Masasabi ko na hindi na ako hihingi pa ng kahit na anong bagay na naranasan ko sa mundong ito, alam kong labag na ito sa mga rule pero nahulog ako na fall ganern charizz, nafall ako sa taong nagpapasaya saken, sa taong alam ko na mahal din ako, masaya kami kahit pekeng mundo lang ito, palagi nya akong kinakamusta kung may problema ba ako, cringe man siguro pero parang sya yung diary ko dahil kinukwento ko sakanya kung anong mga nangyayari saken at ang nagustuhan ko sakanya ay willing syang makinig na walang sinasabing pang j-judge ganun intindihin nyo nalang ako hshs at oo palagi syang makikinig kase nagtatawagan kami hindi lang chat so oo labag din sa rule jusq sana di nalang kami nag rp no? HAHAHAH so ayon nga mag aaway kami symepre pero ma si-settle naman kaagad, esi-settle namin kaagad bago lumaki, ewan ko lang pero parang ito na ang perfect para saken kung may babae man na umaaligid sakanya sinusunog ko agad yung acc djok HAHHAHA, hindi kaagad ako mag rarant or di agad ako kukuda tatanungin ko lang sya tapos kung ano man sabi nya edi ok ganun at ganun din sya saken.
One time sabi nya saken may nag invite daw sakanya ka quadro dba? alam nyo yun basta HAHHA so sumali sya dun alangan namang pipigilan ko dba? cnu ba ako? djok HAHHAHA oo yun nga ok naman kami, simula nung nasali sya dun may post na about sa kanila tapos makikita ko sa comment section na shiniship sya sa isang girl na ka quandro nya pero wala lang saken yun kase hindi naman sya nagbago saken.
1 year and 8 months namin yesyes monthsarry namin nung time na sabi nya saken gumawa daw sya ng bagong account at idedelete na nya daw yung old acc nya so inadd nya ako sa bagong acc nya at masasabi ko din na bago kase syempre iimbestigahan ko dapat no, mula nun hindi kona pinansin yung old acc nya dun na kami nagchachat sa new acc nya.
Simula nung gumawa sya ng bagong acc napapansin ko na parang hindi na sya masyadong nag oonline pero hindi ko na yon pinansin kase baka bc sya about sa school or sa family or something.
Mahilig ako mag backread lalo na nung time na bored ako, nagbackread ako so naalala ko yung old acc nya kase nga dba bagong acc nya na gamit nya, tiningnan ko yun kase plano ko din mag backread sa mga chats namin doon so pag open nagtataka ako may nakalagay na *You can't reply to this conversation* edi naka block na ako dba? tanga ako oo pero hindi naman masyado at hindi naman ganun kung idedelete nya ang acc dba so ayon nga nagtataka na ako at feeling ko malapit na akong magsabi sa mga kaibigan ko na mag shoshot kami djok HAHHAHA medj kinakabahan na ako nun.
Hindi ako nagtanong tungkol dun medj hinayaan ko muna kase nakalimutan ko din hshs sori hihi. 2nd anniversary namin nun. napapansin ko parang madalas na talaga yung hindi nya pag online sa acc nya which is yung bago, hintay ako ng hintay at naalala ko yung isa nyang acc kaya inopen ko yung isa ko din na rp acc syempre meron din ako no hindi pwedeng sya lang hshs tapos friend kami dun sa old acc nya, pag open ko dun nisearch ko yung old acc nya, lumabas jusq lumabas so ibig sabihin hindi nya dinelete.
Dahil secret agent ako, inistalk ko yun at tara inom hshs kase may ka rs at ang masaklap pa doon ay ang ka rs nya is yung ka quadro nya na shiniship sakanya at nakita ko mga post ay sweet post na tinatag yung babae so anoh toh maglalasing naba ako neto hshs sakit kada scroll ko tumutulo luha ko sa kagagawan ng yokai djok oo masakit nasasaktan ako talaga oo hshs at sa umabot ako sa post na naka in a relationship silang dalawa at pag tingin ko sa date yun yung date na sinabi nya saakin na gumawa sya ng bagong acc.
Tinapos ko na pang s-stalk ko kase parang sumobra ang sakit. Nag log out ako dun at nag log in ako sa original acc ko talaga at nagka taon din na online sya doon, chinat ko sya ang sweet sweet nya bumati sya saken, lalo ako naiyak kase sa lahat ng ka sweetan nya saken niloloko na nya pala ako, nagsend ako sa kanya ng mga pictures which is yung mga na screenshots ko about dun sa panloloko nya. antagal nya naka reply, parang hindi nya alam sasabihin nya kase nagtatype pero nawawala, sabi ko "aminin mo nalang saken ang totoo" at nag reply sya ng " sorry " so hshs ibig sabihin nun totoo sabi nya pa " nahulog ako sakanya sorry patawarin moko, mahal ko sya at totoo mga nakita mo" " oo mahal kita pero mas mahal ko sya" masakit, masakit na masakit.
So ayon nalaman ko na 4 months na ang relationship nila hshs pinagpalit ako sa taong kakakilala nya palang.
2 years na kami ng nalaman ko na niloloko nya ako.
2 years kami nung tinapos namin ang lahat ng meron samen
2 years kami at 4 months pa sila nung babae.
Masasabi ko parin na sya yung the one.
Yes he's still the one, but not for me.