Tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa taas ng monitor ng aming classroom, 1:36 pm na ang oras ngayon. Thirty-one minutes have passed since the whole class started to answer our summative test in Mathematics. I am finished already answering this 40 items test. As I observed the whole class, I am the only one who was done with the said test. These Math questions are quite difficult, but it's something I'm good at, solving problems.
I can see that some of my classmates are still struggling to answer these Math questions. They are looking on the ceiling na para bang naroon ang kasagutan sa mga tanong na hindi nila masagot. Ang iba naman ay walang tigil sa pag-compute habang nag-aalinlangan kung tama nga ba ang ginawa nila. Habang ang iba ay tila wala na talagang maisasagot kaya naman tanging panghuhula na lamang ang natitira nilang sandata. "~Ini mini miny moe~." Dinig kong kanta ng Ilan.
Dahil tapos na nga ako sa exam namin ay nakahinga na rin ako nang maluwag. Ito na rin kasi ang huling subject na ie-exam namin para sa second quarter. Nangangahulugan din ito na tapos na ang 2nd quarter kaya naman makakahinga na rin ako nang maluwag.
Maya-maya ay tinawag ako ng aming class adviser na siya ring guro namin sa Math subject na si sir Rey.
"Anak." tawag sa'kin ni sir Rey. Oh 'di ba, sanaol anak ang tawag ng teachers sa mga estudyante niya! Ang bait talaga ng mga teachers namin sa school na ito. Hindi rito uso ang mga terror teachers, medyo strict yung ilan, pero mabait pa rin naman."'Nak, mukhang tapos ka na yatang magsagot. Pwede mo nang ipasa sa'kin." hindi pa ako nakatatayo mula sa aking kinauupuanan nang magsalita si sir. Narinig ko naman yung sinabi ni sir dahil dito ako nakaupo sa likuran malapit sa teacher's desk.
"Opo, sir." tugon ko. Kinuha at inayos ko na ang aking worksheet. Tumayo na ako at naglakad habang hawak-hawak ko ang sagutang papel na ito. Nang makarating ako sa harap ni sir ay nilapag ko na sa lamesa ang nasabing papel.
"May kulang na naman sa mga sinulat mo rito." natatawang sabi ni sir Rey.
"Po? May nalakdawan po ba akong number?" nagtatakang tanong ko. Siniguro ko namang 40 items ang sinagutan ko.
"Kumpleto naman sagot mo, kaya nga lang ay hindi mo na naman nilagyan ng pangalan 'tong answer sheet mo. Hay naku, napakamakakalimutin mo talaga, Elle. Ayaw kong magkaroon ng anak na kalabaw ang pangalan, kaya isulat mo na pangalan mo rito oh." paliwanag sa akin ng natatawa kong adviser habang tinuturo kung saan ko isusulat ang aking ngalan.
"Hindi mo na rin kailangang umattend ng remedial class natin mamaya pagkatapos nitong summative test. Keri mo naman na 'yan." sambit niya habang sinusulat ko pa ang pangalan kong Elle Salazar sa aking test paper.
"Pinapatawag ka pala ng school head nating si Chief Ali. Puntahan mo siya sa kaniyang office sa loob ng training hall." dagdag pa ni sir.
"Sige po." tipid kong sagot. Pumunta na ako sa aking desk upang ayusin na ang aking mga gamit at upang makuha na ang aking bag na may lamang mga chocolate. Pagkain lang talaga laman ng bag ko. Favorite ko lang talaga ang chocolate, kasi nakakatalino raw ito. 'Yun lang naman, dito naman na nakalagay sa kani-kaniya naming desk iyong mga school supplies namin para hindi na kami mahirapan sa pagdadala ng mga ito. Hindi na rin naman namin kailangan pang iuwi yung mga notebooks at books namin dahil hindi naman kami pinapagawa ng assignments. Sabi kasi sa amin, mahalaga raw ang oras namin, sayang naman daw na imbes mag-enjoy kami 'pag tapos na ang klase, gagawa pa kami ng ga-bundok na takdang aralin. Mahaba naman na ang oras ng aming klase kaya sa oras na rin na iyon namin ginagawa yung mga written tasks.
"Alis na po ako." pagpapaalam ko.
"Ingat." bilin sa akin.
"Sir, bakit aalis na po si Elle?" dinig kong reklamo ng ilan sa aking mga kaklase. Napatawa nalang ako sa mga asal nila. Imbes na magsagot ay inuna pa nila ang umangal. Tuluyan ko nang nilisan ang silid na ito habang natatawa. Sa tingin ko ay nasusuka na iyong iba kong mga kaklase sa pagsusulit na iyon.
YOU ARE READING
Young Detective (The Other World Series)
Ciencia FicciónIt is a part of being a detective to hide their identity. And the best way to perform it is to be a young detective. ~~~ Just like humans, Aloras, the people of Calvan also has a law that they need to obey. They must not use their power to humans. ...