IV - SA SUSUNOD

40 5 0
                                    

ᜐ ᜐᜓᜐᜓᜈᜓᜇ᜔

Nakatingala sa malawak na alapaap,
Minamasdan ang mga bituin sa pagkislap,
Na sa liwanag nito'y hindi na kayang ikubli ng mga ulap
At sa aking paglingo'y isang buwan ang sumulyap

Nariyan na naman pala kayo
Muli niyo na namang nasilayan ang pagtulo ng mga luha ko
Oo, tama kayo, nasaktan na naman ako,
Nilisan na naman ako

Lagi nalang ganito,
Napapagod na ako
Nais ko nang sumuko
Ito na ba ang oras para tumigil na ako?

Pero dahil uto-uto ako,
Uulitin ko, uulit pa ako
Muli akong hihiling sa inyo,
Na kahit hindi sigurado'y susubukan ko

Sana sa susunod na pagtibok ng puso ko,
Ay mayroong sumabay sa ritmo nito
Sana sa susunod na muling mahuhulog ako,
Ay nariyan ang taong naka-abang at handang sumalo

Sana ay sa tamang tao ang bagsak ko
Sa taong kayang tanggapin kung ano at sino ako,
Sa taong kayang magsilbing tahanan ko
Habang sinasambit ang mga salitang ito: "Magpahinga ka lang, pangako, mananatili ako sa tabi mo"

Sadyang napakadaling humiling
Subalit napakahirap na ito'y tuparin
Ng tadhanang walang ibang ginawa kun'di ako'y dayain
Nais mo talaga na ako'y laging biguin

Ngunit patuloy ko pa ring hihilingin
Na sana ang susunod na maisulat sa mga bituin
Ay ang muli kong maranasang mahalin
Kahit na alam kong sa huli ay muli akong lilisanin

Kathang Tula Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon