niya saka kumuha ng pagkain.
"Van may pumunta palang lalaki dito kanina,alam mo ba hindi siya sinungitan ni Saoirse"napalingon ako sa kwento ni Brix
"Nakuha mo ba pangalan?"
"Hindi ea may ginagawa din kasi ako nun,napansin ko lang"nagkibit balikat siya
Tumango lang ako saka bumalik kay Saoirse.I was about to carry her ng tumunog ang phone ko.
"Van"
"Yes Manixxe?"
"Pwede ka ba umuwi?"
"Bakit?May nangyari ba?"
"Ahm Van uwi ka nalang"
Di na ako sumagot at pinatay ang tawag.
"Brix uwi ko muna si Saoirse sa bahay ha,ingat ka dito alis na ko"sabi ko saka nagmamadaling lumabas
Sumakay ako ng tricycle pauwi ng bahay.Madilim ang bahay kaya kinabahan ako.
"Tita?Manixxe?"pagtawag ko ng makapasok ako ng gate
Bigla namang tumalon si Saoirse mula sa pagkakakarga ko na ikinagulat ko.
Kahit kabado dahan dahan kong binuksan ang pinto.
"HAPPY BIRTHDAY"
Napaatras ako sa gulat ng bumukas ang ilaw at sa pagsigaw nila.
Bigla namang tumulo ang luha ko ng makita ko lahat ng kaibigan ko ay nandto.
"Happy Birthday Van"sigaw ni Manixxe saka patakbong yumakap sakin
"Siraulo ka kala ko kung ano na nangyari sa inyo ni Tita"naiiyak kong sabi sa kanya
"Sorry insan napagutusan lang ni Migs"natatawang sabi niya
Ngumiti ako,agad ding lumapit sakin si Migs at Clyde.
"Happy Birthday Van"yumakap sila sakin
"Salamat sa inyo"
"Tanga anong salamat,may bayad yan noh"pangaasar sakin ni Migs
"Halata mo talaga sinong mukhang pera sa tropa"rinig kong sabi ni Dion
"Ah talaga ba Dion"umirap si Migs na ikinatawa naming lahat
"Happy Birthday Van kahit lagi mo kong binabatukan"sigaw ni Jude mula sa kusina
"HOY Jude nauuna ka nanamang kumain dyan"sigaw din ni Clyde pabalik sa kanya
"Tanga tumitikim lang ako"
Natawa naman kami dahil don
"Tara na kumain na tayo"ayaw ko sa kanila
Nagpunta naman kaming lahat sa kusina para kumain.
"Van"napalingon ako ng magsalita si Tita
"Tita"
"Halika ka muna saglit sa sala"sabi niya
Tumango lang ako
"Kumain na kayo dyan ha saglit lang"sabi ko saka sumunod kay Tita sa sala
Umupo ako sa tapat niya
"Happy Birthday Van"sabi niya saka may inabot na envelope sakin
"Ano po ito?"
"Buksan mo"
I slowly opened the envelope
"Tita"
"Yan ang huling bilin sakin ng mama mo bago siya mawala, sayo yan Van"
I became speechless
"May address dyan kung saan pwede mo mahanap ang Papa mo Van"
Napaangat ako ng tingin
"Binilin rin sakin ng Mama mo ba,pagdumating kana sa edad mong ito,ibigay ko sayo yung address kung saan pwede mo mahanap ang Papa mo."
Sunod sunod na tumulo ang luha ko
"Pasensya na Van kung ngayon lang,sinunod ko lang ang gusto ni Ate."sabi ni Tita saka lumapit sakin at niyakap ako
Yumakap ako pabalik sa kanya at umiyak sa balikat niya
"Van"
Kumalas ako sa yakap at tumingin sa kanya
"Someone send a gift for you,alam kong kilala mo siya.Nasa taas yung box na galing sa kanya"sabi ni tita
Agad akong umakyat sa taas dahil sa sinabi ni tita.Naabutan ko ang box na sinasabi niya.
Umupo ako sa kama at kinuha ang box
"Ano nanaman ito Yno"mahinang bulong ko
Binuksan ko ang box,akmang kukuhanin ko na ang laman sa loob ng biglang umakyat si Saoirse sa kama at inamoy ang box.
"Namimiss kana ni Saoirse Yno"
Tinignan ko si Saoirse habang inaamoy ang box na nasa kama ko
Galit ako Yno pero namimiss narin kita...